I heard my mom yelling my name from downstairs. I am inside my room, busy playing with my dolls while sitting on the floor. As usual, I'm talking to each one of them like we're in front of a camera, acting in some kind of a movie.
Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-upo at agad tumakbo palabas para silipin si Mommy. Patuloy pa din siya sa pagsigaw sa ibaba.
"Nicolette!"
"Yes Mommy?" Sigaw ko pabalik.
"Come down here, honey. We have a visitor." Masayang sagot niya habang halatang may kinakausap nga sa may living area namin.
Kaagad naman akong sumunod at bumaba ng hagdan habang naroon ang kuryosidad sa aking isipan sa kung sino ang maaari naming maging bisita. Halos lahat kasi ng mga kamag-anak namin ay kung hindi nasa iba't ibang panig ng mundo ay nasa Maynila naman.
Kami lang mag-anak ang napadpad rito sa bayan ng San Ignacio dahil doon nakapagpatayo ng bahay ang Lolo Efren. At dahil nag-iisang anak ni lolo si mommy kaya't sa amin napunta iyon.
Nang mamatay kasi si lolo noong nakaraang dalawang taon ay kaagad kaming umuwi mula sa Amerika at dito na napagpasyahang tumira.
Pagkababa ko sa pinakahuling baitang ng hagdan ay sinilip ko mula roon ang sinasabing bisita namin. Hindi ko gaanong matanaw dahil nakatayo sina Mommy at Daddy kaya't nahaharangan nila.
Ngunit nang lumingon si Mommy ay saka ko nakita kung sino iyon, dahilan upang mapatakbo ako papunta roon.
"Lolo Desmond!" Sigaw ko habang nakataas ang aking mga kamay.
Kaagad naman akong binuhat at niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang pagka-miss dito dahil ilang buwan din itong nawala para tumira panandalian sa London.
"You're getting bigger, Nikki." He chuckled as he carries me. "And a little heavier too." He added.
Ngumuso naman ako dahil sa sinabi niya.
"I'm not getting bigger lolo, I'm getting taller." Depensa ko dahil ayaw kong matawag na mataba.
"Oh sorry." Pagkatapos ay ibinaba na niya ako. "Patingin nga kung talagang tumangkad ka?" Saka niya sinipat ang kabuuan ko at saka ngumiti at tumango-tango. "You're right. You're getting taller... and prettier." Dagdag pa nito na ikinabungisngis ko.
Si Lolo Desmond ay matalik na kaibigan ni Lolo Efren. Matagal na silang magkapit-bahay kaya naman lumaki din si Mommy kasama ang nag-iisang anak ni Lolo Desmond na si Tita Debbie.
Maagang nabiyudo si Lolo Desmond kaya mas napalapit siya lalo sa aming pamilya. Nang makapangasawa ang anak nito ay doon na tumira sa London, kaya naman naiwang magisa ang matanda.
Noong namatay lang si Lolo Efren ko nakilala si Lolo Desmond. I was just six years old back then and doesn't really understand what death means. I became attached to him because I see my lolo in him. Ganoon din ito dahil nasa ibang bansa ang mga apo nito. In result, I was being spoiled by him.
Palagi nga akong pinapagalitan ni Lola Medy dahil palagi akong nasa kabilang bahay. Baka daw nakukulitan na sa akin si Lolo at nahihiya lang daw akong pauwiin.
But I knew better. He really enjoyed my company, as I enjoyed being with him too. I got closer to him than I was with my own grandparents.
"May mga dalang pasalubong sayo ang Lolo Desmond mo." Sabi ni Lola Medy na nakaupo sa isang upuan habang ipinapakita nito ang isang supot na may lamang mga chocolates.
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
General Fiction"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."