Ang akala ko hindi ako makakatulog dahil sa saya at kilig na naramdaman ko mula sa sinabi ni Decks sa akin kagabi. Pero nakatulog rin ako kaya maganda ang gising ko ngayon.
I just brushed my teeth and washed my face before coming out of my room. Deckard was already sitting in the breakfast nook while drinking his coffee. Mukhang pina-room service na lang din niya ang agahan namin para hindi na kami siguro bumaba pa.
"Did you sleep well last night?" Tanong niya na masaya kong tinanguan. Siyempre naman nakatulog ako nang maayos dahil sa saya. "Buti naman at hindi ka sinipon dahil sa pagbababad mo nang matagal sa bathtub kahapon."
Napangiti ako dahil ramdam ko talaga ang pagiging concern niya sa akin.
"Oo nga eh, buti na lang hindi."
"Next time, don't ever fall asleep again on the tub, okay? It's dangerous." Napangiti ako lalo sa pangaral niya na tunog sweet sa pandinig.
"Okay." And then I started pouring coffee into my cup. "Oo nga pala, tapos na ba ang meeting niyo? Diba may part two ang meeting niyo ngayon?" Tanong ko sa kanya dahil nakasweat pants at sando lang siya at hindi siya nagmamadali ngayon.
"I have no meeting today." Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at hindi ko alam kung bakit. Parang nabad-trip sa tanong ko.
"You cancelled it?" Sunod kong tanong. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot. "Does that mean you're free the whole day?" May excitement sa boses ko.
"I guess so." Sagot niya na mas lalo kong ikinatuwa.
"Cool!" Bulalas ko. "Then why don't we go out and explore Hong Kong?" Aya ko.
"You and I aren't first-timers here."
"Yes, but we're usually on a business trip kapag nagpupunta rito." Sagot ko.
"Or just plain shopping."
Natawa ako doon dahil totoo naman.
"Yes, shopping. I haven't really explored this country except for their shopping malls." Natatawa kong sabi. "Kaya nga chance na natin tong mag-ikot-ikot. To relax and free our minds from stress. To unwind to act like a real.." Hindi ko matapos ang sasabihin.
"A real what?" He looks interested in what I was about to say.
"Like a real tourists." Iyon ang lumabas sa bibig ko.
Tumango naman siya roon.
"Right." And he began drinking his coffee again. "Then we should finish our breakfast so we could get out and enjoy exploring." Sabay tanggal niya sa mga food cover para makita ko ang mga pagkaing naroon. "Kumain ka nang marami para magka-energy ka sa pag-iikot natin."
I'm happy because I feel like we're normal now. Normal friends. And soon, I know we can be a normal couple too.
Pagkatapos naming kumain ay naligo at nagbihis na kaming pareho. I opted to wear a plain white crop top and black short- shorts and I paired them up with white sneakers. Mas comfortable ako pag ganoon ang suot ko lalo na kapag alam kong maraming lakarin ang mangyayari.
Si Decks naman ay naka simpleng V neck white shirt at naka jeans lang din at top sider naman kaya ang linis tingnan at ang sobrang gwapo. Patay na naman mamaya sa mga titingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
Fiksi Umum"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."