Chapter Twenty Nine

663 47 4
                                    

""This is it!

Bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. I know everyone will say that I am a beautiful bride today. My make-up is perfect, it looks fresh and natural. My gown fits me perfectly and my hair is tied up in a bun that adds to my stunning look.

Nakailang ulit akong pumikit at dumilat upang makasiguro na hindi ako nananaginip. Na totoong ikakasal na ako ngayon.

Narito ako ngayon sa isa sa mga kwarto sa bahay ni Decks. Dito ako inayusan ng make-up artist na kaibigan ni Mommy. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan at iluwa roon ang mga kaibigan kong si Maple at Yara.

Maaga pa lang ay naroon na ang dalawa upang tumulong sa pag-aayos para sa kasal ko. Kahit alam nilang isang palabas lang ang seremonyang magaganap ay narito pa rin sila upang suportahan ako.

"This is it Niks, konting oras na lang magiging Mrs. Price ka na. Hindi na single ang status mo gaya namin ni Maple kundi married na." Masayang sabi ni Yara.

Married

Tama siya, magiging Mrs. Price na ako bago matapos ang araw na ito. I should be happy, right? Kasi eto na ang pinakahihintay ko noon pa man. I've been in love with Decks since time immemorial. Pero bakit may hungkag akong nararamdaman sa kaibuturan ng puso ko? Kasi alam ko ang totoo? Na pagkukunwari lang ito?

Ngumiti ako sa harapan nila para ipakita na masaya ako ngunit dahil sa mga iniisip ko ay naging alanganin iyon at nahalata nila.

"Hey, you looked worried. Don't be! We're here and your parents are here too." Maple said and squeezed my shoulders.

"Thank you." Sabi ko at nakahinga na din nang maluwag kahit paano.

Muli akong humarap sa salamin at saka huminga nang malalim. Tama sila, hindi ako dapat kabahan o mangamba. Narito ako dahil ito ang ginusto ko. Ito ang pinili ko kaya't paninindigan ko ito hanggang sa huli. Hindi ako bibitaw hangga't hindi ko siya napapa-ibig sa akin.

Hindi ko na namalayan na simula na pala ng seremonya namin. Tinawag na ako upang bumaba sa may garden area. Rinig ko na ang pagtugtog ng mga piano at violin, hudyat na talagang nangyayari na ang pinapangarap ko.

Tila ba tumigil ang lahat nung paglakad ko ay natanaw ko na siyang naghihintay sa pinakaharapan. Ni hindi ko na nagawang lingunin ang lahat ng mga bisitang nadaanan ko dahil titig na titig ako sa mga mata niyang titig na titig rin sa akin.

I don't know if what he's portraying right now is real coz he looks like he's feeling the same way as me. That he's damn in love with me too, as I am to him. But I know the truth and it's the other way around. He's just a good actor.

I removed my bitterness feeling inside of me. Kahit alam kong palabas lamang ito ay ayokong sirain ang araw na ito. Kahit mag-imagine na lang ako para sumaya ay gagawin ko para sa kanya. I'm not going to show these people that this isn't real. I'll play this drama with him until the end.

Pag dating ko sa may gitna ng aisle ay sinalubong ako nina Mommy at Daddy.
I saw them both smiling and crying at the same time. I felt guilty for fooling them, for playing with their emotions but I already started this show and there is no turning back now.

Habang sabay-sabay kaming naglalakad na tatlo papunta sa harapan ay patuloy ako sa pag-iisip kung kakayanin ko nga bang paibigin si Decks bago matapos ang anim na buwang pagsasama namin. Kakayanin ko bang sumunod sa mga pinag-kasunduan namin o gagawin ko ang mga dapat upang mapasa-akin na siya nang tuluyan. At kung kakayanin ko bang gawing totohanan na ang pagiging mag-asawa namin upang hindi na kami humantong sa hiwalayan gaya nang napag-usapan.

Dahil sa kaiisip ko at kakatulala sa kanya ay hindi ko na napansin na nakalapit na pala kami sa harapan at kaharap ko na siya.

"Take care of her. Make her happy more than we did." Sabi ni Daddy sa kanya.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon