Chapter Twelve

673 51 7
                                    

Napalunok ako nang makita ang mapanganib na tingin niya kay Trix na nasa tubig pa. Kaya kahit nanghihina pa ako at nanginginig ang katawan ay tumayo na para mapigilan na ang kung anumang maaaring magsimula sa mga oras na iyon.

"Okay, let's leave." Saad ko sakanya subalit parang hindi na niya ako naririnig na.

"Niks, anong nangyari?" Si Maple na umaahon na at papunta na sa amin habang kasunod si Yara. "Nakarinig kami ng tili mula sa itaas eh kaya halos sabay sabay na kami nagsi-talon."

"Well, she almost drowned!" Si Decks na ang sumagot kaya naman napakagat-labi ako. "She doesn't know how to swim, and yet she was left here alone!"

Mukha namang na-guilty ang dalawa kong kaibigan dahil parang nasisi din sila sa pag-iwan sa akin roon nang mag-isa.

"I'm sorry." Si Yara na nakipagpalitan pa ng tingin kay Maple. "Hindi naman namin alam na magkakaganito. She was with Monique and also Aiko and Candy were here too. Kaya hindi namin aakalain na maaaksidente siya. Ano ba kasi nangyari?"

"It's my fault." Singit naman ni Monique. "Hindi ko dapat siya iniwan para makipag-usap sayo Kuya."

"No one's here to blame but the one who invited her here and the ones who purposely lure her in the water." Masungit na ang tono ni Decks at mas lalong umigting ang panga nang naka-ahon na din si Trix at palapit na sa akin.

"What happened Niks?" Tanong ni Trix na akmang lalapit na sa akin nang biglang suntukin ni Deckard.

Nagtilian kaming mga babae at kaagad na pinigilan si Decks.

"Tangina! Anong problema mo Price?!" Si Trix na hawak hawak ang pangang tinamaan.

"Ikaw ang problema ko, Sevilla!" Malakas na sigaw naman ni Decks. "You invited her here and then you left her alone by herself when you know that she doesn't know how to swim! She could've drowned and died, you asshole!" At nanduro pa. "Papaano kung hindi ako dumating ha?! Papaano kung walang nakakita sa kanya?!" Ramdam ko ang panggigigil ni Decks. "Nanliligaw ka sakanya diba?! Eh tangina, bakit mo pinabayaan?!!!"

Sobrang lakas ng boses niya na kahit ako ay natatakot na din at gustong takpan ang mga tenga.

"Hindi ko naman inakala na magkakaganito dahil takot nga siyang bumaba sa tubig eh. So I didn't assume that she'll try to get across the water!" Depensa naman agad ni Trix.

"Bullshit! You should've never taken your eyes off of her! Hindi mo ba alam kung gaano katigas ang ulo nito?!" Sabay turo sa akin.

Napangiwi naman ako. Kailangan ba talagang ibuking ako nang ganoon?

"Tama na, Decks." Awat ko na hinawakan na ang braso niya. "Ayos naman na ako."

Kaagad siyang bumaling sa akin na parang hindi nagustuhan ang ginawa kong pag-awat at ang mga sinabi ko.

"Maayos ka?! You almost drowned, Nicolette!" At saka muling bumaling kay Trix. "I'm taking her home!" Sabay hatak na sa akin at kay Monique.

"Sasama na din kami, Decks." Sina Maple at Yara na kinuha na din ang mga gamit nila.

I looked at Trix and I know how sorry he was for what happened. Wala naman talaga siyang kasalanan kung tutuusin. Ako naman talaga ang dapat sisihin dahil hindi dapat ako nagpatangay kina Candy at Aiko. Alam ko na hindi ako marunong lumangoy kaya dapat hindi ko na sinubukang tumawid para hindi na ako napahamak at hindi na nagkagulo pa nang ganito.

"I'm sorry Trix." Malungkot kong sabi at hahawakan sana siya nang pigilan ako ni Deckarad.

"Bakit ikaw pa ang nagso-sorry?!" Mukhang asar na din siya sa akin. "Sila dapat ang magsorry sayo, lalo na yung dalawa na yan na pinagtawanan ka pa habang nalulunod!" Turo niya kina Candy at Aiko bago sa mga kalalakihan naman tumingin. "Don't let those two bitches come near her again, or I swear, I will forget that they are girls." Mabigat ang binitiwan niyang banta.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon