Chapter 21

302 7 1
                                    

Luke's POV

Isang araw na ang lumilipas pagkatapos nung tawag na iyon. I tried to understand it. Bakit ganoon na lang kadali para sa kaniya ang sabihin iyon?

Gusto ko siyang puntahan at sabihin sakin ulit iyon. Alam kong nagsisinungaling siya. Ayokong nasasaktan siya. Pero mas lalong ayoko siyang pinilitin.

This is what she likes me to do. Let not talk and see each other my ass.

Pupuntahan kita ngayon, Chandrea. Let's talk about it. Tumayo na ako at lumabas sa office ko. Napatingin agad sakin si Jaro na nakaupo at nakatingin sa desktop niya.

"Wala pa rin ba yung inutos ko sayo noon?"

Ang tagal na noon, hanggang ngayon wala pa rin. I need the information about Chandrea. I want to know her more.

"Huh? Teka sir, ito pala! Nakalimutan ko ibigay sa inyo, lagi po kayong nasa meeting eh,"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kinuha ko sa kamay niya ang black envelope.

"I want you also to investigate about Chandrea's whereabouts noong isang araw,"

"Sir? Ano po nangyari?" nagtatakang tanong niya.

"Just do it,"

Iniwan ko na siya doon na nagtataka pa rin. Alam kong marami pa siyang ginagawa pero wala siyang choice kundi gawin ang pinapagawa ko.

Pumasok ako sa elevator. May nakasabay akong babae at naramdaman ko titig niya sakin. Tinignan ko siya at nagulat pa. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang umiwas ng tingin at namula ang pisngi. She's an intern?

"Intern?" tanong ko.

"Yes sir," halos pabulong na lang iyon.

Tumango na lang ako at nang makarating ako sa lobby ay dumeretso na agad ako sa parking lot. Pagkasakay ko sa kotse ko ay tinitigan ko pa muna ang black envelope na hawak ko.

Binuksan ko iyon at binasa ang nakalagay sa documents.

Chandrea Lorraine R. Mercado.

Unang information pa lang ay agad ko iyon binalik sa envelope. I clenched my jaw about that. Does she know about this? Maybe not.

Iritado akong nagmaneho papunta sa mansyon ng mga Reyes. They had a secret, huh? I wonder kung sila lang nakakaalam ng lahat ng ito.

Pagkatating ko ay nakita ko agad ang security guard na nakatayo roon. Nang makita niya ang sasakyan ko ay agad siyang lumapit. Binaba ko ang bintana ko para magtanong.

"Nandyan ba si Chandrea Lorraine?"

Kumunot ang noo niya.

"Sino po?"

He doesn't know who is Chandrea? "Ms. Mercado? The daughter of Charlotte Mercado?"

"Sir, hindi po Mercado si ma'am—" napatigil siya nang mapagtanto niya ang sinasabi niya. I smirked.

"Pasesya na po pero nakaalis na po sila kahapon."

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon