Chapter 11

1.1K 13 1
                                    

Lunch dismissal na at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang pinsan ko na isama muna itong si Chelsea.

"Pwede ba tayong magsabay mag-lunch?" she asked habang inaayos niya ang mga gamit niya.

Napatingin ako sa pinsan ko na nakunot-noo na nakatingin sakin. Tumingin din siya saglit sa bago kong kaibigan at binalik muli sakin.

"Lynard? Pwede bang ikaw muna bahala kay Chelsea?" tanong ko.

Marahan siyang bumuntong-hininga. Alam na ata niya ang plano ko dahil alam niya din na sabay kaming mag-lunch ni Luke sa labas.

"Pero kung hindi okay. Isasabay ko na lang siya sa amin."

"No, it's okay." seryosong tugon niya.

Naguguluhang napatingin sakin si Chelsea. Sa itsura niya ngayon, sinasabi ng mukha niya na bakit ko siya pinapasama sa hindi niya kilala.

"Chelsea, meet my cousin, Lynard. Kayo muna mag-sabay mag lunch okay?"

Tinignan niya ang pinsan ko at napansin ko ang pagpula ng pisngi niya. Hindi niya alam ang gagawin sa hiya kaya naman pinagtaasan ko ng kilay ang pinsan ko. Naglahad naman agad ito ng kamay.

"Hi? Sa akin ka muna sumabay. May lunch date yang kaibigan mo. Don't worry ipapakilala rin kita sa ka-bandmate ko."

"Sure! Matagal na akong nakikinig sa mga music niyo. Napakaganda,"

Natahimik ang pinsan ko dahil sa sinabi ni Chelsea at hindi ko mapagilang mapangiti. Uh-huh? Mukhang nakahanap ako ng magiging girlfriend ng pinsan ko ha?

Lumapit sakin ang pinsan ko. Abala na ulit mag ayos ng gamit si Chelsea.

"Pinapaubaya mo ba ako sa iba? Don't worry sayo lang titibok ang puso ko Chandrea," seryosong sabi niya.

Umiling na lang ako. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at mabilis na umalis. Nasisiraan na ata ang pinsan ko. Sa lahat ng pwedeng magustuhan bakit ako pa? Sabagay wala nga namang pinipili ang puso. Kapag tumibok na ito sa isang tao, wala ka ng magagawa.

Pagdating ko roon, nakita ko na agad siyang nakasandal sa pader. Magkakrus ang mga kamay at nakatingin sa malayo. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay sakin na binaling ang tingin niya. Damnit, he's really hot and handsome kahit simpleng white shirt with jacket at khaki short lang ang kaniyang suot.

Hinubad niya ang jacket niya. Nang makalapit ako sa kaniya ay sinuot niya sakin iyon. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"Kanina ka pa dito?"

Habang abala siya sa pagsuot ng jacket sakin, sinagot niya pa rin ang tanong ko.

"Yes. And I told you that I don't like your uniform right? Bakit hindi ka pa rin nagsuot ng jacket?

Umigting ang panga niya. He's mad at kita iyon sa itsura niya. Nakabusangot na parang batang na-agawan ng laruan. Tumingin ako sa paligid. Nang makitang walang estudyanteng nakatingin ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

Napatalon naman siya sa gulat at matalim akong tinitigan. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangisi.

"I'm sorry? Don't be mad dahil wala kang magagawa dahil ganito talaga ang uniform namin. Wala kang magagawa,"

Isang ngiti pa ay nawala na naman ako sa sarili ko nung maglapat ang labi niya sa labi ko. He gave me a smack kiss pero parang nabitin ako.

"Let's go?" seryosong sabi niya.

I pouted. Pinakita ko iyon para halikan muli ako pero seryoso talaga siya. Pinagbuksan niya ako. Bago ako makapasok ay hinalikan ko ang pisngi niya ng mabilisan. Nakita ko ang talim ng tingin niya sakin. Masisisi niyo ba ako? I got addicted to his kisses!

"Don't do that again, baby. Baka hindi ko mapigilang angkinin ka sa wala sa oras,"

Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya.

"Ang alin? Ang halikan ka sa pisngi? Don't tell me, sa simpleng halik ko lang sa pisngi mo ay natuturn on ka na?" pilyang tanong ko.

Mariin siyang napapikit at binilisan niya ang pagmamaneho niya. Halos maiwan ang kaluluwa ko sa upuan dahil sa bilis. Mabuti na lang pina-seatbelt niya ako kanina.

"Stop it, baby." pagpipigil niya.

Naramdaman ko rin ang pagpipigil niya. Alright. Natawa na lang ako sa isip ko dahil sa epekto ko sa kaniya. Baka hindi ako makapasok sa afternoon class ko kung sakaling ipagpapatuloy ko ang kapilyahan ko.

Pagkarating namin sa isang restaurant ay iginaya agad kami ng isang waiter sa reserve table namin. Habang nakatingin si Luke sa menu, inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid.

Now I understand kung bakit pinag-suot niya ako ng jacket dahil halos lahat ng nandito ay mga magka-sintahan.

"What do you want?" tanong ni Luke na nakatingin pa rin sa menu.

"Anything will do,"

Tumungo siya at may sinabi siya sa waiter. Habang nakatingin sa kaniya ay hindi ko mapigilang mabahala. Paano kaya kung malaman ni mommy na kasama ko siya? Ano kaya ang mangyayari? Hindi ko na naman ba siya makikita?

"What are you thinking?" marahang tanong ni Luke nang tumingin na siya sakin.

"Just a thoughts of what if,"

He clenched his jaw. Hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko.

"What is it, baby?" malambing niyang tanong at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"What if malaman nila mommy na magkasama tayo? And worst may something sa atin?"

Pumungay ang mata niya. "Oh, my baby thinking about our future huh?"

Inirapan ko siya. Future niya mukha niya. Ayoko lang mahuli dahil hindi pa ako handang hindi ulit siya makikita.

"Future ka diyan. Naisip ko lang na kapag nalaman nila, paglalayuhin nila tayo diba?"

He sighed. "Lorraine, just trust me okay? Just don't give up on us. Lahat gagawin ko para sa huli ay tayo pa rin. So, stop thinking about it baby. Don't ruin our moment."

Ngumiti ako at napakalumbabang tumingin sa kaniya. I gave him a puppy eyes. Yes, I will never give up on us, as long as kaya ko pa. I'm hoping na matanggap ni mommy ang relasyon namin kahit na mayroon ang rules.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon