Chapter 1

2.4K 23 0
                                    

Chandrea POV's

Nakarating kami sa isang lugar kung saan hindi pamilyar sa akin. Alas-nuebe na ng umaga kaya sikat na sikat ang araw. Napaka-init. Pero hindi mo mararamdaman ang init sa sobrang presko ng hangin. Saan ito?

"Nasaan tayo, mommy?" walang gana kong tanong.

Yung driver namin ang nagbuhat ng iba pang gamit namin. Si mommy naman ay tulak-tulak ang napakalaking maleta at ako naman ay yung travel backpack lang.

"La Graneda, nandito tayo sa mansyon ng lolo't lola ko. Dito na tayo maninirahan."

Pinagmasdan ko ang natatanaw kong mansyon. Hindi mo aakalahing napakatagal na ng bahay na ito dahil sa mala-modernong desinyo nito. Gawa sa bato ang pader at tila kumikinang pa ito sa sobrang kintab. Ang mga hardin na may mga iba't ibang halaman ang naroon ay parang araw-araw inaalagaan.

Kung hindi lang sinabi ni mommy na dito ako mag-aaral baka iisipin kong nagbabakasyon kami.

"By the way, get ready later, may reunion dito sa mansyon ng mga angkan ng mga Reyes at Collins."

"Collins?" nagtatakang tanong ko kay mommy.

Narinig ko ang apelyidong hindi pamilyar sakin. Bakit sila kasali sa reunion? Diba dapat ang pamilya lang namin ang may reunion?

"That family is close to the family of Reyes. Partner kumbaga."

Nalilito kong tinignan si mommy. Si mommy ay Reyes. Si daddy ay Mercado. Kaya ang buong pangalan ko ay Chandrea Lorraine R. Mercado. But I've never heard about them. Why they are close with the family of Reyes?

Sa tanggapan ay sinalubong kami ng isang matandang nakasuot ng kulay red na dress. Pulang-pula ang labi dahil sa lipstick. Nakasuot ng mga alahas at ang buhok niyang nakaayos na parang korona. I once see her when I was young. Pero hindi pa ganito ang itsura niya ngayon.

"What is she doing here?!" tanong niya sabay turo sakin.

"Ma," mahinahong sabi naman ni Mommy.

"Bakit nandito ang batang yan?! Hindi ba sinabi ko sayo na iwan mo na iyan! Ang laki na niya at ikaw pa rin ang bumubuhay diyan! Wala ba siyang sariling-"

"Anong ingay yan?" malamig na boses na galing sa pangalawang palapag ng mansyon.

Lahat kami ay napatigil. Alam kong ayaw nila akong nandito. Lumayo kami ni mommy dahil ito ang dahilan. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung matatanggap pa nila ako. Kahit hindi ko naman alam kung may nagawa ba akong mali o sadyang ayaw lang nila sa pagkatao ko?

"Lola, magandang umaga" napayuko si mommy.

"Clara, anong ingay ang naririnig ko?" tanong ng mas matanda pa kesa sa mama ni mommy.

Nakasuot lamang siya ng puting bistida at salamin.

"Iyang apo mo! Dinala pa ang batang iyan!"

Napayuko na lang din ako. Tama ba na pumunta pa kami dito? Hindi nga ata tama na dito ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Ngunit nagulat ako nang harapin ako ng matandang ito. Nakangiti na siya sakin.

"Iginagalak kong makilala ka. Tawagin mo akong Lola Maceda. Pagpasensyahan mo na iyang anak kong si Clara ha?"

Ngumiti ako. "Ayos lang po. Ako po si Chandrea Lorraine R. Mercado,"

Tumango si Lola Maceda tsaka bumaling kay mommy. "Hindi mo sinabing pupunta kayo rito, Charlotte?"

"Pasensya na lola, gusto ko lang siyang ilayo sa lugar na iyon."

"Bakit? Gusto mo lang ba siyang ilayo Charlotte o baka naman gusto mo lang ilayo ang sarili mo sa mga ala-ala na matagal mo na gustong makalimutan?!"

"Mama!"

"Wala kang maloloko dito Charlotte! Hala sige! Tumuloy kayo dito pero hindi ko pa rin matatanggap ang batang yan!" Sabi ni tita Clara tsaka umalis na palabas ng mansyon. Baka may pupuntahan dahil kita naman sa pananamit niya.

"Tara hija, ihatid kita sa magiging kwarto mo,"

Habang sumusunod ako kay Lola Maceda ay tinignan ko si mommy. Tumango lang siya at hinayaan akong sumunod kay lola. Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol sa narinig ko kanina pero baka hindi niya rin lang sasabihin.

May nakasalubong akong lalaki palabas ng kwarto niya. Napatigil siya nung magtama ang paningin niya sakin. Gulo-gulo ang buhok niya, tingin ko kagigising niya lang.

"Lynard, apo! Heto nga pala ang pinsan mo si Chandrea Lorraine," pagpapakilala ni Lola.

Inayos niya pa muna ang buhok niya tsaka naglahad ng kamay sakin. Tinanggap ko naman iyon. "Nice to meet you,"

"Nice to meet you too,"

"That's good. Siya ang panganay na anak ni Claire, kapatid ng mama mo. Magkasing-edad lang kayo kaya hindi ka na mahihirapang makipag-bonding sa kaniya, okay? Tsaka katabi kayo ng kwarto."

Tinuro ni Lola ang katabing kwarto na kulay puti ang pinto. Napatingin din ako sa isa pang kwarto sa tabi ko. "Sino po ang naroon?" turo ko sa isa pang kwarto.

"Guest room na yan hija. Oh siya, maiwan ko na kayo diyan,"

Sinundan ko ng tingin si Lola Maceda na naglakad na palayo samin. Napabuntong hininga na lang ako. Napatingin muli ako kay Lynard na walang interes na nakatingin sakin. Nagpaalam na lang ako na papasok na sa bago kong kwarto.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong 'to. Lahat ng kagamitan dito ay puro mamahalin. Iniisip ko tuloy kung ilan ang nagastos nila sa mansyon na ito? Nandito na rin ang mga gamit ko kaya iyon na lang pinagka-abalahan ko.

Nung matapos ako ay tsaka ko naisipang lumabas para magpahangin pero saktong paglabas ko ay may kasama na si Lola Maceda na lalaki. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nung magkatinginan kami. What the hell.

"Oh hija, gusto mo bang maglibot muna? Bored ka na ba? Teka, tawagin ko lang si Lynard."

"Hindi na po Lola, ako na lang po mag-isa."

Napatigil si lola sa sinabi ko. Tumango siya at nagkibit-balikat. Napatingin ulit ako sa lalaking kasama niya.

He's wearing a blue polo shirt with black pants. Naka-maleta rin siya. Ang mukha niyang halos sambahin ng lahat ng babae sa sobrang gwapo. Malalim na mga mata at mahabang pilik-mata. Matangos na ilong at mapupulang labi. Once again, I looked at his eyes. Pinagtaasan niya ako ng kilay na para bang nagtatanong ang mata niya ng, 'what are you staring at?'

Jusko, Chandrea Lorraine, umayos ka! Umiling na lang ako tsaka mabilis na naglakad palayo sa kanila.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon