Chapter 22

345 5 1
                                    

"Nasaan yung emergency? Ayy gago! Anong nangyari diyan?" rinig kong boses ni Ruzzel.

Naramdaman kong may tumabi sakin. Tinignan ko ang nakakalokong ngisi ni Aian. Kumuha na din siya ng beer at ininom iyon.

"Emergency 'to pre! Itong pinsan natin heart broken! Damayan natin! Baka maisipan pa nito pumunta sa building at tumalon." sabi ni Kael.

Binato ko sa kanya yung nakita kong hindi babasaging baso. Nasalo niya iyon at natawa siya. Kanina pa ako pinagtitripan. Damn it.

"Humanda ka kapag ikaw naman ang nasaktan diyan," iritado kong sabi sa kaniya.

Ngumisi lang siya sakin. Tsaka siya nakipag-usap kay Ruzzel na natatawa na din.

"Iniwan ka ba?" biglang tanong ni Aian na nakatingin lang sa iniinom niya.

"Oo,"

"Bakit hindi mo sundan?" Nakangiti niyang sabi.

Susundan ko siya? Bakit ko siya susundan?

"Ayaw na niya akong makita at makausap kaya bakit ko pa susundan?"

Tumingin siya sakin. He smile then drink his beer.

"If you love her, you will do everything for her. Suyuin mo pre kahit ayaw ka niyang makita at makausap."

"Ano pang silbi ng suyo kung ayaw na niya? Ano? Pipilitin ko yung tao?"

"Bobo, malamang. Mahal mo naman at kaya mo na yan," natatawang sabi niya.

"Hoy ano pinag-uusapan niyo diyan, mga traydor!" singit ni Kael.

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Wala,"

"No, I will never do that." baling ko kay Aian.

"Ang alin?" inosenteng sabat pa ni Kael.

"Edi manigas ka diyan. Hihintayin mo siya ng matagal at baka maunahan ka pa," ani ni Aian.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. I can't decide. Hindi ko na din alam kung susundan ko siya o maghihintay na lang sa pagdating niya.

"Nasaan si Fred? Pupunta pa ba yun?" Biglang tanong ni Ruzzel.

"Ewan ko pre, sabi niya hindi siya makakapunta kahit emergency pa. Mas mahalaga daw ang pamilya niya kaysa sa atin mga pre. Tinatakwil na tayo ng pinsan natin!" pagdadrama ni Kael.

Agad na natawa si Ruzzel. Umiling naman ako. Alam kong sabi sabi niya lang yan. Hindi magagawa ni Fred sa amin iyon.

"Anong sinabi mo?" rinig kong boses ni Fred.

Napatingin kaming lahat sa kaniya na kararating lang. Masama na agad ang tingin niya kay Kael. Siguro narinig niya ang sinabi nito.

"Nasaan yung emergency? Nagpaalam pa ako kay Safiah kaya natagalan." sabi niya at agad na bumaling ang tingin niya sakin.

Kumunot ang noo niya nang makita niya ako. Bumaling din ang tingin niya sa mga bote na nasa harapan ko tsaka siya umiling.

"Ito ba ang emergency? You're wasted, Luke." seryosong sinabi niya na natahimik sa aming lahat.

"I know," tugon ko.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at uminom ulit ng beer. Naka limang bote na ako. Alam ko rin na may tama na ako.

"Dahil sa babae ba, Luke?" Nakangiting tanong nito at umupo sa tabi ni Ruzzel.

"Oo! Heart broken!" Ngising sabat ni Kael.

Iritado ko siyang binalingan. Kanina pa 'to ah! Sumusobra na.

"Ikaw ba si Luke?" pambabara ni Fred.

"Hindi! Spokesperson ako ni Luke, bakit?!" parang batang sagot niya.

Mariin akong napapikit. Pasalamat siya pinsan ko siya. Kung hindi, baka kanina ko pa siya nasapak. Umiling na lang ako sa naisip at hinayaan na silang mag-usap sa ibang bagay. Nakikinig na lang ako sa kanila.

Days has passed, naging busy na ako sa trabaho. Iyon na lang ang ginagawa ko para libangin ang sarili. Paminsan minsan ay pumupunta ako sa bahay nila Fred para makita ang anak niya. Ninong pa man din ako nung bunso nila kaya kailangan makita niya ako para may kilala siyang ninong na pogi.

Habang nagbabasa ako ng mga files ay bigla na lang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Dad na hindi ko mawari ang itsura. Naiinis? O napipilitan?

"What are you doing here, Dad?"

"Nag-away kami ng Mom mo kaya dito muna ako, ah?"

Nakatingin lang ako sa kaniya na nagtataka. Umupo siya sa couch. Kumuha siya ng document na nasa table at binasa niya iyon.

"Dad? Doon ka na sa office mo."

Napailing ako nang hindi man lang niya ako binalingan ng tingin.

"Ayoko, anak. Ang sakit ng kurot ni Leah!" reklamo niya at hinawakan pa nito ang braso niya.

Alam kong doon siya palaging kinukurot ni Mom. Huminga ako ng malalim tsaka siya hinayaan doon. I have no choice, nakakaawa rin si Dad para siyang bata.

Binaling ko na lang ang tingin ko sa files na binabasa ko.

"Kenneth!!!" rinig kong boses ni Mom.

Napatingin ako sa kaniya na pumasok na din na nanlilisik ang mga mata.

Don't tell me dito sila mag-aaway? Napahilot ako sa sentido ko.

Jusmiyo marimar.

"Oh anak! Nandito ka pala,"

Agad na nagbago ang reaction niya nang makita niya ako. Obviously because this is my office? Sa daming pwedeng pag-awayan sa office ko pa.

Tumango lang ako kay mommy na. Umiwas din ako ng tingin sa kanila. Ayokong nakikita silang nag aaway sa harapan ko. Para talaga silang bata.

"Nagsasalita pa ako doon. Paglingon ko wala na pala akong kausap! Talagang pinapainit mo ang ulo ko, Kenneth?!!!"

Ramdam na ramdam ko ang inis ni Mom. Ano na naman ba kasi pinag-awayan nila?

"Mom, pwede sa labas kayo mag away? Madami pa akong gagawin. Please!" singit ko.

"Sabi sayo hindi effective," rinig kong bulong ni Dad.

"Anong hindi effective?" tanong ko agad.

Napatigil sila at napatingin sakin. Matamis na ngumiti sakin si Mom at lumapit sa table ko. Agad akong napatikhim.

"Anak, hindi ka pa ba ikakasal?"

Kasal? Girlfriend nga wala ako. Kasal pa kaya. Umiling lang ako sa kaniya.

"Kung ganoon, girlfriend?"

"Wala po,"

Wala ang sinagot ko dahil hinihintay ko siya. Alam ko na uuwi pa siya.

"Naku anak may irereto ako sayo! I know you will like her!" masayang sabi niya.

"Ayoko, Mom. Please umalis na kayo dito at ituloy niya ang pag-aaway niyo sa labas." Sinenyasan ko pa si Dad na igaya si Mom palabas pero umiling siya.

Damn it.

"I'm sorry! I just want to make you happy! Lagi na lang kitang nakikitang malungkot. Lagi ka na lang din dito sa office mo! Kaya gumagawa ako ng paraan. Anong nangyayari sayo, Luke?!"

Hinawakan siya ni Dad sa balikat. Pinagalit ko ata siya.

"Let's go hon," bulong ni Dad.

"I'm sorry. I was just waiting for her to come back,"

"Isipin mo din naman ang sarili mo habang hinihintay siya. Nilalamon ka na ng lungkot, anak. At ayokong mangyari iyon sayo."

Ngumiti ako sa kaniya. I know she's worried. But she shouldn't be kasi kaya ko naman siguro lagpasan ito. May parte sa akin na puntahan siya roon pero parang pinipigilan ako ng sarili ko.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon