Chapter 15

691 7 1
                                    

"Kailan ka pa nagsinungaling sa akin Chandrea?!" galit na tanong ni mommy.

Napaatras ako at hindi alam ang gagawin. She was about to slap me again but my cousin already appeared beside me trying to protect me to my mom's slap.

"Tama na, tita" marahang pagkakasabi ni Lynard.

Marahan ang pagkakahawak niya sa balikat ko at tinatago niya ako sa likuran niya. Naluluha akong napayuko.

"Umalis ka sa diyan, hijo! Kailangan kong parangalan ang batang yan! Kailan ka pa nakikipagkita sa lalaking iyon, Chandrea Lorraine?! Hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang pamilya ng Collins at Reyes!"

I know mommy. Pero sinundan ko lang ang puso ko. Kung ano ang magpapasaya sakin. Gusto kong sabihin pero nanatili na lang akong nakayuko. Hindi ko magawang tignan sa mata si mommy.

"Just calm down tita,"

Nakarinig ako ng pagtikhim sa likuran ni mommy. Lumingon agad ako sa pinaggalingan ng tikhim na 'yon at nakita ko si lola na nakakunot noo.

"Anong nangyayari dito? Bakit naririnig kitang sumisigaw Charlotte?"

"Itanong mo diyan sa apo mo!" Sabi ni mommy at mabilis kaming tinalikuran.

Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko mapigilang lumuha nang padabog siyang pumasok sa kwarto niya. Damn it! Ito ang pinaka-ayaw kong mangyari. Ang magalit si mommy sakin.

"Are you okay, hija?" tanong ni lola.

Sinenyasan niya ang pinsan ko na pumasok na din sa kwarto niya. Nakuha naman iyon ni Lynard kaya nilingon niya ako at tinanguan.

"I'm not okay po," simpleng sabi ko.

Alam kong kasalanan ko ito pero wala akong pinagsisihan. I'm inlove with him. I already accepted the consequence before letting him to be with me. I just chose to be happy. What's wrong with that?

"Tell me what happened,"

Sasabihin ko ba kay lola? I guess there's no way to lied with her. My mom already knows it.

"I am currently seeing with Luke Purisima, lola. I don't know if—"

"What did you say?!" pagputol niya sa sinabi ko.

She's mad. I know they won't accept the fact that I'm in a relationship with Luke. Sino ba kasi ang gumawa ng rules na 'yon? Does he/she hate the idea of having a relationship with this both family?

"Lola, are we related to the Collins? Bakit may rules na ganoon?"

"Chandrea! Rules is a rules! Bakit ba sa dinami daming lalaki siya pa ang napili mo?!"

Fuck the rules.

"I'm sorry lola,"

"He's engaged to other woman for god sake! Tapos gagawin ka niyang girlfriend?! Sinabi niya na sayo na engaged siya sa ibang babae?! Well, you don't know, kasi kung alam mo edi sana hindi mo siya papatulan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lola. Did I heard it clear, right? He's engaged to other woman. Fuck it.

"Oh ayan! Nagpaloko ka sa Collins na yan! Now go to your mom, kausapin mo siya at huwag ka ng magpapakita pa sa lalaking iyon."

Ang nagbabadyang luha sa aking mata ay tumulo na. Parang tinutusok ang puso ko dahil sa sinabi ni lola ngayon.

Niloloko lang ako ni Luke?

Bakit hindi niya sinabi sakin na engaged siya bago niya ako gawing girlfriend? Did he just played with my heart?

Mabilis akong tumungo sa kwarto ni mommy. Ang luha sa aking pisngi ay pinahid ko gamit ang aking palad.

Ngayon, nagsisisi akong sinagot ko si Luke. Nagsinungaling siya sa akin. At pinaglaruan niya ako.

Kumatok muna ako sa kwarto ni mommy bago ako pumasok. Nakita ko siyang nakatagilid na nakahiga. Ang likod niya ang nakaharap sakin kaya naman hindi ko alam kung tulog siya o hindi. Pero bahala na.

"Mommy? I'm sorry. I didn't know that he's engaged with other woman. Nagpaloko na naman ako, alam kong nagalit ka sakin because you just want to protect me and my heart. Pero ako pa rin ang nanira sa sarili ko. Kaya nasasaktan ako ngayon kasi pinili ko na naman ang panandaliang saya."

Napasinghap ako nang walang tigil sa pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Akala ko ba wala kang pagsisihan, Chandrea? Pero bakit pagkatapos mong marining ang sinabi ng lola mo, halos lumuhod ka na sa harapan ni Luke para sabihin sa kaniya na hindi niya ako niloloko. How desperate I am.

"Just get out of here, Chandrea."

"Mommy, can we talk for a while please? Let me hear your side. I don't care if you shout at me again."

"Go back to your room," nanghihinang sabi ni mommy.

Nakatalikod pa rin siya sakin at wala ata siyang balak lingunin ako. I guess she didn't want me to talk with her. Nakagat ko na lang ang labi ko, pinipilit na huwag na magsalita.

"Okay, talk to me tomorrow mommy?"

Hindi ako nakatanggap ng sagot kaya umalis na ako sa kwarto niya. Nanghihina akong pumasok sa kwarto ko. Ang sakit sa dibdib ang mga nangyari ngayon.

Pagkatapos talaga ng saya, lungkot at sakit ang kapalit. Malas ko ata sa love life na yan. Una si Jack and now si Luke naman? Kailan ba ako makakahanap ng para sakin. I thought Luke will be my last but I guess not.

Pumasok na ako sa cr at naligo na lang. Masakit pero kailangan kong maging matatag para sa aking sarili. Magmula ngayon ayoko na muna magmahal. Masyadong masakit. Gusto kong kausapin si Luke para makipag-break at tigilan ang kalokohan na ito.

Nagising na lang ako sa pagkatok ng kung sino man sa pintuan ng kwarto ko. Nakatulugan ko ang sobrang daming iniisip at hindi ko na alam kung paano ako nakatulog.

"Chandrea, may pasok ka pa! Late na tayo!" Rinig kong sigaw ng pinsan ko.

Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang cellphone ko. It's already 6 am at 7:30 am ang start ng klase ko. Fuck! Pero agad akong napatigil dahil sa pangalan ni Luke sa screen. Apat na mensahe iyon.

Luke: Baby?

Luke: Have you slept already?

Luke: Sweetdream, Chandrea.

Luke: I have works tomorrow, we'll see each other soon. Okay?

I didn't reply. Mas lalo lang kumirot ang puso ko. Totoo ba siya sakin? Totoo ba 'yong nararamdaman niya o laro laro lang? Napag isipan ko na iwasan siya at huwag muna kausapin. Kasi hindi pa ako handang harapin siya.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon