Chapter 31

1K 16 5
                                    

Nagising ako na wala na si Luke sa tabi ko. Nakakalungkot isipin na gaya ulit nung una, wala na siya paggising ko.

Bumangon na ako at mabilis na lumabas sa kwarto baka sakaling nasa kusina siya o sala. Iba ang bumungad sa akin pagkalabas. Gulat na gulat ang itsura nila Dave, Kian at Brent habang si Lynard naman ay umiwas lang ng tingin.

Nagtataka rin akong tumingin kay Chelcea na ngayon ay nakangisi na. 

"Chandrea, may girlfriend na ako kaya huwag mo akitin!" sigaw ni Brent. Pinakita niya pa ang lockscreen niya at nakita ko roon ang tinutukoy niya. 

Tinakpan niya din ang mga mata niya gamit ang kaniyang palad ganoon din sila Dave at Kian na nagbubulungan na ngayon. 

"Bro 'wag ka titingin," bulong ni Dave kay Kian.

"Ikaw din," bulong naman nito pabalik.

They are weird but when I realized what they are talking about, I immediately went to my room at napahawak sa dibdib ko! Damn it. I'm wearing his long sleeve and nothing more! May underwear naman ako pero nakakahiya pa rin! 

Tatlong butones ang nakakalas at halos makita na ang boobs ko. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Hindi ko man lang napansin dahil sa kagustuhan kong mahanap siya.  

Napatingin ako kay Chelcea na sumunod sa akin. Nang-aasar na ngayon ang mga tingin at ngiti niya. I know what she's thinking. At alam ko rin na aasarin niya ako.

"Pagkarating ko dito sa condo kaninang umaga si Luke agad ang bumungad sa akin at nagmamadaling umalis. Dito siya natulog sa kwarto mo?" 

Umupo siya sa couch. Kumuha na din muna ako ng maayos na damit at hindi ko siya sinagot. Nagmamadaling siyang umalis? Anong nangyari? Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at nakita ang mensahe ni Luke doon.

Luke:

I have an emergency. I'll call you later.

Napakunot noo ako. Kaya pala wala na siya sa tabi ko dahil may emergency pala. Maybe sa office nila? O sa family niya?

"May nangyari sa inyo ni Luke?" 

"May sinabi ba siya sayo bago siya umalis?" pag-iiba ko sa usapan. 

Tumabi ako sa kaniya para marinig mabuti ang sasabihin niya. Nagulat pa siya dahil sa biglaan kong pag-upo doon pero agad napalitan iyon ng tawa. I was just curious. 

"Ang sabi niya, 'I already cooked the breakfast, tell her to eat. Don't wake her up because she's tired. I have to go.' Grabe ang sweet naman ng ex mo! Mag-comeback na kasi kayo!"

"We already did." 

Nanlaki ang mata niya. "Really?" 

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumayo na. Kailangan ko rin kamustahin sila Brent, Dave at Kian. This time lumabas na ako na nakasuot ng over-sized shirt at short. Tumingin muna sila sa suot ko at nakahinga ng maluwang. Napangisi ako. I didn't expect them to be here. 

"Chandrea, punta kayo sa gig namin mamaya!" si Brent.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. 

"Namiss kita." 

"May girlfriend ka na bro," sambit ni Kian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon