Chapter 30

437 10 0
                                    

Nakarating kami sa condo na wala pa rin si Chelcea kaya naman dalawa lang kami rito ni Luke. I couldn't think properly. Kinakabahan din ako sa presensya niya. Nasa sala siya ngayon at ako naman ay nandito sa kusina para magluto ng dinner namin.

"What are you cooking?"

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses niya. Tumingin ako sa kaniya at  nakita ko siyang nakasandal na ngayon sa pintuan habang malalim ang titig niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot. Kaya naman nagulat ako nang nasa likuran ko na siya at pinulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Huwag mo ako istorbohin, Luke."

Narinig ko ang pagtawa niya pero imbis na umalis siya sa pagkakayakap sakin mas lalo lang niyang nilapit ang katawan niya sa akin. Naramdaman ko na din ang hininga niya sa batok ko.

Agad kong umiling at hinayaan na lang siya. Mali ata ang idea na dito kami kakain ng dinner. Sana pala sa restaurant o fast food na lang kami kumain.

"You smell so good." bulong niya habang inaamoy ang leeg ko.

Naramdaman ko ang kiliti roon at halos mawalan ako ng pukos sa niluluto kong sinigang na baboy. Gusto ko siya batukan dahil istorbo talaga siya. Hindi man lang ba niya ako patatapusin muna dito bago niya ako landiin?

"Luke, ano ba."

"Alright," napapaos niyang sabi.

He planted a kiss on my nape bago ko naramdaman ang pag-alis niya sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya. Nakaupo na siya doon sa pangdalawang upuan. Agad na namula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Did he just kiss me on my nape? Jusko lalagnatin ata ako sa sobrang init ng pakiramdam ko.

Tinapos ko na lang ang pagluluto at tahimik na lang kaming kumakain. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil ramdam ko ang kanina pa niyang pagtitig sa akin.

"Are you nervous?"

Agad na umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakangisi na siya ngayon sa akin.

"Bakit naman ako kakabahan?"

"I want you," nakangiting sabi niya.

Nanlaki ang mata ko dahil doon. "Kumain ka na nga lang diyan!"

He just smirked again. I know he's teasing me. Hindi ko alam pero gusto ko rin siyang angkinin ngayon. Dahil ba namiss ko rin siya? Umiling agad ako sa iniisip ko.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagpresenta siya na siya ang maghuhugas ng pinagkainan namin kaya pumayag na lang ako at nagpaalam sa kaniya na pupunta na muna ako sa kwarto ko para makaligo. Tumunog naman ang cellphone ko na nasa side table at nakita ko ang pangalan ni Chelcea.

"Hello,"

"Chandrea! Hindi ako makakauwi sa condo ngayon. We have family dinner. Baka bukas na ako makakauwi. I-lock mo mabuti yung pintuan ah?"

I smiled. "Okay, take care."

Binaba na niya ang tawag at halatang nagmamadali. Maybe I can invite Luke to sleep here for a while? Umiling agad ako at pumasok na agad sa banyo para makaligo na. Wrong idea again, Chandrea.

Ilang minuto pa akong nasa banyo tsaka ko lang naisipan lumabas. Akala ko rin umuwi na si Luke pero nakahiga na siya ngayon sa couch dito sa kwarto ko. Nakasandal ang ulo niya roon habang nakapikit. He's probably tired?

Naramdaman niya ang presensya ko kaya agad siyang nagmulat at umayos ng upo. Tinignan niya rin ako pababa. Agad ko siyang tinalikuran. I'm only wearing a bathrobe and nothing more! Oh shit.

"Chandrea, come here..." matigas ang boses na pagkakasabi.

Dahil sa kaba ay lumingon agad ako sa kaniya at agad na nagsalita. "You want to sleep here?"

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon