Chapter 8

1.3K 19 0
                                    

Sa sumunod na araw ay hindi na guni-guni ang tingin na iyon. May nakatitig talaga sa akin sa hindi kalayuan. Watching me from what I am doing. Sa tuwing magtatama ang aming mata ay umiiwas at nagmamadali siyang umalis. Like he was avoiding my gaze.

"Kumusta ang pag-aaral, Chandrea?" tanong ni mommy habang kumakain kami ng breakfast.

"Fine po," sagot ko.

"How about a friends?" nagtaas ng kilay si mommy.

"I don't have a friends there mommy,"

Napaubo si mommy tsaka tinuro ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. I am not friendly so bakit pa siya magugulat?

"I thought you've change pero hindi pa naman pala. But anyway nandyan naman ang pinsan mo to accompany you everytime."

"Not all the time I'm with her tita, we have also a practice and performance," sabat ng pinsan ko.

"Edi isama mo siya hijo?" sabat ni Lola Maceda.

I was aware that not all the time he is with me. Pero kaya ko rin naman mag-isa. I'm not a child anymore na dapat laging may kasama.

I understand why my cousin do not want me to skip my class just to avoid my classmates. I will avoid them. That's the first thing to do.

Pagkatapos namin magbreakfast ay nagtungo na kami ng pinsan ko sa kotse niya.

"Are you really okay?" tanong niya habang nagmamaneho siya.

Tinignan ko siya tsaka bumaling sa bintana. "I guess, I'm okay," sagot ko.

"This past few days napapansin kita na patingin tingin sa paligid mo. Nababagabag ka pa ba sa mga babaeng tumitingin sayo ng masama?"

"Hindi naman,"

Oh! Kailangan ko bang sabihin sa pinsan ko ang mga napapansin ko? I think no. Baka pagkamalan lang akong baliw o something.

Pagkarating namin sa school ay nagpaiwan muna ako sa harap. Nalilito akong tinignan ng pinsan ko.

"Ano pa ang gagawin mo dito?"

Nilibot ko ang paningin ko. Then it stop to the spot kung saan ko laging nakikita ang mga matang pamilyar sakin.

"Maaga pa naman. I just want to relax here, please?"

"If that's what you want then fine. I let you relax here but call me if there's something happen. I don't believe in your reason. I know you have another plans here."

Umiling ako sa kaniya. Pero kumunot lamang ang noo niya bago ako tinalikuran. Alam niya na hindi lang relax ang gagawin ko dito.

Pinanood ko pa ang pag-alis niya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad kong nilibot muli ang paningin ko.

Dito ko siya kadalasang makita. And I'm curious, okay. I wonder who's this person behind. Maybe a stalker? Pero pamilyar ang mga tingin na iyon kaya hindi ako nakaramdam ng takot. I feel safe anyway.

"You are expecting me?"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Brent na nasa harapan ko na. Nakangisi na ito sakin.

"Sorry?" naguguluhan kong tanong. Mali ang pagkakadinig ko. He's not him. Dahil lagi ko siyang kasama mag-lunch kaya hindi siya.

"Sabay na tayo pumasok?"

"Huh? May hinihintay pa ako." palusot ko. Napatingin siya sa relo niya bago bumaling sakin.

"Are you waiting for your cousin? Hindi ba sabay kayong pumapasok?"

"I'm not waiting him. Nagpaiwan ako dito."

"Are you waiting for me, then?"

Mariin akong napapikit. Panira ng plano itong lalaking ito. Gusto ko siyang sapakin. Damn it.

"Pwede ba? Hindi ikaw ang hinihintay ko!" Naiinis kong sabi.

I don't know kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ko. Pero imbes na tumigil siya ay mas lalo pa siyang ngumisi.

"Ang sungit mo, ihatid na kita sa room mo. Huwag mo na akong hinatayin, nandito na ako oh?" pang-aasar niya.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na batukan siya. Ang kapal ng mukha nito. Napa-ouch pa siya at natawa.

"Sadista." bulong niya.

Nauna na akong naglakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Ilang araw na siyang nadikit sakin. Lagi niya akong kinukulit at ngayon lang ako nainis dahil sa pangungulit niya. Hindi na ako natutuwa. I know he likes me but does he know that I don't like him?

Maybe he knows pero hindi niya ako titigilan.

Nang marating ko ang room namin, nakita ko pa rin siya na nasa likuran ko. Inirapan ko na lang siya tsaka dumeretso sa upuan ko. Sinalubong agad ako ng pinsan ko ng kuryusong tingin.

"It's not what you think." pinangunahan ko na.

"Bakit kayo sabay kung ganoon?"

"Bigla nalang sumulpot sa harapan ko at kinulit ako! Sa inis ko umalis na ako doon pero hinatid niya pa rin ako,"

"Uh-huh? Then you like him?"

"No!"

Ngumiti siya. Like he was satisfied to my answer. I don't like him and I don't know why. Siguro hanggang friends lang ang tingin ko sa kaniya.

Hindi na kami nagpansinan pa ng pinsan ko pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Dumating na rin ang professor namin kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikinig para mawala ang inis ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis pa rin ako. Wala naman nagawang mali si Brent. Pero bakit ganoon na lang ang inis ko? Calm down, Chandrea.

After lunch time ay nagpaalam muli ako sa pinsan ko na pupunta sa cr. Naningkit ang mga mata niya na para bang pinaghihinalahan na niya ako.

"You have a boyfriend, Chandrea?" mataman niyang tanong.

"W-wala. Pupunta lang naman ako sa cr. Boyfriend na agad?"

"Then are you seeing someone else?"

Umiling ako tsaka napatikhim. "Wala,"

"Tss. Bumalik ka agad, you have still 20 minutes." masungit na sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis akong nagtungo sa lugar na iyon. Walang masyadong dumadaan na estudyante dito kaya hindi nila ako mapapansin. Napatingin tingin ako sa paligid, nagbabaka sakaling makikita ko na iyong tumitingin sakin. At hindi ako nagkakamali dahil ilang sandali ay may nakatayo na sa harapan ko.

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ko siya. That's pair of eyes was him!

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig na ito sakin. Malalim at seryoso. He's wearing a black bull cap. A black hoodie jacket paired with black shorts and sneakers.

This is person in front of me made me weak. Siya lamang ang nakakagawa nun. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng galit. After a week ngayon lang siya magpapakita?!

"What the hell are you doing here?!" hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses. I need go calm down.

Hindi siya nagsalita bagkus lumapit lang siya sakin. Napaatras agad ako.

"Huwag mo akong lalapitan!"

Ngumiti lang siya at hinuli ang braso ko tsaka binalot niya ako ng yakap niya. Ang mainit niyang yakap na nagpapakalma sakin.

"You left without saying anything and now you're here?! Are you making fun with me?"

"I miss you," malambing niyang bulong sa tenga ko. Naramdaman ko agad ang hininga niya.

What the hell. He miss me, huh? Sinabi lang niya ba iyon para iwasan ang mga tanong ko? Ayoko na ulit mahulog sa mga palabas niya. Ayoko na. Enough for this Luke. Alam kong niloloko niya lang ako.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon