Inuwi namin si mommy pagkatapos ang pangyayaring iyon. Hindi pa rin ako makapaniwalang iniwan niya kami. Pina-increment ang katawan niya dahil iyon ang gusto ni Lola Maceda.
Tahimik lamang si Tita Clara hawak ang jar kung saan ang labi ni mommy, halos hindi ko siya makausap sa biyahe dahil lagi siyang nakatulala. Masakit pa rin sa akin pero kailangan ko tanggapin.
After all, she wants me to stand to my life alone.
"Tita," tawag ko sa kaniya pagkarating namin sa mansyon.
Madaling araw kami nakarating dito kaya naman tulog pa sila Lola. Tumingin siya sa akin. Naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"Maghahanap po sana ako ng condo ngayon at susubukan ko po buhayin ang sarili ko. Ayoko pong umasa na lang lagi sa inyo."
Pilit siyang ngumiti. "Do you need money? Bibigyan kita."
"No need, Tita. May ipon pa naman ako."
"Okay, kung iyan ang gusto mo hindi na kita pipigilan. If you want anything just ask for my help dahil binilin ka sakin ni Charlotte. She wants me to take care of you,"
I hugged her. Bigla na lang siyang napahikbi at umiyak sa balikat ko. Hindi ko din maiwasang lumuha.
Napatingin ako sa kakabukas lang na pinto. Lumabas doon si Lynard na magulo ang buhok tila kagigising lang. Nakita kong nanlaki ang mata niya nang makita niya kami. Agad itong lumapit sa amin.
"Chandrea!" he said.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Tita. Mabilis naman akong niyakap ng pinsan ko. He is not my real cousin but he treated me like a real one too. Matapos niya akong yakapin ay binaling niya ang atensyon niya kay Tita.
"Tita? Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango lamang siya at mabilis na kaming tinalikuran. Pumasok na siya sa kwarto niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya.
"I heard what happened to Tita Charlotte,"
Hindi ako nakapagsalita kaya niyakap ko na lang siya. Napasinghap siya sa bigla kong pagyakap.
"Everything will be alright, okay?" bulong niya.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Can you help me to find a condo?"
Mabilis siyang umiling. "I can't, we have photoshoot today. But I can ask my girlfriend,"
Napakunot noo ako. Wala na akong balita sa pinsan ko magmula noong pumunta kami sa America kaya wala na akong alam sa kaniya. Hindi ko man lang namalayan na may girlfriend na siya. Well, nasa tamang edad naman siya.
"Who's your girlfriend?"
Ngumiti lang ito sakin at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto niya. Mariin akong napapikit. Anong nangyari doon? Huwag niya sabihing hahabulin ko pa siya para lang malaman ko?
Pagkamulat ko ay palapit na ito sa akin at may kausap sa cellphone niya. Kunot noo ko siyang tinignan.
"Oh! Gusto kaniya kausapin,"
Inabot niya sa akin yung cellphone niya. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko iyon o hindi. Pero sa huli kinuha ko ito at nilapit sa tenga ko para kausapin kung sino man ang nasa kabilang linya.
"Chandrea! Ohmygod, I miss you!!!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil narinig ko ang boses ni Chelcea. Don't tell me, sila ang nagkatuluyan? Narinig ko ang halakhak ni Lynard nang makita niya ang reaction ko.
"I miss you too, Chels," halos pabulong na lang iyon.
I don't know what to say. Ngayon na lang kami nag-usap pero hindi ko aakalain na tinuring niya pa rin akong kaibigan.
"Sinabi sakin ni Lynard na gusto mo daw tulong? I'm willing to help!" ramdam ko ang pagkasabik niya.
"Gusto ko sana maghanap ng condo," walang pagaalinglangan kong sabi.
Napatingin ako sa pinsan ko na pumunta na sa kitchen para kumuha ng pagkain. Pagbalik niya ay may hawak na siyang dalawang bread.Hindi ko alam kung ano iyon pero parang masarap. Pagkatapos noon ay lumapit na siya sakin. Binigay niya yung isa at agad ko naman kinuha dahil ginugutom na ako.
"We can share but I'm here at Manila. Saan ka ba maghahanap?"
Napaisip ako sa tanong niya. Balak ko nga sa Manila dahil doon naman talaga kami ni Mommy noon. Mapait akong napangiti nang maalala ko ang bahay na ni-rent niya pero ayokong bumalik doon dahil baka araw-araw lang akong maiiyak.
"Diyan sa Manila sana, Chels. Maghahanap din ako ng trabaho. Magkano ba ang babayaran ko?"
"It's free! You don't need to pay for this month kasi nabayaran ko na. Next month hati na lang tayo. At tsaka trabaho ba kamo? Pwede rin kita i-suggest sa company namin,"
"Okay, thank you so much, Chels"
"You are always welcome to me, Chandrea!"
Napangiti ako tila nabawasan ang lungkot. Nakahinga din ako ng maluwang dahil sa sinabi niya. Malaking tulong na iyon sa akin. Binigay ko na kay Lynard ang phone niya. Inosente naman niyang kinuha iyon at sila na ang nag-usap. Lumayo pa siya sa akin at parang kinikilig pa. Agad naman ako napailing.
"Hija," rinig kong tawag ni Lola Maceda sa akin.
Umangat ang tingin ko at nakita ko si Lola na pababa na sa hagdan. Napahikab pa ito. "Nakarating na pala kayo? Nasaan si Clara?"
Halatang mugto ang mga mata ni Lola. "Nasa kwarto niya po,"
Tumango siya sa akin. "Pwede ba tayo mag-usap, hija?"
Hindi na niya hinintay ang tugon ko at naglakad na papunta sa kitchen. Tinabi ko muna sa gilid ang maleta ko bago ko siya sinundan. Nakita ko na siyang nakaupo roon at may kape sa harapan niya. Sinenyasan niya akong maupo kaya naman naupo ako sa upuan katapat niya. She look at me then malungkot siya ngumiti.
"I'm sorry for everything," panimula niya. Hindi agad ako nakapagsalita. "Alam ko na nung una pa lang na hindi ka tunay na Reyes at naging hadlang din ako sa pagmamahalan niyo ni Luke. Ngayong hindi ka kabilang sa rules, mahal mo ba rin ba siya?"
"Yes , Lola"
Agad itong ngumiti at parang nakahinga nang maluwang. "Mabuti naman. Kung ganoon puntahan mo na siya sa Manila at makipagkita ka sa kaniya. Baka maunahan ka pa pero ang alam ko ay may pinagkasundo na naman sa kaniyang babae,"
What? Agad akong napailing sa narinig. Dati pa lang tinanggap ko na kapag may mahal na siyang iba tatanggapin ko kahit masakit dahil handa akong masaktan. Pero gagawin ko ang makakaya ko at ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kaniya. But if he love someone else then I will accept my defeat.
BINABASA MO ANG
Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)
Romance⚠️ Warning: Not suitable for younger readers and sensitive minds. This is for mature readers only.