Chapter 25

303 6 1
                                    

"Ghorl! Nakatulala ka diyan. Magpahinga ka nga muna."

Bigla akong napatingin kay Sandy na nag-aalala na ang tingin. Natauhan ako dahil kanina pa pala ako nakatingin sa kawalan.

Sinabi ko sa kaniya ang sitwasyon ng mommy ko, wala akong ibang mapagsasabihan ng problema ko kundi siya lang.

"Ako na muna dito, magpahinga ka muna."

"Okay lang ako, Sandy."

Lumapit siya sa akin at nilagay niya ang palad niya sa noo ko. Pinaparamdam kung mainit ba ako o hindi. Umiling na lang ako.

"Hindi ka naman mainit, akala ko may lagnat ka na."

Bumuntong hininga ako. Sa mga nagdaang araw, lagi akong nakatulala iniisip ang sitwasyon ni mommy. Natatakot ako kapag dumating ang araw na hindi ko inaasahang mangyari sa kaniya. Like what the doctor said, her weakness may caused by a sudden heart attack or stroke. Ayokong mangyari iyon.

Sadyang mabilis nga talaga ang panahon dahil dalawang araw na lang graduation na namin. Nalulungkot ako dahil hindi pa rin okay si mommy. She's still weak kaya hindi niya ako masasamahan sa graduation program namin.

"Mommy," tawag ko pagkarating ko sa hospital.

Nilapag ko sa side table 'yong binili kong prutas para sa kaniya. Ngumiti pa muna ako kay tita na nakaupo sa gilid at nakaharap sa laptop niya.

"Chandrea..." mahinang boses ni mommy.

Umupo ako sa side ni mommy. Kumuha ako sa dala kong prutas at binuksan iyon bago ko binigay sa kaniya. Kinuha naman niya iyon at kinain.

"Ma, I want to talk to Chandrea. Iwan mo muna kaming dalawa,"

Umangat ang tingin niya sa amin. Kumunot pa muna ang noo niya bago siya tumayo.

"Alright," she said then umalis na.

Napatingin ako kay mommy na ngumiti. Sa sitwasyon niya ngayon malabong mangyari ang gusto ko. Hindi niya talaga ako masasamahan sa graduation ko. But I can show her my diploma.

"Kunin mo iyong envelope,"

Tinuro niya iyong nasa side table. May brown envelope doon. Kinuha ko iyon at binigay sa kaniya.

"No, that's yours. Tignan mo kung anong laman niyan,"

Pilit siyang ngumiti sa akin. Kumunot ang noo kong binuksan iyon. Binasa ko kung anong nakalagay doon. It was a birth certificate. Nakalagay roon ang name ko.

Chandrea Lorraine Rama Mercado

Agad akong nanigas sa kinauupuan ko. Nanlaki ang mata kong tumingin kay mommy.

"Anong ibig sabihin nito mommy?! Rama is my middle name?!" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko sa sobrang gulat.

Umiwas siya ng tingin sakin bago nagsalita. "I'm not your real mother. I'm sorry,"

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Paanong nangyari ito? Bigla na lang nag-flashback ang sinabi sakin nung bata noon. Naalala ko pa ang sinabi niya.

Anak po ba kayo ni Tita Charlotte? Hindi po kasi kayo magka-mukha e

"I'm sorry kung nilihim ko sa iyo ito."

"Please explain it to me, mommy. Wala akong maintindihan. Naguguluhan ako." pagmamakaawa ko.

Kinuha niya ang envelope na nasa kamay ko. May kinuha siyang picture doon at binigay sa akin. Si mommy ang nasa picture, may kasama siyang babae na halos kamukha niya lang.

"Cheska Rama, that was her name, your real mother. We're best friend." Malungkot siyang ngumiti sakin bago nagpatuloy. "Napagkakamalan kaming magkapatid dahil magka-mukha kami. I love your father, Lorenzo Mercado, noong pinagkasundo ako ni Lola sa ibang lalaki at nang malaman kong si Lorenzo iyon. Sobrang saya ko."

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni mommy sa pisngi niya.

"But Lorenzo never love me because he was inlove to my best friend."

"Mommy..." hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Alam kong nasasaktan pa siya nakaraan niya.

"My best friend fell inlove with him too. Kaya paano naman ako? Sinabi ko kay Lola na huwag na lang ituloy ang kasunduan at gusto kong magpakalayo sa kanilang dalawa. Pumayag naman si Lola kasi alam niyang ayoko at ayaw niya akong pilitin. Then I decided to go here in America. After a couple of months staying here, napag-desisyonan kong bumalik muli sa Pilipinas. And guess what? Kasal na sila ni Cheska at Lorenzo, pinagbubuntis ka na din nun ni Cheska. Humingi siya ng tawad pagkauwi ko but I didn't accept it. I admit na nagtatampo pa rin ako sa kaniya, pero walang silbi ang tampo ko."

Walang pasabi akong yumakap kay mommy dahil napahagulgol na siya sa iyak. Pero nagpatuloy pa rin siya.

"Pero tinanggap ko ulit siya because we're best friend. Pati si Lorenzo tinanggap ko na din na kahit kailan hindi niya ako mapauunlakan ng konting pagmahahal niya. Kahit masakit tinanggap ko, Chandrea. May pinagsamahan naman kami kahit papaano. Ang sama ko lang dahil hindi ko man lang inintindi ang nararamdaman niya."

I understand her feelings. Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya. Tumingin din siya sa akin tsaka niya pinunasan ang luha niya.

"Noong manganganak na si Cheska, I was there. Pagkalabas mo sa sinapupunan niya bigla na lang niyang sinabi sa akin na alagaan kita at ituring kitang anak. Naguguluhan ako noon pero pumanaw na siya, hindi nakayanan. Then after that Lorenzo also died of drug overdose."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Thank you, mommy. Thank you because you consider me as your real daughter and accept me."

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. And then she smiled. But her smile now is genuine.

"It's okay, Drea. Dapat galit ka sakin ngayon dahil hindi ko agad sinabi sayo."

"No. Hindi ko magawang magalit sayo mommy. Utang na loob ko ito sayo, kung wala ka baka kung ano nan nangyari sakin."

Tumigil na siya sa pag iyak. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko malaman lahat ng iyon. At least my life is not full of lies anymore.

"I'm happy you came into my life, Chandrea. You are the greatest thing to ever happen to me. Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ako nabubuntis dahil sa sakit ko. Kaya hindi na ako nag-entertain ng ibang lalaki."

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang saya. She's not my real mother, pero for me she's my ideal mother. The way she accept me and the she care for me. I'm so happy that she came into my life too.

"Magpahinga ka na, mommy." nakangiti kong sabi nung humikab siya. Tumango siya sa akin at pumikit na.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon