Chapter 12

1.1K 11 0
                                    

"Mommy si Chelsea nga pala," pagpapakilala ko sa kaibigan ko.

Akalain niyo nga naman ang tadhana, akala ko ay hihila pa ako ng kaklase ko para magpanggap pero itong si Chelsea hindi niya kailangang magpanggap dahil kaibigan ko talaga siya.

"Hello po tita," nakangiting bati niya kay mommy.

Napansin ko ang gulat sa mukha ni mommy habang nakatingin sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng reaction niya.

"Nagkita na ba tayo, hija? Familiar ka sa akin,"

"Ahh we've meet before po in my dad's business."

"Ikaw nga!" nakangiting sabi ni mommy.

Nalilito ko silang pinanood na mag-usap. Magkakilala na sila kung ganoon? Pero kahit ganoon ay hindi ko mapigilang mapangiti at makaramdam ng ginhawa.

Nakaramdam rin ako ng konsensya dahil nagsinungaling na naman ako. Ganito pala kapag gusto mo ang isang tao. Magagawa mong magsinungaling para hindi malaman ang katotohanan.

"I know what you're thinking," bulong sakin ng pinsan ko na sumulpot sa likuran ko.

Nilingon ko siya at kumunot agad ang noo ko. Bihis na bihis na siya at ready na siyang umalis.

"Kahit magsinungaling ka, malalaman din nila yan. Hindi mananatiling wala silang alam."

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Tinalikuran na niya ako at dumeretso siya kina mommy. Napatigil tuloy sila sa pag-uusap.

"Tita, alis na po ako"

"Isasama mo ba itong dalawang 'to?" tanong ni mommy.

Naka-suot lamang ako ng tshirt at short pero pwede naman itong panlabas. Wala kaming napag-usapan ni Luke this weekend. Ang sabi niya ay may aasikasuhin siya sa Manila ng dalawang araw kaya sa Monday ko ulit siya makikita. I understand our situation, may trabaho nga naman siya at nag-aaral palang ako.

"Kung wala silang ibang gagawin tita, pwede naman silang sumama,"

"Sasama kami mommy," sabat ko.

Napatingin agad sa akin ang pinsan ko. He examined me from head to toe. Nginitian ko agad siya nang magtama ang paningin niya sakin.

"Sasama ka ng ganyan ang suot mo?" mariin ang pagtanong niyang iyon.

"Anong meron sa suot ko? Maayos naman ito ha?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin tsaka na niya ako tinalikuran. Tumingin ako kay mommy na pinapanood lang ako sa gagawin ko. Pero wala akong balak na magpalit. Komportable naman ako sa suot ko.

"Mauna na kami mommy," paalam ko.

Tumango lang siya at inabala na ang sarili sa ibang bagay. Nginitian ko naman si Chelsea. Sinenyasan ko naman siyang sumunod na kami sa pinsan ko at baka iwan niya kami.

Nakatingin na sa amin ang pinsan ko na nakasandal sa kotse niya. Wala kang makikitang kahit na emosyon sa mukha niya. Siguro nga ayaw niya sa suot ko. Pero wala talaga siyang magagawa.

"Bakit ang sungit ng pinsan mo?" bulong sakin ni Chelsea.

Nasa backseat kaming dalawa kaya hindi maririnig ng pinsan ko kung ano man ang ibulong namin sa isa't isa.

"Hindi ko din alam, Chels"

"Nung kasama ko siya at ng mga ka-banda niya, siya lang ang tahimik minsan nahuhuli ko siyang nakatulala,"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Gusto mo ba siya?"

Napansin ko ang pagmumula ng pisngi niya. She's transparent, alright. Makikita mo agad kung may gusto siya sa isang tao o wala. At dahil sa pula ng pisngi niya ay alam ko na ang sagot.

"I was just curious," nahihiya niyang sabi.

"Don't worry, tutulungan kita para maging kayo."

"No!" sigaw niya.

Napatingin tuloy sa salamin ang pinsan ko para tignan ang ginagawa namin sa likuran. Nang makitang wala namang masamang nangyari sa amin ay binaling na niya ulit ang tingin sa harapan.

"You're obvious, Chels." asar ko.

She pouted then calm herself. "Okay, I like him. Pero hindi na ako umaasang magugustahan niya ako because of my looks."

"You are pretty. Tanggalin mo lang yang salamin mo, okay na."

"You think so?"

Hinawakan niya ang balikat ko na para bang kailangan niya ang tulong ko.

"I'm sure,"

"Pero teka, ikaw? Sino sa kanila ang gusto mo?"

"Anong sino sa kanila?" nagtataka kong tanong.

"Yung mga ka-banda ng pinsan mo?"

Natawa ako sa tanong niya. Hindi ko maisip na magka-gusto sa kanila. Because my heart is belong to him.

"I don't like them. They we're just my friends. I like someone else."

"Sino?" kuryosong tanong niya.

"Luke Purisima,"

Nanlaki ang mata niya. Para saan ang reaction niya? Don't tell me kilala niya rin si Luke?

"He was my ex fiancé, Chandrea..."

Hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong reaction sa kaniya. She was his, what? At kailan pa?

"And I don't want to marry someone that I don't love that's why I back out. I also know the rules of your family, alam na ba nila?"

Ako naman ngayon ang nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya. Fuck! I am busted. Siguro naman mapagkakatiwalaan si Chelsea.

"Please don't tell them, Chels"

"Of course, I won't tell them. But try to tell them, baka matanggap nila ang relasyon niyo,"

Tama siya. Kailangan ko ngang subukan na sabihin sa kanila. But I'm not yet ready to tell them about this. I'm not ready to face the consequences. I'm afraid, okay.

"Yes, I will tell them but not now kasi hindi pa ako handa."

Ngumiti siya sakin at tinanguan. Kailan pa kaya ako magiging handa? Sana kapag pwede na ay okay pa ang lahat. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba na mawala sakin si Luke. Ngayon ko lang ito naramdaman. At ibang-iba ito kay Jack.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon