Chapter 5

1.5K 20 0
                                    

Chandrea Lorraine's POV

I wake up in the morning nang may maramdaman akong hapdi sa pagitan ng binti ko. Then I realized, may nangyari sa amin ni Luke! Tinignan ko ang katabi ko pero unan na lang ang naroon. Damn it, Chandrea! Anong ginawa mo sa buhay mo?!

Bakit ganoon na lang kadali ang ibigay sayo ang pinaka-iingatan mo?

Pero bakit kay Jack? Oh shut up, don't compare him to your ex-boyfriend. Walang kinalaman si Jack sa nangyari sa amin. Dala ito ng init ng katawan niya na inaakit ako.

Napapikit na lang ako ng mariin tsaka ko naisipang bumangon. Nakasuot na ako ng panty at tshirt. I smiled, nai-imagine ko siya habang sinusuotan niya ako neto.

Agad namula ang pisngi ko, paano ko siya kakausapin mamaya after what we have done last night? Iniisip ko pa lang, nahihiya na ako.

Pumasok na ako sa banyo para makaligo. Sumagi sa isipan ko ang tanong nung bata kagabi. Kahit may nangyari sa amin ni Luke hindi mawawala sa isip ko ang tanong na iyon. Ang tanong na kung saan ang laki ng impact sakin.

"Anak po ba kayo ni Tita Charlotte? Hindi po kasi kayo magka-mukha e,"

Anong ibig sabihin ng batang iyon? Anak ako ni mommy! Anak niya ako. Hindi ko na dapat pang isipin ang bagay na iyon.

Sa hapag-kainan, naramdaman ko agad ang tensyon sa pagitan nila mommy at tita Clara. Bago pa ako makaupo kanina ay parang may pinag-usapan pa silang hindi ko dapat marinig. This past few days I find something weird sa kinikilos ni mommy, parang may mali. Hindi ko na lang pinapansin.

"Good morning po," bati ko.

Tinignan ko sila isa-isa. Si Lola Maceda na nasa gitna sa kaliwa niya ay si Tita Clara na katabi si Lynard at sa kanan ay si mommy. Umupo ako sa tabi ni mommy at nakita ko agad ang sama ng tingin ni Tita Clara. Oh, I forget that she hate me.

Nasaan na ba ang lalaking yun?

Tahimik na lang ako yumuko at pinagmasdan ang pagkain na nasa harap ko. Kumuha ako ng bacon at hotdog. Bago ko pa maisubo yung hotdog ay nagsalita na si Lola Maceda.

"So how's your sleep hija?"

Napaubo ako sa tanong niya kaya agad kong kinuha yung tubig na nasa harapan ko tsaka iyon ininom. Napatikhim naman ako bago sumagot.

"Okay naman po,"

Napaubo din si Lynard kaya agad ko siyang tinignan. Umiling-iling siyang tumingin sakin.

"Anyway Chandrea, ngayon ka mage-enroll kasama mo si Lynard so he can tour you to your new school. Same course naman kayo ni Lynard kaya I expect na same din kayo ng schedule," sabi ni mommy.

I just nodded at her. Wala na akong magagawa. Si mommy na ang nagdesisyon. Even though I want to protest and go back to the place where I am, wala akong laban kasi kapag nagreklamo ako, talo pa rin ako. I don't have the powers, the money and the freedom. Some of my decision is base on my mom's opinion.

"Lola, nasaan po yung bisita natin?" biglang tanong ko.

I'm curious, alright. Bigla na lang kasi nawala ng parang bula ang lalaking iyon. Hindi man lang nagsabi.

"Bakit mo naman naitanong, hija?" nagtaas-kilay si Lola Maceda. Waiting for the answer.

"Because that's the thing that bothering her so she ask it, mama" Sabat ni Tita Clara.

Nakatingin na sakin si mommy na parang may mali akong nagawa. Bawal na ba magtanong tungkol sa bisita? If I was inform a while ago edi sana hindi na ako nagtanong pa.

Tumingin ako sa tapat ko at nagkatinginan kami ni Lynard na kumakain lang na para bang wala siyang pakialam sa pinag-uusapan namin.

"Umuwi na siya, hija. Nagmamadali siyang umalis kaninang madaling araw," sabi ni Lola. "Sana nagkakamali lang ako sa aking iniisip, hija" dagdag pa nito tsaka umalis na sa hapag.

Sinundan ko naman siya ng tingin. Tumayo na din si Tita Clara at Lynard. And now, dalawa na lang kami ni mommy ang natira. Mataman akong tinitigan ni mommy. Her eyes telling me that what the hell they I do. Oh fuck! I don't even know.

Without saying anything, umalis na din si mommy. Naiwan na naman akong maraming tanong sa isip ko. What the hell on earth is happening? May mali ba akong nasabi? Bakit ganoon na lang ang naging reaction nila?

But then, I was too weak to even think about what is happening. Matamlay na lang akong pumasok sa kwarto ko tsaka naghanda para sa pupuntahan namin ngayon.

Nakaramdam din ako ng galit, sakit at awa. Galit dalil pagkatapos ng nangyari sa amin iiwan na lang ako ng walang pasabi? He was like the other boys! Sakit at awa para sa aking sarili dahil nawala ang virginity ko sa maling tao.

Tahimik lang kaming dalawa ni Lynard sa loob ng kotse. Wala ni isa sa amin ang nangahas magsalita. Pero kanina ko pa napapansin ang pagbuntong hininga niya.

"Hmm, pwede ko ba maitanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila sa tanong ko? I don't understand everything," panimula ko.

Tinignan niya ako tsaka bumaling sa daanan. "Reyes and Collins Family have rules that will never fall inlove with each other. Ayaw nila na may nagkakatuluyan sa pagitan ng Reyes at Collins family." simpleng sabi niya.

Ohh! That's make sense. Now, I understand what was that reaction for.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon