Chapter 2

1.7K 25 1
                                    

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang alam ko narito pa rin ako sa mansyon. Habang hawak ko ang dibdib ko ay napatingin ako sa paligid ko. Para akong kinakabahan.

Sino ang lalaking 'yon?

Ilang lakad pa ang ginawa ko ay nakarating ako sa garden ng mansyon. Napasandal ako sa nakita kong puno. Anong nangyayari sakin?

Pinagmasdan ko na lang ang fountain na nasa harapan ko. Hinayaan ko na muna ang sarili kong pumikit at pakiramdaman ang sarili.

Hays. I wonder kung okay na kami ni mommy. Nagpansinan na kami kanina kaya siguro naman okay na kami.

Pagmulat ko ng mga mata ay napatalon agad ako dahil may tao na sa harapan ko. He smirked. Nakakainis na ngising yan. Ang gwapo!

"You are not wearing a bra, right?" sabay tingin sa dibdib ko. Namula agad ako sa sinabi niya.

Kunot noo ko siyang tinignan. Naalala kong nagpalit ako ng tshirt at short. Malaki naman yung tshirt sakin kaya hindi na kailangang mag-bra. Pero sa tingin niyang may pagnanasa parang gusto kong magsisi kung bakit hindi ako nag-abala pang magsuot.

"Why are you even here? Sinusundan mo ba ako?" Pagtataray ko.

"What if I say yes?"

Nasitaasan lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Unti-unti siyang humakbang palapit sakin.

"Teka, bakit ka lumalapit?"

"I don't believe in love at first sight but after seeing you I think I need to believe it,"

Kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong tumakbo palayo sa kaniya pero nanghihina ang mga binti ko. Gusto ko siyang itulak pero maging ang kamay ko nanghihina na rin. Why would I feel like this with this stranger?! I don't even know a single of him.

Nang maglapat ang mga katawan namin ay nanghina na ako ng tuluyan. He wrapped his arms in my waist. Kung hindi niya ginawa iyon ay  baka nga natumba na ako.

"Who are you?" nanginginig ang boses ko sa tanong ko na iyon.

"Oh, baby. If you want to know make sure you are ready to marry me."

"What?"

"How old are you?"

Napairap ako. "Hindi mo nga sinagot tanong ko e. Hindi ko rin sasagutin ang tanong mo,"

"You'll tell me or I'll kiss you? You choose,"

Gusto ko siyang murahin sa pinagsasabi at pinaggagawa niya sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis kumilos nang lalaking 'to. Kakakita lang namin kanina ha? Ngayon nasa harapan ko na't kinakausap na ako?

"I'm 19. So now, please let me go?"

"Pwede na," bulong niya.

Lumayo na nga siya kaya napailing ako. Anong pwede na?

"Hoy, Purisima!" sigaw ng kung saan kaya naitulak ko palayo itong lalaking nasa harapan ko tsaka tumakbo palayo.

Nakasalubong ko pa ang lalaking iyon. Nagtataka niya akong tinignan tsaka pinuntahan ang lalaking iyon.

"Grabe nakahanap ka agad ng chicks, pre?"

"Gago," rinig kong mura niya.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan habang hawak ang dibdib ko na ang bilis ng tibok. What was that for? Urgh.

Narinig ko ang pagkatok sa pintuan ko kaya binuksan ko iyon. Nakita ko agad si mommy na nakatayo at may hawak na malaking box. Pumasok siya sa kwarto ko tsaka siya ngumiti.

"Are you enjoying your stay here? Narinig ko kay Lola na naglibot-libot ka?"

"Yes mommy, yung garden lang po ang napuntahan ko kasi may asu- este napagod po agad ako sa sobrang lawak."

"You can be with Lynard if you want. Sasamahan ka niya maglibot. You still have one week pa naman. After that pasukan niyo na. But anyway, ito ang susuotin mo mamaya."

Nilapag ni mommy ang malaking box. Tinitigan ko ang box. Prada, that was the brand of the dress.

"Thank you, mommy."

"Anything for you, Chandrea. Maghanda ka na okay? Later magsisimula na ang reunion. So, be ready."

"Opo mommy,"

Lumabas na si mommy sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang laman ng box at namangha ako sa ganda nito. A color cream backless dress. I love it!

Tinignan ko ang aking cellphone then I took a selfie with this dress. Napadpad din ako sa messages ko. Re-reading the convo of my ex-boyfriend makes me sad. Sinayang namin ang dalawang taon na magkasama. Sinayang din namin ang mga perang pinag-gastusan namin sa date namin. Pero hindi ako nagsisisi dahil sa pera kundi nagsisisi ako sa mga memories na binuo namin. Corny pero totoo.

Sa reunion ay nakahanda na ang mahabang lamesa at mga pagkain. May mga bisita na rin akong nakikita. At ako? Nakaupo lang sa gilid, sa madilim na parte para panoorin ang mga angkan na nag-uusap. Halos lahat ng nakikita ko ay angkan ng Reyes. Bilang ko lang ang mga angkan ng Collins. I don't even know one of them.

Habang nililibot ko ang paningin ko ay nagtama ang mata ko sa lalaking I don't know his name. Ngumisi siya sakin tsaka naglakad palapit sakin. Pinandilatan ko siyang ng mata. Huwag niya sabihing maging dito ay guguluhin niya ako?

"You're alone, huh?" tanong niya ng makalapit.

"Malamang? Nakita mo ba akong may kasama? Wala diba?"

Natawa lang siya sa pambabara ko sa kaniya. Bakit ko ba kasi kinakausap 'to? Tss.

"Chandrea?" rinig kong tawag ni mommy.

Nakita niya agad ako nung tumayo ako. Tinignan niya pa muna ang lalaking kasama ko tsaka bumaling sakin. Para bang nagtatanong na agad ang mga tingin niya sakin. Hindi ko siya kilala mommy!

"Kanina pa kita hinahanap, sino siya?"

Tinignan ko ng seryoso si mommy. Better ask him nalang, maging ako ay hindi ko alam kung sino siya.

"I'm Luke C. Purisima, tita" pagpapakilala niya.

Agad ko siyang hinarap. Nakangisi na ito sa akin. Ang galing nga naman ng lalaking ito. Sa mommy ko pa unang nagpakilala?

"Oh, son of Leah Monique C. Purisima and Kenneth Y. Purisima?"

"One and only son po tita,"

"That's nice! Kamusta na ang mama mo? Eh iyong business niyo?"

"My mom is doing well. And our business was in a good state. Of course we'll never let our business down."

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. So he was one of the member of Collins family huh? Luke Collins Purisima. Ilang taon na ba siya at business na ang pinagkakabaalahan?

Oh! Bakit ba interesado ako sa kaniya? Fuck it.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon