Chapter 7

1.3K 20 1
                                    

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng may nangyari sa amin ni Luke. Kahit pilitin kong kalimutan ang nangyari samin, hindi ko pa rin makakalimutan. Instead, hinahanap hanap ko pa rin ang katawan niya. Damn it, Chandrea.

Babalik pa kaya siya? May balak ba siyang makipagkita ulit sakin? Galit ako sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hanapin siya.

"Sabay tayo kumain ng lunch, huwag na huwag kang makikisabay sa iba. Understood?"

"Opo, kuya Lynard" pang aasar ko. Sinamaan niya ako ng tingin bago niya ako tinalikuran para makapunta na sa music room.

Excuse siya ngayong araw kasi may meeting daw sila ng banda niya. At heto parang gusto ko na lang magtago dahil sa mga matang nakatitig sakin. It's weird.

Gusto kong mawala na lang dahil sa sama ng tingin ng mga babae. Malagkit naman sa mga lalaki. What kind of school is it?

Inabala ko na lang ang sarili ko at hinayaan ang mga matang nakasamid sakin. Oh, please Lynard come here already. Save me from these people. I'm not comfortable here.

"Hi!" bati sa akin ng lalaki.

Napatingin ako sa gilid ko. Nakatayo na siya doon. Nakalabas na ang proffesor at iba pang students. Halos konti na lang kami ang nandito at itong lalaking ito ang naglakas loob na lapitan ako. I smiled at him.

"Hi," marahang bati ko.

"May kasama ka bang mag-lunch? If you want sabay na tayo?" narinig ko ang mapang-asar na hiyaw ng mga lalaki sa likuran.

Nilingon ko sila at nakangisi na sila sakin. Kaibigan niya siguro ang mga ito?

"I'm sorry pero may kasama na siya mag-lunch."

Napatingin ako sa nagsalita. Agad akong nakahinga ng maluwang nung makita ko ang pinsan ko na seryoso ang tingin sa lalaking nasa gilid ko. Ang kaninang nangingiting itsura ng lalaki ay napalitan ng takot.

"I'm sorry," sabi niya at nagmadali ng umalis.

Napangiti ako sa pinsan ko. Now, I feel comfortable.

"Buti dumating ka. Hindi ko alam kung paano ko sila patutunguhan. I'm not comfortable here."

"Hindi ako makakapayag na sumabay ka sa kaniya. You don't know him. Tsaka naninibago ka kaya you're not comfortable. Soon you'll get better here."

"By the way, same schedule naman tayo diba? Can I come to you when you have meetings with your bands? I'm not also comfortable with the girls."

I know, I'm starting to be a burden for him. But that's the only solution to solve my uncomfortable feelings with my classmates.

"Why?" kunot noo niyang tanong.

"Ang sama ng tingin nila sa akin."

Natawa na lang siya sa sinabi ko. "Don't skip your class just because of them. Just text or call me if there's something happen, okay? Don't worry,"

Tumango na lang ako tsaka tahimik na kaming naglakad patungo sa cafeteria. Habang naglalakad kami sa gitna ay halos mabali ang leeg ng karamihan kakatingin sa amin.

"Lynard!" tawag sa kaniya ng grupo ng mga lalaki. Tatlo silang naroon sa table at may dalawang bakanteng upuan.

Nagtungo kami roon. Nakatingin na din sakin ang tatlong lalaking halos mabali ang leeg kakatingin sakin. I flash a smile to them.

"Hi," bati ko sa kanila.

"This is Chandrea, my cousin" pakilala ng pinsan ko sa kanila.

Hinila niya yung upuan at pinaupo ako doon. Pagkatapos ay umupo na din siya. Napatingin ako sa harapan ko.

"I'm Kian, drummer ng banda" naglahad siya ng kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon.

"Brent, main vocalist," he just smiled at me.

"Dave, same as Lynard," naglahad din siya ng kamay sakin.

Pagkatapos ng pakilala nila ay dumating na ang mga pagkain. Hindi ko maalala na nag-order ako. Is this mine?

"Nag-order na ako ng lunch natin bago kita sinundo," sabi ng pinsan ko.

"What's your favorite food, Chandrea?" tanong sakin ni Brent. Nagtaas kilay siya na para bang may iba pang pinapahiwatig.

"I don't have favorite food. Kahit ano naman kinakain ko,"

"Nice, I like a girl na hindi maarte sa pagkain. Are you free on Saturday?"

I tilted my head and stare at him. He's handsome. Brown eyes, pointed nose and red lips.

"Stop it, Brent." kunot-noo siyang tinitigan ng pinsan ko.

"I have another plan on that day," I lied.

Pero ang totoo ay wala akong gagawin sa weekends. Magkukulong na lang siguro ako sa mansyon. Sleep all day.

"Well I like your cousin Lynard. Don't stop me." nakangising sabi niya at kinindatan ako.

Natawa si Kian at Dave habang tinatapik ang balikat ni Brent. Wala akong ibang magawa kundi ngumiti na lang sa kanila. This isn't the first time na may mag confess ng feelings sa harapan ko. Kaya nasanay na ako.

"Huwag mo siyang papatulan. He's not good for you," bulong ng pinsan ko.

Who's good for me, then?

"Huwag mo naman akong siraan sa pinsan mo, bro." natatawang sabi ni Brent.

"You're cousin is hot as fuck kahit na naka-uniporme lang siya," komento ni Dave at kinindatan din ako. Oh thanks for the compliment.

"I agree," sabat ni Kian.

"Tangina niyo," pikon na sabi ng pinsan ko.

Natawa sila sa reaction ng pinsan ko. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. Alam kong inaasar lang nila ang pinsan ko at nagtagumpay nga sila dahil puro mga mura ang inabot nila sa kaniya.

Pansamantala kong nakalimutan ang mga matang nakatingin sakin. Mas lalo lang ata dumami ang nakatitig sakin lalo na't kasama ko ang mga lalaking ito.

Pero pakiramdam ko may nakatitig sakin sa kalayuan. Binalewala ko na lang iyon.

"What's wrong?" tanong ng pinsan ko na ngumunguya pa.

"Nothing,"

Kumunot ang noo niya sa sagot ko. Ginala ko ang mga mata ko at wala akong makitang nakatitig sakin. Gosh! Baka guni-guni ko lang iyon.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon