Chapter II

48.7K 1.4K 68
                                    

"KAILANGAN ko pa ba talagang sumama?" tanong ni Gabrielle "Gabby"  Celi habang nag-eempake ng gamit katulong ang nobyong si Mon Christian Sario.

            "Don't tell me ngayon ka pa magba-back out?" kuno't noong tanong ni Mon.

            "Hindi naman, kaya lang..."

            "Kaya lang kinakabahan ka na naman na makilala ang Perwisyo Boys? Baby, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na mababait ang mga kaibigan ko?"

            "Oo nga, mababait sila. Eh ang mga girlfriends nila?" nakalabing  tanong ni Gabby ng maaalala ang mga nakitang picture ng ilang barkada nito na naka-add sa friendlist niya sa facebook. "Lalo na 'yung mag-bestfriend na Emma at Madeleine."

            "Nai-insecure ka ba?"

            "Hindi naman..."

            "Oh hindi naan pala eh."

            "Kaya lang baka kasi hindi rin ako mag-enjoy," muling sabi niya.

            "Nami-miss mo na ang dagat, right? Kaya I know na mag-eenjoy ka talaga."

            Tama ang nobyo si Mon. Gustung-gusto talaga niya ang dagat dahil doon siya lumaki noon sa probinsya  nila. Siguradong mae-enjoy niya ang dagat at ang paglangoy ngunit hindi siya sigurado kung mae-enjoy niya ang mga makakasama niya sa munting bakasyon. "I love beach but not your friends. Feeling ko talaga ang aarte nila, lalo na 'yung Madeleine at Emma. Feeling ko talaga ang aarte nila," sabi pa niya ng maalala kung anu-ano ang pinagpo-post ng dalawang tinutukoy sa facebook. Puro luho at mga sosyal na  lugar na pinupuntahan.

            "Ah, 'yung girlfriend nina JC at Joel?" natatawang sabi ni Mon.

            "Kasi naman, wala na yatang ibang alam na pag-usapan at i-post sa facebook kung hindi mga branded na damit, bag, sapatos  at kung anu-ano pa."

            "Medyo nga..."

            "Kita mo na!" aniya at binato ng hawak na damit ang nobyo. "Kaya nga ayoko na talagang sumama!"

            "Just kidding baby. Kasama naman 'yung girlfriend ni Kiko eh."

            "'Yung Pheobe?"

            "Yup.  'Yung pok-"

            "Shhh... H'wag mo ng ituloy. Masakit sa tainga eh. Hindi ko rin sure kung makakasundo ko 'yun. Baka kasi puro kabastusan at kalaswaan  lang ang alam no'n pag-usapan."

            "Hmmm... What about girlfiend ni Vernon?"

            "Janine," sabi niya na inaalala ang hitsura ng dalaga sa facebook. Maganda ito at mukhang mabait kaya lang may problema pa rin siya. "Call center agent naman 'yun, baka maubusan ako ng baon na English."

            "Napaparanoid ka na naman baby. Don't tell me na ngayon ka pa magbaback out pagkatapos kong magpa-good shot ng sobra sa kanila para  payagan ka na sumama sa akin."

            Natawa si Gabby sa tinuran ng nobyo. Takot kasi ito sa papa at tatlong kuya niya kaya hindi masyadong dumadalaw sa bahay nila. Pero nitong nakarang mga araw ay napadalas ang pagdalaw nito na may dala pang mga pasalubong para sa lahat at mas kinatuwa niya ay ang pagsabay nitong kumain ng hapunan sa kanila.  Alam niya kasing hindi masyadong makakain ng maayos ang binata dahil sa bawat subo yatang ginagawa nito ay ang pag-ubo o kunwa'y pagkasamid alinman sa tatlong maton niyang mga kapatid. Natatawa na lang rin siya kasi alam niyang minsan ay pinagti-trip-an na lang ito ng mga kuya niya. Hindi naman nagiging over protective ang papa niya at mga kapatid pero naging mahigpit ang mga ito pagdating sa kanyang mga manililigaw. Si Mon lang talaga ang tumagal sa lahat ng mga iyon. At sa edad niya na 25 ay kahit paano naging maluwag na ang mga ito sa kanya at kay Mon na mahigit isang taon na niyang nobyo pagkatapos ng halos dalawang taon na ligawan. Pinapayagan na rin ng mga ito si Mon na matulog sa bahay nila ngunit sa kwarto ng mga kuya niya. Nitong nakraan lang nito halos nagagawang pumasok sa kwarto niya na gawa na rin siguro ng pagpapa-good shot na ginawa. At ang outing na ito ng barkada ni Mon ang kauna-unahang pagkakataon na mapapalayo siya ng isang linggo sa papa at mga kuya niya.

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon