"OH nasaan ang papa bear mo?" takang tanong ni Emma ng makita sa kusina si Madz na nagpapalaman ng nutella sa hawak na tinapay...
"Ewan ko nga do'n. Ang sabi niya kukuha lang raw siya ng beer para sa ref namin sa kwarto tapos hindi na bumalik kaya bumaba ako na rin ako dito sa kusina," sagot ni Madz na kumagat ng malaki sa hawak na tinapay. Hindi naman siya nagugutom pero ng makita niya ang tinapay at ang paboritong palaman ay para siyang nahipnotismong kumain. Naging hobby na yata niya ang pagnguya na sobrang sinusuportahan naman ni JC. Ilang beses na niyang sinasabi na magda-diet na siya pero si JC na mismo ang pumipigil sa kanya na simulan iyon. Mas gusto raw kasi siya ng nobyo kung ano ang totoong siya bagay na sobrang minahal niya sa binata. "Oh kayo? Bakit kayo bumaba?"
"Wala rin kasing beer sa ref ng kwarto namin kaya eto, kukuha kami," ani Joel na binuksan na ang kaharap na malaking ref at kumuha ng ilang maliit na bote ng beer.
"Nakita ninyo ba si Claud?" tanong ng bagong pasok sa kusina na si Tims.
"Hindi eh, pati nga si JC hindi ko makita."
"Beer, pare oh."
Sinalo ni Tim ang maliit na bote ng alak na inihagis ni Joel bago umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Madz.
"Infairness ang ganda talaga ng resort ni Kiko 'no. No wonder na hindi na talaga siya papakawalan ni Phoebe," nakangising sabi ni Emma kasabay ang pagsindi sa sigrailyong hawak.
"One time big time na yata siya kay Kiko! Ano kayang gayuma ang ginamit niya? Super effective ah," si Madz.
"Baka magaling," ani Joel na nagbukas ng beer na para sa sarili at kay Emma.
"Ang manyak mo talaga Joel!" singhal ni Madz na muling nagpapalaman ng tinapay.
"Malay natin 'yun talaga ang dahilan," sang-ayon ni Emma sa sinabi ng nobyo kasunod ang pagbuga ng usok mula sa hinitit na sigarilyo. "Sa dami ng lalaking naikama niya, imposibleng hindi siya maging master sa s*x."
"Subukan ko kaya ng malaman na- Aray!"
"Tumigil ka d'yan Vendiola ah!" gigil na piningot ni Emma ang nobyo na nakatayo sa may likuran niya.
"Of course it's a joke!" sabi ni Joel. "Baka kung ano pang sakit ang makuha ko do'n."
"Hahaha. Itigil ninyo na nga ang pag-uusap tungkol sa kanya. Mukha naman siyang cool at mabait," singit ni Tims. Hindi niya naman talaga gustong ipagtanggol si Phoebe. Hindi niya lang talaga ugali na pag-usapan ang kasiraan o kahinaan ng isang tao na hindi nila kasama. O mas lalo ng hindi pa niya lubusang nakikilala. Sabi nga ng iba siya 'yung tipo ng tao na hindi judgemental. Napalingon siya sa may pinto ng mapansin ang pagdaan ng isang babae. "Bhie?" Tumayo na siya at walang paalam na iniwanan ang mga kasama. Nagtataka kasi siya kung bakit tila tulala si Claud na lumampas ng kusina.
"Claud, where are you going?" tanong na niya habang nakasunod sa dalagang papalabas ng mansion. Napahinto siya sa paglalakad na may tatlong hakbang na lamang ang layo mula sa nakatayong dalaga na malayo ang tingin sa dagat. Bakit pakiramdam niya ay may kakaibang lamig na yumayakap ngayon sa katawan niya. Dahil ba kay Claud na may kakaibang ikinikilos? "Claud, are you okey?" aniya bago lumapit sa kausap at hinawakan ang braso nito. Muntik na siyang mawalan ng balanse mula sa pagkakatayo at matumba ng humarap ang babae. Hindi iyon si Claud. Isang babaeng nakasuot ng mapulang damit at hindi na halos makilala ang mukha na nababalot ng malapot na dugo. Nagnanaknak ang mga labi nito at mababakasang halos sunog na ang talukap ng mga mata.
Bumuka ang mga labi ng babae at kasabay ng mga dugong bumulwak doon ay ang maalingasaw na amoy. 'Mamatay kayong lahat...'
"Bhie?"
Napalingon si Tims sa may likuran kung saan nanggalingang boses na tumawag sa pangalan niya. Si Claud na nakatayo hindi kalayuan kasama sina Madz, Emma at Joel. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka. Mabilis niyang ibinalik ang mga tingin sa harapan. Wala na ang babae.
"Bhie, okey ka lang?" tanong ni Claud ng makalapit kay Tims kasunod ang mga kasama.
"O-oo... Bakit nasa labas kayong lahat?" balik tanong ni Tims.
"Bigla ka kasing tumayo kanina tapos parang tinatawag mo si Claud eh wala naman kaming nakita na dumaan," si Emma ang sumagot na hawak pa rin ang maliit ng sigarilyo.
"Tapos dumating si Claud, hinahanap ka. Ang sabi namin lumabas ka kaya nagpasama rin siya lumabas kasi natatakot raw siya mag-isa," dugtong ni Joel na nakaakbay sa nobya.
"Are you sure okey ka lang bhie?" muling tanong ni Claud sa tila namumutlang si Tims.
"O-oo, okey lang ako," nauutal pang sagot ni Tims. Ramdam pa rin niya ang kakaibang lamig na nagpapatayo ng balahibo niya sa katawan.
"Guys, tingnan ninyo 'yun oh."
Sabay-sabay silang halos napatingin sa tinuturo ni Madz. Bahgya rin silang naglakad paatras upang mabasa ng mas malinaw ang nakasulat sa tinutungtungang buhangin.
Napalunok si Joel ng mabasa ang nakasulat kasunod ang pagsuklay sa mahabang buhok na lampas na halos a may baok niya gamit ang daliri ng mga kamay. Pinilit niyang itago ang kabang nararamdaman. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahit na anong kaba sa mga kasama. Kung sino man ang may gawa ng sulat na iyon, hindi isang magandang biro para sa kanila. Mas lalo na para sa kanya.
"Bakit parang ang lamig?" pansin ni Madz.
"Oo nga eh, tumatagos diot sa jacket na suot ko. Teka, ano bang nakasulat?" tanong ni Emma na malabo ang mga mata. Naiwan niya kasi sa kwarto nila ni Joel ang salamin niya.
"29th of February is coming," mahinang basa ni Tims. May kakaibang takot na dulot sa kanya ang mga salitang nakasulat sa buhangin. Hindi niya alam kung bakit pero parang may pagbabantang ang hatid ng mga salitang iyon para sa kanila.
***
***
***
***
Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...
Thank you so much! :) :*
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year