Chapter XIX

27.3K 823 45
                                    

STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.

THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.

***

***

***

"SWEETY..." mahinang tawag ni Gabby sa nobyo na nag-aayos ng lamesa kung nasaan ang dalawang kopita at isang bote ng alak na para sa kanilang dalawa. Nakasandal siya sa may bakal na harang sa terrace ng kwarto nila.

"Yes sweety?" tanong ni Mon na nagsasalin ng alak sa isang kopita.

"Sa tingin mo ba magiging okey pa sila?"

"Who?" Tumayo na si Mon at inabot kay Gabby ang isang kopitang may laman ng alak.

"Sina Tims and Claud. We're not close pero mukha namang mabait si Claud." Humarap siya sa may dagat pagkatapos lumagok ng kaunti sa alak na laman ng kopitang hawak niya. Ayaw pa sana nilang iwanan nina Gabby si Claud pero ito na mismo ang umalis upang puntahan si Tims. Naaawa siya dito kahit hindi sila masyadong close. Halata kasing sunud-sunuran lang ito sa dalawang madita na sina Emma at Madz.

"Hayaan mo na sila. Bagay lang naman kay Claud 'yung nangyari sa kanya."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" takang tanong ni Gabby na inilibot ang mga tingin sa may tabi ng dagat na bahagyang binibigyan ng liwanag ng bilog ng buwan. Bakas na sa madalim na kalangitan ang makakapal na ulap na tila pilit na nakikipagtalo sa buwan.

"Bagay lang sa kanya 'yung nangyari kanina dahil fake siya. Nagpapanggap siya na mayaman para makasama nina Madz at Emma. Para na rin siguro matuhog sina JC at Tims."

"Sa tingin mo ganu'n talaga -" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng makuha ang atensyon niya ng isang madilim na bahagi ng dalampasigan. Nagsimula na namang magtago ang buwan sa makapal na ulap na dahilan upang kumalat ang kadiliman sa paligid ng dagat.

"Oo, gano'n siyang klase ng babae. Feeling ko lahat ng nangyari eh planado. Ultimo siguro ang pagkakakilala nila ni Tims para maperahan at magamit niya ang pobre. Nagkataon lang na nahuli siya ng maaga. Ayun, nakarma ng maaga."

Nanlamig si Gabby ng unti-unting muling lumabas ang buwan mula sa pinagkukublihan. Nagsimulang tamaan ng liwanang nito ang pares ng mga paang naglalakad sa maputing buhangin. Pataas ang liwanag sa putikang mga binti at katawan nito. Namilog ang mga mata niya ng makita ang kabuuan ng babaeng nakatalikod at naglalakad palayo sa mansion. Nakasuot ito ng matingkad na pula at patungo sa kagubatan... "Sweety... May iba pa bang tao dito sa resort?"

"Bukod kay mang Potpot, ang alam ko wala na."

Napalunok siya ng makitang tila may kumikislap sa bagay na hawak ng babae. "S-sino 'yung babae?"

"Nasaan?" tumayo na si Mon ng mapansin ang kakaibang ikinikilos ng nobya.

Hindi alam ni Gabby kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nawala ang babae na kanina lang ay sinusundan niya ng tingin.

"Wala namang babae?" takang saad ni Mon.

"M-meron... Sigurado ako. Naglalakad siya papuntang gubat."

"Baka naman si Claud lang 'yung nakita mo."

"Hindi si Claud...."

"Nakita mo ang mukha?"

"Hindi eh. Nakatalikod na siya ng mapansin ko," tugon ni Gabby. Pero pakiramdam niya ay ayaw niya na ring makita na nakaharap ang babae. Para kasing hindi niya rin gugustuhing makita ang mukha nito.

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon