Oh my! Friday na ulit...
Ibig sabihin ba, BLOODY CHAPTER na naman?! :D
Well, let's see...
Again, gusto kong pasalamatan lahat ng ma-tyagang naghihintay ng bawat U.D.
Sana ay hindi kayo magsawa at mapagod. :)
Happy Friday and enjoy this chapter... :)
***
***
***
WARNING! STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.
THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.
***
***
***
IBINUGA ni Kiko ang usok na hinitit mula sa hawak na sigarilyo bago ibinaling ang mga tingin sa katabing nahihimbing na si Phoebe. Napakaganda talaga ng dalaga. Kung ikukumpara si Phoebe sa mga ibang naging girlfriend niya ay ito na siguro ang pinakamaganda at pinaka-hot sa lahat. Nagkataon lang talaga na hindi ito nabigyan ng magandang buhay hindi kagaya ng mga babaeng dumaan sa kanya na galing sa iba't-ibang mayayaman na pamilya. Ganoon pa man ay mataas ang tingin niya sa nobya lalo na ng tanggihan nito ang alok niya na pag-aralin ang mga kapatid nito at bayaran ang bawat gabi na hindi nito ipapasok sa club. Pero minsan ay hindi niya maiwasana na maisip na hindi na pagmamahal ang nagpapatakbo at nagpapatagal ng relasyon nila. Ang simpatya na lamang at awa niya sa dalaga.
Muli siyang nagbuga ng usok kasunod ang isang malalim na buntong hininga. Pinatay na niya ang sigarilyo sa ashtray na nasa ibabaw ng katabing maliit na lamesa bago maingat na iniayos ng higa ang nahihimbing pa rin na si Phoebe mula sa dibdib niya patungo sa gitna ng kama. Bumaba na siya sa kama at tinungo ang maliit na ref. "Anak ng!"
Ibinaba nga pala niya kagabi ang mga alak kaya siya tuloy ang nawalan ngayon. Kakailanganin pa niyang bumaba sa kusina upang kumuha ng maiinom. Hindi na siyang nag-abala pa na magsuot ng pang-itaas na t-shirt dahil mahaba at makapal naman ang suot niya na pang-ibaba. Dumiretso na siyang naglakad palabas ng kwarto at pababa sa may kusina. Naabutan pa niya si Janine na nagpupunas ng mga pinggan na niligpitan. Nakatalikod ito mula sa kanya at halatang hindi napansin ang pagpasok niya ng kusina. Tila nahipnotismo siyang hagurin ng tingin ang dalaga mula sa paanan pataas sa makinis na binti, balingkinitang katawan, maputing batok hanggang sa nakapuyod na mga buhok. Si Janine na unang beses pa lang niyang nakita ay nakuha na ang atensyon niya. Si Janine na girlfriend ng taong pinakamalapit sa kanya at halos ituring na niya na kapatid.
Bahagyang napapitlag si Janine ng malingunan si Kiko na tila kanina pa sa kinatatayuan at tinititigan siya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa abs nito na halos kagaya ng kay Vernon na halatang alaga sa gym. Muli niyang naramdaman ang pagkainis ng maalala ang ginawa nitong pang-aaway kay Rency kagabi.
"Hi Janine," nakangiting bati ni Kiko.
"Hello," tipid na sagot ni Janine bago naglakad palapit sa binata. Nasa may tabi kasi nito ang lalagyan ng mga pinggan at kutsara. Siya na ang nagkusang loob na maghugas ng mga pinagkainan nila dahil wala pa ring mang Potpot na muling nag-aasikaso sa kanila. Halos magdikit naman ang mga balat ng braso niya at hubad na katawan ni Kiko na hindi man lang na-aabalang umalis o umayos man lang ng tayo.
"Ang bango mo naman..." halos pabulong na sabi ni Kiko.
Hindi alam ni Janine kung bakit iba ang dating ng pagkakasabing iyon ni Kiko sa kanya. Parang ang bastos. Hindi na siya tumugon at naglakad palampas sa binata.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HororWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year