MABIGAT ang pakiramdam ni Phoebe sa talukap ng mga mata ng imulat niya ang mga ito. Nanlalabo pa ang paningin niya pero batid niyang madilim ang paligid kung nasaan siya.
"Phibs..."
Naramdaman ni Phoebe ang haplos ng pamilyar na haplos sa mukha niya. "Cis," bulong niya. Muli niya sanang ipipikit ang mga mata upang humimbing ng biglang may maalala.
"Phoebe, how are you?"
Tluyan ng napanbangon sa kinahihigaan si Phoebe at napasiksik sa sulok ng sofa. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Halos nakapalibot sa kanya ang lahat ng kasama, magkahalo ang pagtataka at pag-aalala sa mukha ng mga ito. "A-anong nangyari?"
"Narinig kitang kitang sumigaw kaya hinanap kita. Natagpuan kitang walang malay sa lumang kwarto," sagot ni Kiko.
"Kukuha lang ako ng tubig," prisinta ni Janine.
"Samahana kita," sunod ni Rency.
Naging malikot ang mga tingin ni Phoebe habang nag-iisip at inaalala ang lahat ng nangyari kanina. Mga duguang katawan na gumagapang palapit sa kanya... Mga iyak at ungol na tumatangis at humihingi ng tulong sa kanya. Muli tumindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa takot.
"M-may nakita ka ba Phoebe sa kwartong iyon?" may takot na tanong ni Gabby.
"Si mang Potpot ba? Nakita mo ba siya? Tinakot ka ba niya?" seryosong tanong ni Mon.
Nanginginig ang katawang napatingin si Phoebe sa seryosong mukha ni Mon. "P-patay na si mang Potpot."
Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Phoebe. Lahat ay nakikiramdam sa sinabi ng dalaga.
"A-ano'ng sinasabi mo?" Hindi alam ni Mon kung bakit pati siya ay bigla ring nakaramdam ng kakaibang takot sa sinabi ni Phoebe. Imposible iyong mangyari dahil sigurado siyang si mang Potpot ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari iyon sa kanila.
"N-nakita ko siya... Nakita ko sila... Sina Emma, Madz, Joel, Tims... P-pati sina JC at Claud. Patay na sila... Patay na sila nina mang Potpot!"
"Phibs, may sakit ka ba?" Sinalat ni Kiko ang noo at leeg ng kasintahan. Normal lang ang temperatura nito pero bakit tila nagde-deliryo ito sa mga sinasabi.
"Kiko, nakita ko sila... Nakita ko ang multo nila... Lahat sila, duguan at humihingi ng tulong. Kasama nila ang multo ni mang Potpot."
"Imposible... Imposible 'yan. Dahil alam kong si mang Potpot ang –"
"EEEEEHHHH!!!"
Isang malakas na sigaw mula sa kusina ang pumutol sa sinasabi ni Mon.
"Si Janine!" malakas na sambit ni Vernon. Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan at pinuntahan ang sumsigaw na sina Janine at Rency.
Magkahawak kamay naman na sumunod sina Mon at Gabby.
Kahit takot ay kumapit si Phoebe kay Kiko upang hind siya maiwan mag-isa sa sala.
"Babe, what happened?" nag-aalalang tanong ni Vernon ng makalapit kay Janine. Magkatabing nakaupo ang dalawa at nakasiksik sa sulok ng kusina.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year