Good morning!
Monday na ulit guys!
Heto na ulit ako... :)
Happy Monday and reading to all! ^_^
***
***
WARNING! STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.
THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.
***
***
***
Napabalikwas si Vernon mula sa malalim na pagkakahimbing kasunod ang pagguhit ng malakas na liwanag na kidlat sa madilim na kalangitan ng gabi. Halos kasing lakas ng kulog na umuugong sa labas ang kabog ng dibdib niya. Namumuo na rin ang ilang butil ng pawis sa noo niya sa kabila ng matinding lamig na nararamdaman.
"Babe?" ani Janine na naalimpungatan sa katabing nobyo. "Binangungot ka ba?"
"H-hindi ko alam, babe," tugon ni Vernon na hindi man lang tinapunan ng tingin ang katabing dalaga. Inihilamos niya ang mga palad sa mukha. Ramdam niya ang matinding takot na dala mula sa panaginip. Isang napakasamang panaginip na halos hindi na niya maalala ang nangyari. Wala man siyang maalala na kahit ano mula sa panaginip pero ramdam niya pa rin ang matinding takot. "W-wala akon matandaan..."
"Wala kang matandaan? Gusto mong ipaalala ko sa iyo?"
Biglang napalunok si Vernon sa narinig. Hindi iyon boses ni Janine. Boses iyon ng isang babaeng kahit kailan ay hindi niya makakalimutan. Muling bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Dahan-dahan na tila halos nag-slow motion ang lahat ng nangyari. Nanginginig ang buong katawan niya sa nakita. Muntik pa siyang mahulog sa gilid ng kama dahil sa matinding takot na nararamdaman at pag-atras na ginagawa. Isang babaeng nakapula na may sako sa ulo. Sako na may bahid ng dugo. Manipis lang ang suot nitong pula na bestida kung saan bahagyang nakalabas ang dibdib na may malalapot na dugong tumutulo at tila nanggaling sa ulo nitong nagtatago sa sako.
"Kinalimutan mo na ba ako ng tuluyan, Vernon?"
"Layuan mo ako!" Malakas niyang itinulak ang babaeng kaharap. Hindi ito maaaring mangyari. Binabangungot na naman siya. Walang babae sa harap niya. Wala!
"Ouch!"
Nanginginig ang katawan na dahan-dahan niyang sinilip ang babaeng nahulog sa kama. Boses na ni Janine ang huling narinig niya. "B-babe?" may pag-aalinlangan na tawag niya. "Babe!" mabilis siyang halos napatalon sa pagbaba mula kama ng makitang nasa sahig ang nobya.
"Ouch! Ang sakit ng balakang ko," ani Janine na hindi makatayo dahil sa pagkakahulog. "Babe, lasing ka pa rin ba?!"
"S-sorry babe... H-hindi ko sinasadya... Binabangungot pa rin yata ako kaya natulak kita." Inalalayan niya si Janine na muling makahiga ng maayos sa kama, Hindi niya alam kung paanong nangyari na tila nadala niya sa realidad ang bangungot niya. "I'm sorry babe..."
"It's okey babe... Don't worry, mababa lang naman ang binagsakan ko."
Napahinto ang tingin ni Vernon sa makinis na leeg ni Janine. Ngayon lang niya napansin na suot nito ang manipis na nightdress na binili niya para dito noong isang linggo. Sinimulan niyang idampi ang mga labi sa leeg nito habang nagsisimulang tumaas ang kamay niyang nasa ilalim ng suot nitong panulog.
"Babe..." halos paungol na sabi ni Janine. Naramdaman niya ang manipis na bigote ni Vernon na kumikiliti sa may leeg niya. Bumaba na ang mga labi nito patungo sa may dibdib niya.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year