"OH, ang aga mo naman yatang nagising?"
Napalingon si Janine Mauriz Castillo sa nagtanong na si Rency Villanueva, ang kasama niya sa apartment na tinutuluyan.
"Oo nga eh. May napaginipan na naman kasi ako kagabi. Feeling ko scary kasi ang sakit sa dibdib. But when I woke up, hindi ko naman matandaan," sagot niya habang hinahalo ang kapeng nasa ibabaw ng kaharap na lamesa.
"Ilang araw na 'yan ah. Tingnan mo, nagkaka-eye bags ka na tuloy," pansin ni Rency at umupo sa bakanteng upuan na katapat ng kay Janine.
Dalawa lang silang magkasama sa apartment na inuupahan, magkasama rin sila sa iisang company at sabay na na-approve ang dalawang lingong vacation leave nila.
"Halata na ba mas'yado?" tanong niya at humigop ng kaunti sa mainit na kapeng nasa hawak na tasa.
"Medyo. Maganda ka pa rin naman, don't worry. Pero mas maganda ako."
"Loka!" Natatawa siya sa tinuran ni Rency at binato ng pandesal na nakabalot sa papel.
"Teka, anong oras ka pala susunduin ni papa Ver?" tanong ni Rency bago inabot ang pandesal at nagsimulang palamanan ng peanut butter.
Ang boyfriend niyang si Vernon Villalobos ang tinutukoy ng kaibigan.
"After lunch yata. Ikaw anong oras ka ba aalis?"
"Before lunch. Mukhang hindi na yata talaga magtatagpo ang landas namin ni papa Ver ah. Daanan ninyo na lang ako sa may gas station pagkalagpas ng 7-11, alam ko naman na miss niya na ako eh."
"Loka ka talaga! Tigilan mo na nga ang pagpapantasya sa boyfriend ko," natatawang sabi niya. matagal na kasing crush ni Rency ang nobyo niya kahit noong nanliligaw pa lamang ito sa kanya. Biro nga ni Rency sa kanya, h'wag lang daw siya malingat kahit konti at baka maagaw daw kaagad ng iba si Vernon mula sa kanya.
"Teka, saan daw ba tayo pupunta?" usisa ni Rency bago kinagatan ang hawak na tinapay.
"Hindi ko pa sure eh. Sa isang private beach yata..."
"Private beach? Sino daw may-ari?"
"'Yung Mark Francis Sarao yata, 'yung pinaka-bestfriend ni Vernon na Kiko palayaw," tugon niya na isa sa mga barkada ng nobyo ang tinutukoy. Ito ang unang pagkakataon na makikilala at makakasama niya ang mga barkada ni Vernon na "Perwisyo Boys" kung tawagin. Ngayon lang kasi siya napilit ng nobyo na sumama kasi ngayon lang ulit magkikita-kita ang mga ito after four years.
"Mark Francis Sarao? Parang ang gwapo na mayaman ah. Imagine, may-ari sila ng isang private beach! May girlfriend na ba 'yun?" nakangiting tanong ni Rency.
"Ang alam ko oo," nakangiti ring tugon niya. "Lahat naman yata ng barkada niya may girlfriend eh."
"Ibig sabihin, sa apat na kaibigan ni Vernon, lahat ng mga 'yun may kasamang girlfriend?" dismayadong tanong ni Rency.
"Ang alam ko oo. Oh, sure ka na bang sasama ka?"
"Hmp! Kung wala lang akong gagawin ngayong long weekend ko hindi talaga ako sasama."
Natawa na lang si Janine sa inarte ni Rency at kumagat ng hawak na pandesal.
"Eh 'di ba, first time mo pa lang rin makikita at makikilala ang mga iyon?" usisa pa ulit ni Rency.
"Oo nga eh. Ang alam ko nga, after ng graduation party pa 'nung huli silang magkita-kita. Doon rin sa lugar na 'yun."
"At sila rin 'yung mga friends niya na first time mong makikilala?"
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorreurWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year