Chapter VIII

27K 805 24
                                    

"HALOS kasing laki na ng apartment namin ni Rency ang kwarto na 'to ah," manghang sabi ni Janine ng makapasok silang dalawa ni Vernon sa loob ng kwarto.

"Siyempre, isa yata ito sa pinaka-espesyal na kwarto dito sa mansion," tugon ni Vernon na yumakap mula sa likuran ng nobya.

"Espesyal? Paano mo nalaman na nalaman?" natatawang tanong ni Janine. Sa dami ng malalaking kwarto sa loob ng mansion siguradong ang ilan sa mga iyon ay espesyal.

"Ano pa at naging bestfriend ko si Kiko? Ibinilin ko sa kanya na ibigay sa atin ang isa sa pinakaespesyal na kwarto dito para sa nag-iisang epesyal na babaeng makakasama ko."

"Loko! Magsa-shower na lang nga muna ako," ani Janine na kumalas sa pagkakayakap sa nobyo at tumuloy na binuksan ang malaking bag na nasa ibabaw ng kama para kumuha ng pamalit ng damit.

"Gusto mo, sumabay na ako?" pilyong tanong ni Vernon.

"H'wag na at baka hindi pa pagsa-shower ang gawin mo!" natatawang tugon niya.

Napapakamot ulo namang lumapit si Vernon sa maliit na ref na nasa may sulok ng malaking kwarto. "Oh bakit walang beer? Ang sabi ni Kiko pinalagyan niya ng beer ang mga ref sa lahat ng kwarto."

Tumayo na si Janine at pumaosk sa loob ng banyo. Namangha na naman siya ng mailibot ang paningin sa banyo na kasing laki ng kwarto nila ni Rency sa apartment. Parang nakahanda talaga para sa kanila ang banyo na iyon dahil sa dalawang malaking tuwalya at bath robe na nakasabit sa may tabi ng malaking bath tub.

"Babe, kukuha lang ako ng beer sa baba," paalam ni Vernon.

"Sige babe," tugon niya na umupo sa may tabi ng bath tub at binuksan ang gripo. Ng halos mapuno na ng tubig ang bath tub ay tumayo na siya at tinanggal ang lahat ng saplot sa katawan bago sinimulan ilubog ang katawan sa malamig na tubig. Ipinakit niya ang mga mata ng maisanadal ang batok sa may ulunan ng bath tub upang mas maramdaman ang ginhawa ng tubig.

Ilang saglit ang lumipas ng maramdaman niyang may mga kamay na nagsimulang maglaro sa may ulo niya na tila nagmamasahe. "Babe..." halos paungol na sabi niya. "Babe, sabi ko sa iyo mamaya na 'di ba," kunwaring saway niya kahit gustung-gusto niya ang init na dulot ng mga kamay ng binata. Naramdaman niyang mula sa ulot ay unti-unting bumaba ang paghagod ng mga kamay nito sa may batok niya. Dahan-dahan na parang nais tandaan ang pagkahubog ng ulo niya. Bigla siyang napabalikwas ng maramdaman ang mahahabang kukong tila bubutas sa may leeg niya. Hindi si Vernon ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon!

Malalim ang paghingang inilibot niya ang paningin sa buong banyo habang humihimas ang isang kamay sa may leeg at batok na tila ramdam pa rin ang mahahabang kukong nakatusok doon kanina. Siguradong-sigurado siya na may naramdaman siyang mga kamay sa may batok niya... Pero bakit wala siyang makitang sinoman na kasama sa loob?

Napaigtad siya sa biglang pag-ere ng malakas na classical music mula sa labas ng banyo. Nanginginig ang kamay na inabot niya bath robe sa may tabi bago bumaba ng bath tub. Hindi na niya nagugustuhan ang matinding takot na nararamdaman.

"B-babe?" tawag niya ng makalabas ng banyo. Bakit mas malamig pa yata sa loob ng kwarto kaysa sa banyo? Pakiramdam niya ay may kasama siya sa loob na hindi niya nakikita. Napapalunok siyag lumapit sa music player kung saan nagpe-play ang umeereng classical music. Kasunod ng paghinto ng musika dahil sa pagpindot niya ng stop sa player ay ang mahihinang hikbi ng isang babae. Nanlambot ang mga tuhod niya ng makita ang isang babaeng nakatalikod mula sa kanya at nakaupo sa gilid ng malaking kama. Nakasuot ito ng pula at tila isang manipis na pantulog. Malagkit ang makapal na buhok nito. At ang mga kamay na nakatakip sa mukha ay nababahiran ng malalapot na dugo. Kung hindi siya nagkakamali, iyon rin ang babaeng nakita niya kanina na nabangga ng kinalulunang kotse ni Vernon. Lalo siyang kinilabutan ng magsimulang maging tawa ang mahihinang hikbi nito na unti-unting lumalakas na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Muli siyang napaigtad ng marinig ang malakas na pagbukas ng shower sa may banyo. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa kama ngunit wala na ang babae. Kahit takot ay naglakad siya pabalik ng banyo upang patayin ang shower.

"Namamalikmata na naman ako," bulong niya kasunod ang isang malalim na pagbuntong hininga. Nasimula na niyang pulutin ang mga damit na nakakalat ng biglang mawalan ng balanse dahil sa malagkit na likidong nakakalat sa tiles na sahig. Malakas na tumama ang ulo niya sa may bath tab kasunod ang paglalabo ng paningin niya. At bago pa man tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya ay may naaninag siyang bulto ng tao... Ang babaeng nakapula... Pero parang hindi... Parang isang lalaki.

***

***

***

Isang duguan na babaeng nakapula...

Ngayon naman isang lalaki?

Sino ba talaga sila?!

***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much! :) :*

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon