Epilogue

15.1K 373 53
                                    

Her  P.O.V.

"Kumain ka na... Baka malipasan ka ng gutom..."

Tinabig ko ang pagkaing inilagay nila sa puting kama na kinalulunan ko. "Ayoko... Ayoko... Papatulugin niyo lang ako!"

Niyakap ko ang mga tuhod ko bago sumiksik sulok ng kamang hindi kalambutan. Nasa loob ako ng isang maliit at puting kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Ang natatndaan ko lang ay tinanong nila ako kung anong nangyari sa bakasyon namin. Kung anong nangyari ng buong araw at gabi ng ikaw 29 ng Pebrero. Sinagot ko lamang ang tanong nila... Ikinuwento ko ang lahat-lahat ng nangyari. Pagkatapos ay may kung ano na lamang silang in-inejction sa akin na hindi ko alam. Nagsimula na namang akong mahilo at makatulog. Hanggang sa magising ako dito sa loob ng maliit na kwartong ito.

Ilang araw na nga ba ako dito?

Ilang buwan?

Ilang taon?

"M-miss, a-anong petsa na ngayon?"

Nakita kong tumingin ang babaeng nakaputi na pumupulot ng mga natapon na plato at kubyertos sa sahig sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan mula sa amin. Nakasuot rin ng puti ang lalaki at may stethoscope na nakasabit sa leeg. May katabi itong isang lalaking nakasuot ng sombrero at leather jacket. Tumango ang lalaking nakaputi sa babae na tila ba binibigyan siya ng pahintulot na sumagot sa tanong ko.

"28th of February po... Leap year po ngayon..."

Nanalaki ang mga mata ko. Muling bumilis ang tibok ng puso ko... Hindi pwede... Hindi pwede mangyari ito... 28th of February na ngayon?! Taon ng bisyesto! Makikita ko na naman siya... Mgapaparamdam na naman siya... Papatayin na naman niya ako...

"I-ilabas ninyo ko dito," nagkukumahog akong bumaba ng kama ngunit pinigilan ako ng lalaking nakaputi.

"Janine, relax ka lang. Walang mangyayaring masama sa iyo..."

"H-hindi, kailangan kong makalabas dito.. Kailangan kong makatakas... Kailangan kong magtago! P-please."

Muling pumasok ang tatlong lalaking nakaputi na lagi nag-iinjection sa aking ng kung anu-ano. May dala silang straight jacket na pilit na pinapasuot sa akin.

""B-bitawan niya ako... H-hindi ako baliw. H-hindi ako balaiw! Totoo lahat ng sinabi ko tungkol sa kanya... Totoo siya.. Pinapatay niya sa akin ang mga kabigan ko.. Pinapatay niya ang lahat ng mga tao sa resort. Babalik siya bukas para ako naman ang patayin niya. Please... Pakawalan ninyo ako..."

Naramdamna ko ang sakit ng karayom ng injection sa may braso ko na dahilan upang muli akong manghina... Muling manlabo ang paningin ko. Bakit ba walang naniniwala sa akin...Hindi ako baliw... Hindi ako ang pumatay sa kanila. Hindi ako... "M-maniwala kayo... Babalik siya.. Babalik siya bukas.. Babalik siya upang patayin rin ako... Please, maniwala kayo sakin.. Pakawalan ninyo ako.. Pakawalan ninyo ako!!!!:

***

***

***

***
***
***
***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much! :) :*

***

***

***

***

Sana ay basahin ninyo rin ang next Horror novel ko... :)

Para makilala ninyo si "KAIBIGAN"

eto po ang Link:

https://www.wattpad.com/myworks/487945-kaibigan-slow-update????

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon