BINALOT ni JC ang makapal na kumot sa katawan dahil sa matinding lamig na nararamdaman kahit sarado na ang lahat ng bintana at pinto sa terrace na maaaring pasukan ng hangin. Napaatras tuloy siya habang nakatagilid na nakahiga sa malambot na kama kung saan naramdaman niya sa may likuran na nakahiga na rin pala si Madz sa tabi niya.Nanawa na siguro ito kakalibot sa buong mansion kaya naisipang ng bumalik sa kwarto nila. Hindi niya na namalayan ang paghiga nito dahil sa masarap niyang pagkakatulog na dala ng malamig na panahon.
"Madz..." Nakita niyang nakahiga ng patalaikod rin mula sa kanya ang dalaga kaya yumakap siya dito. Nakakita na siya ng paraan upang kahit paano ay maibsan ang lamig na nararamdaman. "Mama Bear, sorry na... Patawarin mo na ako, please," paglalambing niya habang ang isang kamay ay nagsimulang mamasyal sa katawan nito. Pinagbutihan niya ang paglalambing ng magsimulang umiyak si Madz.
"Madz, tahan na..." Hinaplos niya ang pisngi ng nakatalikod na dalaga ngunit kaagad siyang napahinto ng maramdaman ang malagkit na likido mula sa may pisngi nito. Sobrang nabasa ang kamay na nagpabangon na sa kanya sa pagkakahiga at kaagad na binuksan ang lamp shade na nasa tabi. Nababalot na ng malapot na dugo ang kamay niya na kanina lang ay humahaplos sa nakatalikdo na dalaga.
Hindi pa rin humaharap si Madz na patuloy pa rin sa mahinang paghagulhol.
"M-madz, a-are you okey?"
"JC, tulungan mo ako..." biglang bumangon at humarap si Madz sa binata na nakalahad ang mga kamay at handang humaplos sa mukha ni JC.
"T*ng ina!: Nalaglaga na siya mula sa ibabaw ng kama dahil sa pagkagulat. Sunug na sunog ang buong mukha ni Madz hanggang leeg, pati na ang mga kamay nitong halatang natuklap na ang mga balat. Parang inukit ang mga mata nitong na wala na sa kinalalgyan at walang tigil ang pag-agos ng magkahalong pula at dilaw na likido sa pisngi nito na nanggaling sa butas na talukap ng mga mata. Nanginginig na napaatras siya sa pagkakaupo.
"JC..."
Lalong nanginig sa takot ang katawan niya ng may makapang mga paa sa may likuran. May tumutulong kung anong tumutulo sa may ulo niya na ramdam niyang tumuloy sa may pisngi niya. Sunud-sunod iyon na halos nagpahilamos ng mukha niya. Malansa ang amoy. Nanginginig niyang nilakasan ang sarili na tumunghay sa pinanggagalingan ng tumutulong iyon. Dahan-dahan na tila ayaw na niyang makita pa. Tatlong mukha ng tao, duguan, sugatan at nakaawang ang mga labi kung saan nanggaling ang mga dugong tumutulo sa mukha niya ngayon.
"Ahhhhh!!!!"
**
**
ISANG malakas na kidlat at kulog ang nagpagising sa diwa ni Phoebe. Bahagya niyang iminulat ang mgat mata at napansing madilim na sa labas ng bintana. Napasarap yata ang tulog niya masyado dahil sa lambot ng kama at lamig ng panahon. Mabilis na lumipas ang araw sa kanya dahil sa patuloy na pag-ulan. Napapikit siyang muli ng maramdaman ang yakap ng nobyo mula sa likuran. Naibasan kahit paano ang lamig na nararamdaman niya. Babalik na sana siyang muli sa pagtulog ng mapansin ang kakaibang amoy. Malansang amoy na nakakasuka. Parang... Parang nabubulok na karne. Nararamdaman niyang may kung anong gumagapang sa pisngi niya. Maliit at mamasa... Bigla siyang napabalikwas ng maramdamang palapit na iyon sa may tainga niya. Para kasing ang gumagapang sa pisngi niya... Ay maliliit na mga uod..
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang katabi na kanina lang ay nakayakap sa kanya. Isang malabangkay na babaeng naaagnas at inuuod na ang buong mukha at katawan. Nagkalat na rin ang mga uod na nagkanya-kanya ng gapang sa ibabaw ng kama. Gumagapang palapit sa kanya. Mga puti, maliliit at matatabang uod na tila galing sa pisak na isang mata ng babaeng parang naitlugan na ng mga uod.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year