Chapter XXIX

17.1K 563 45
                                    

Kanina pa dapat 'to...
Kaya lang nagkaroon na naman problem ang smart connection... Grrrrrr -_-
Maikli lang ang chapter na ito...
Dahil ito lang ang nakayanan ng laptop ko...
Sorry :(
Mag-a-update po kaagad ako once nawala topak ng laptop ko...

Happy Friday! :)

***
***
***
***

"SH*T! Wala pa ring signal!" Hindi na napigilan ni Gabby ang sarili na mapamura kahi hindi naman talaga siya nagmumura. Kahit saang sulok kasi ng kwarto siya pumunta ay walang makuhang signal ang cellphone na hawak niya. "M-mamamatay tayo.... L-lahat tayo... Mamatay tayong lahat..." Napaluhod na siya ng tuluyan ng maisip ang sinasabing iyon.

"Sweety no... Hindi tayo mamamatay... Walang mamamatay..."

Naramdaman ni Gabby ang higpit ng yakap ni Mon sa kanya na kahit paano ay nakapagpabawas ng matinding takot na nararamdaman niya.

"Ito ang tandaan mo Sweety," iniharap ni Mon ang nobya at ikinulong sa mga palad ang magkabilang pisngi nito. "Mamamatay muna ako bago ka mahawakan o masaktan ng kung sino mang demonyong may pakana ng lahat ng ito!"

"P-pero sino ba siya, sweety? Bakit niya pinatay sina Emma?!" umiiyak na tanong ni Gabby. "H-hindi kaya ang red lady na nakikita namin nina Phoebe?!"

"R-red lady?" napapalunok na balik tanong ni Mon. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang kaba na dulot sa kanya ang sinabing iyon ni Gabby.

"Sweety, sa bahay pa lang nakita ko na siya. Bago tayo bumayhe naramdaman ko na siya! H-hindi kaya... Hindi kaya siya ang pumatay kina Emma? O-oo... S-siya nga... Siya rin 'yung nasa kwento ni Kiko... I-ibig sabihin totoo siya... Pinatay niya si Emma... At... At p-papatayin niya rin tayong lahat!"

"Sweety... Sweety, listen to me," bahagya nang niyugyog ni Mon ang kaharap na nobya. "Hindi totoo ang anumang kinwento ni Kiko. Walang red lady at wala ng mamamatay. At kung sino man ang may kagagawan nito... Malaman ko lang talaga kung sino siya... Ako mismo ang papatay sa kanya..."

Natulala si Gabby sa seryosong mukha ni Mon. Ngayon lang niya nakitang nagkaganito ang nobyo. Parang ibang Mon ang kaharap at kausap niya ngayon.

"Kailangan na nating bumaba. Tama si Vernon na dapat ay hindi na tayo maghiwa-hiwalay. Mas safe kung magkakasama tayong lahat."

"Pero natatakot ako kahit sa kanila... hindi ko na laman kung sino pa ang pwede kong pagkatiwalaan. Paano kung... Paano kung isa sa kanila -"

"No Sweety, I think si mang Potpot ang nasa likod ng lahat ng kademonyohan na ito. Kung ano man ang dahilan ay hindi ko alam. Pero malakas ang kutob ko, wala sa Perwisyo Boys ang kayang ... Ang kayang pumatay ng tao... And one more thing, Sweety," pnisil ni Mon ang malambot na kamay ng nobya. "As long as kasama mo ako, pangako... Walang sinoman ang makakapanakit sa iyo"

Muling naiiyak na niyakap ni Gabby ang binata. Kahit ano pang sabihin nito ay wala na siyang tiwala kahit sinomang tao na nasa baba. Si Mon lang ang kaya niyang pagkatiwaaan... Wala ng iba.

***

"Pare, teka nga!" Sa wakas ay napigilan ni Vernon si JC bago pa tuluyang makalabas ng balkonahe ng mansion.

"What?" paasik na tanong ni JC na humarap kay Vernon.

"Saa ka ba pupunta?"

"Hahanapin ko si Claud!"

"Saan mo siya hahanapin? Paano kung -"

"Shut up Vernon! Alam kong buhay si Claud! Nararamdaman kong buhay siya kaya kailangan ko siyang hanapin!" malakas na sagot ni JC. Labis siyang nako-konsyensya kapag naaalala ang nakitang bangkay ni Madz. Hindi niya ito nailigtas kaya kailangan niyang mailigtas si Claud sa kung ano pa mang kapahamakan ang naghihintay dito.

"Pero mas safe kung magkakasama tayong lahat. Hintayin nating mag-umaga at sabay-sabay nating hahapin si Claud," ani Vernon. Ayaw na niyang may mapahamak pa sa mga kasama niya.

"No Vernon! Hindi ako papasok d'yan para lang magpalipas ng gabi ng walang kahit na anong ginagawa. Paano kung nasa panganib nga ang buhay ni Claud ngayon? Paano kung anumang oras ay maaari siyang mamatay?! Vernon," hinawakan ni JC sa magkabilang balikat ang kaharap na binata. "Paano kung si Janine ang nawawala ngayon? Sigurado ako na mas malala pa sa ginagawa ko ngayon ang magagawa mo."

Batid ni Vernon na tama ang kaibigan. Kung ang nobya niya ang nawawala ay hindi niya hahayanang magpalipas ng gabi ng hindi kumukilos upang hanapin ito. Mukhang hindi na niya talaga makukumbinsi pa si JC na bumalik sa loob. "I'll go with you."

"No, balikan mo na sina Janine. Hindi ko alam pare, pero feeling ko hindi sila safe kapag kasama nila si Kiko."

"Kiko?" takang ulit niya.

"Ayokong mag-bintang dahil wala naman akong kahit na anong katibayan. Pero pare, alam nating lahat na ideya niya ang pagbalik natin dito sa resort na 'to.

Vernon, hangga't maaari ay ilayo mo sila kay Kiko."

Hindi na nakasagot pa si Vernon sa sinabing iyon ni JC. Wala siyang makapang salita at mas lalong hindi siya makapniwala. Kaibigan niya si Kiko at kilala niya ito. Kilala niya nga ba ang kaibigan na halos kapatid na ang turing niya?

"Sige na pare, aalis na ako."

Naiwang nakatulala at nakahatid ng tanaw si Vernon kay JC.

Tumuloy naman ng lumabas si JC at sumugod sa malakas na ulan. Mabilis niyang kinuha ang susi mula sa bulsa at binuksan ang pinto ng van na nilapitan. Saglit pa niyang pinagpagan ang nabasang ulo at jacket na suot ng makapasok bago sinimulag buhayin ang makina ng sasakyan. Hindi niya alam kung tama ang pupuntahan niya ngunit gusto niya pa ring subukan. Wala sa buong mansion si Claud at isa lang ang lugar na alam niyang maaaring pagdalhan dito ng kung sino mang nanggugulo sa kanila ngayon. Ang luma at maliit na bahay sa may gubat.

"Bahala na," bulong niya bago tumingin at hinawakan ang rearview mirror upang ayusin ang pwesto. Pero nanlaki ang mga mata niya ng makitang may tao sa likuran niya. At bago pa siya nakakilos ay may kung anong matigas na bagay na ang malakas na pumalo sa ulo niya. Nagsimula ng umikot ang paningin niya... Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang lahat sa kanya...

***

***

***

***

Bumalik na siya...

Nagsimula na siya...

Pero sino nga kaya siya?

Isa nga ba sa kanila?

Hanggang saan kaya ang kaya niyang gawin?

Tandaan sana nating lahat...

Mag-ingat tayo at h'wag magtitiwala

basta-basta sa kahit na kanino...

Lalo na sa mapanlinlang na katauhan...

***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much! :) :*

Happy Friday! :)

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon