Chapter XXII

26.2K 673 37
                                    

Oh my!

Friday na ulit...

Last UD for this week...

Again, pakibasa muna ng mabuti ang WARNING bago magpatuloy sa chapter na ito!

Maraming salamat po! :)

HAPPY BLOODY FRIDAY!

***

***

***

WARNING! STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.

THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.

***

***

***

***

PAWISAN ang noong bumangon si Rency mula sa kama.

"Oh my God! Oh my God!" ramdam niya pa rin ang matinding takot. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang bibig. Ang mga labi... Ang mga ngipin niya.

Napalunok siya kasunod ang isang malalim na buntong hininga. Kumpleto pa rin ang mga ngipin niya. Nakakabit pa rin ang mga kawad ng brace sa mga iyon.

"Rency..."

Napasiksik siya sa sulok ng kama ng makita si Marvin. Pero hindi ang gwapong mukha ni Marvin ang nagpasiksik sa kanya. Kung hindi ang nakakakilabot na duguang mukha at katawan nito na nakatayo sa may gilid ng kama niya.

"Umalis ka na dito..."

Kasunod ng mga salitang iyon ay ang pagbulwak ng mga dugo sa bibig nito... Tila hirap na hirap sa pagbigkas ng mga salita at kinakapos ng hininga. Ngunit sa isang kisapmata lang na ginawa niya ay kaagad na naglaho ang binata.

Hinila niya ang makapal na kumot at binalot sa katawan habang iginagala ang paningin sa buong paligid na binibigyan ng saglit na liwanag ng kidlat na gumuguhit sa labas. Wala ng bakas ng kahit na sinong tao doon. Ngunit may naiwan pa rin bakas si Marvin. Ang malamig at nakapangingilabot na hanging patuloy na yumayakap sa kanya sa kabila ng makapal na kumot.

***

"S-SINo 'YAN?! Nasaan ako?!" sigaw ni Joel ng marinig ang ingay ng bumukas na pinto. Nagising siya kanina na sobrang bigat at sakit ng pakiramdam sa ulo. Nahintatakutan ng mapagtantong nakapiring ang mga mata niya at nakakadena na magkahiwalay ang mga paa at kamay habang nakahiga sa ibabaw ng tila isang mahabang lamesa. Ramdam niya ring tanging boxer na lamang ang natitirang saplot niya sa katawan.

"Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat..."

"Sino 'yan?! Sinong nandyan?!" Pamilyar sa kanya ang boses na iyon pero masyadong masakit ang ulo niya para alalahanin kung sino ito. Narinig niya ang mga yabag nitong palapit sa kanya kasunod ang pagtanggal ng piring sa mga mata niya.

"E-emma?" Mabilis na naagaw ang atensyon niya ng nobyang nasa sulok at nakaupo. Nakapiring ang mga mata nito. "Emma! Emma tulungan mo ako!" sigaw niya pero walang kahit na anong ikinilos ang dalaga. Para bang wala itong naririnig na kahit na ano.

"Hahaha!"

Napahinto siya sa pagtawag sa nobya at napalingon sa taong nagtanggal ng piring niya. Isang babaeng nakasuot ng pulang manipis na nightdress. Kababakasan ng kalumaan ang bestida dahil sa mga punit-punit at tastas na laylayan. May sako pa ito na nakasuot sa ulo na may bakas rin ng mga mantsa ng dugo.

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon