29th of February
8:36 A.M.
"Babe... Babe, wake up..."
Pupungas-pungas na bumangon si Vernon mula sa kinahihigaang sofa bed. Tuluyang nawala ang antok niya nang makita ang mukha ni Janine na umiiyak. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Mataas na ang sikat ng araw na pumapasok ang liwanag mula sa bukas na bintana at pinto. Ang lahat ay kababakasan ng pag-aalala sa mukha. "What happened?"
"Babe," nakahawak si Janine sa kwelyo ng nobyo at wala pa ring tigil sa pag-iyak. "Babe, nawawala si Rency."
Ngayon lang tuluyang nagising ang diwa ni Vernon bago muling inilibot ang paningin sa paligid. Hindi nga nila kasama si Rency...
"Kasalanan ko 'to..." Napaupo na muli si Janine sa sofa na kaagad na tinabiha ni Phoebe.
"Janine, hindi mo 'to kasalanan. Walang may kasalanan sa atin," alo ni Phoebe.
""Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya..." muling iyak ni Janine.
"Kailangan ko ng matext sina papa... Kailangan ko ng maipaalam sa kanila ang nangyayari dito!" pati si Gabby ay nagsimula na ring umiyak.
"Sweety, nandito lang ako sa tabi mo. H'wag kang matakot," sabi ni Mon.
"Sweety, umalis na lang tayo."
"Walang van Gabby. Sinira ng kung sinomang psycho ang van na tanging sasakyan na pwede nating magamit," ani Kiko.
"Kailangan kong hanapin si Rency! Kailangan ko siyang mahanap!"
"Janine wait!" Hinawakan ni Vernon sa kamay ang nobya ng akmang aalis ito. "Hindi safe na lumabas ka mag-isa. Hindi natin alam kung sino siya. O kung ano siya..."
"B-babe, tell me... Ano bang nangyayari na ito?! Sino bang may kagagawan nito?!"
Hindi magawang makapagsalita ni Vernon sa tanong na iyon ni Janine.
"Yung red lady ba?" tanong ni Phoebe. Siguro nga masyado na siyang napaparanoid, pero wala na siyang ibang maisip na salarin kung hindi ang multong paulit-ulit na nagpapakita at nagpaparamdam.
Napalunok si Gabby sa tanong na iyon ni Phoebe. Maaari nga kayang totoo ang red lady sa kwento ni Kiko? Wala sa loob na napatingin siya sa bawat isang kasama. Ang alam niya ay maaaring makabalik ang isang kaluluwa ng isang patay mula sa kabilang buhay kung may pinanghahawakan itong matinding galit. Maaari rin itong makagamit ng katawan ng isang taong konektado sa buhay nito. Paano kung... Paano kung isa sa mga kasama niya ay konektado sa red lady? Maaari kayang mangyari na ang isa sa mga kasama niya ang may kagagawan ng lahat?
"Tama na 'yan Phibs! Walang pupuntahan 'yang ka-praningan mo!" saway ni Kiko. "Mabuti pa ay maghiwa-walay tayo upang hanapin si Rency."
"No! Hindi ako hihiwalay kay Mon!" matigas na sabi ni Gabby na humawak sa kamay ni Mon.
"Okey fine!" Kiko rolled his eyes. "Look guys, if you really want to find Rency kailangan nating gumawa ng paraan. Ganito na lang, maghati tayo sa dalawang grupo. Janine, Vernon and Phibs, kayo ang magkakasama. Hanapin ninyo sa buong mansion na ito si Rency. Kami naman ni Mon at Gabby ang magkakasama, sa labas kami maghahanap. Sa may gubat..."
Sabay-sabay na nagkatingininan ang tatlong Perwisyo Boys na hindi nakaligtas sa pansin ni Phoebe. Ramdam niyang may tinatago talagang sikreto ang mga ito, kung ano man ngayon ay wala siyang ideya. Pero alam niyang malalaman at malalaman niya rin iyon.
"Agree ba kayo guys?" muling tanong ni Kiko.
"Okey sa akin," sagot ni Vernon na sinang-ayunan ng lahat.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year