Chapter XLII

13.8K 436 59
                                    

WARNING! STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.

THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.


***

***

***

***

***

28th of Ferbuary

2:42 A.M.

"Mahal ko..." naiiyak na bulong ni Marvin habang pinagmamasdan ang nobyang nakahiga na walang malay sa malaking kama. Natumba ang upuan kung saan siya nakatali habang binubugbog nina JC, Joel at Mon. Batid niyang pinagpasa-pasahan na ng limang Perwisyo Boys ang katawan ng nobya kanina.

"Tapos ka na bang magpahinga, pare?" tanong ni JC at iniayos ang upuang kinatatatalian ng kausap na binata.

Napalunok si Marvin nang makita ang hawak na Baseball bat nang nakangising si Mon sa harapan niya. May mga pako iyon sa dulo. "P-pare... P-pare, please... Maawa ka sa akin... M-maawa kayo sa amin..."

"Pare, may naisip ako," nakangising sabi ni JC na may hawak na tool box. Ibinaba nito ang toolbox at saglit na may hinanap sa loob niyon. "Nakita ko rin!"

Nanlaki ang mga mata ni Marvin ng makita ang hawak ni JC. Isang plais!

Nagsimulang maglakad si JC palapit sa may paanan ng nakatali at duguang binata. "Gusto kong subukan 'yung napapanuod ko sa movie. Hahahaha!" Inipit nito ng plais ang kuko ng hinlalaki ng paa ni Marvin at sinimulang pilit na hilahin.

Napapatingala si Marvin habang nakapikit ng mariin at kagat ang pang-ibabang labi sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ramdam niya ang unti-unting paghila ng kuko mula sa hinlalaki niya.

"Whoooo!!!! Success!!!" sigaw ni JC na hawak-hawak pa ang plais na may nakaipit na duguang kuko.

"P*tsa ako rin! Gusto rin subukan!" sambit ni Joel pagkatapos suminghot ng shabu sa plastic na hawak. Inagaw nito ang plais at lumuhod sa may harapan ni Marvin. Sinimulan nitong hilahin ang kuko sa pangalang daliri. Maliit lamang iyon kaya kaagad na nahila. Hindi pa nakuntento kaagad na sinunod ang dalawa pang kuko na katabi.

Hingal na hingal na si Marvin. Ramdam niya ang sugat sa may pang-ibabang labi niya sa sobrang diin ng pagkakakagat niya. Pero mas ramdam niya pa rin ang sakit sa mga daliring wala ng kuko.

"Teka, sa akin 'yung isang hinlalaki niya!" sigaw ni Mon na namumula ang mga mata. Kaagad na lumapit sa may paanan ni Marvin at inipit ang kuko ng isang hinlalaki. Ngunit hindi nito mahila ang kuko at ilang beses na bumbitaw sa pagkakaipit ang plais na hawak. Sa sobrang inis na Mon ay muli nitong inipit ang kuko ngunit sa halip na hilahin ay bigla na lamang iyong tinuklap! "Whoooo!!! Ang galling ko!!! Ang galling ko!!!"

"Ahhhhhhh!!!!" Hindi na napigilan ni Marvin ang mapasigaw. Iyon na ang pinakamasakit sa lahat. Makailang malalim na paghinga pa ang ginawa niya bago napatingin sa duguang mga paa na wala ng kuko ang mga daliri. Pakiramdam niya ay kakapusin na siya ng hangin sa sobrang bilis at lalim ng paghinga.

"Now, let's get it on!" Pumwesto si Mon sa may tabi ni Marvin habang ang dulo ng baseball bat na may mga pako ay nakadikit sa pawisan at duguang noo nito at makailang ulit na kunwa'y hahampasin ito na tila ba nag-eensayo ng pagpalo ng bolang darating.

Nanginig na ang katawan ni Marvin sa takot na ilang beses na napapapikit dahil sa ginagawa ni Mon.

"One last question, pare," nakangising sabi ni Mon. "Are you ready to die?"

Umalingawngaw ang nakabibinging tawanan na lalong nagpanginig sa katawan ni Marvin. Pakiramdam niya... Pakiramdam niya anumang oras ay mamatay na siya...

"Get ready pare.... One..."

Napalunok si Marvin at napatingin ang nanlalabong mga mata na ang isa ay pisak na dahil sa Pewisyo Boys sa malaking kama kung nasaan si Melissa.

"Two..."

"Pare, maawa ka..." Alam ni Marvin na bingi ang sinoman sa mga ito sa kahit na anong sasabihin niya.

"Three..."

'Mahal na mahal kita Melissa... Patawarin mo sana ako...' Ipinikit na ni Marvin ang mga mata na tila handa ng tanggapin ang paparating na kamatayan. 'Kayo na pong bahala sa akin...'

Hinawakan ng mahigpit ni Mon ang baseball bat bago buong lakas na inihampas sa noo ni Marvin na kaagad na nayupi at pumutok. Kinailangan pa nitong malakas na hilahin ang baseball bat na nakadikit sa noo ni Marvin ang mga pako. "Whooooo!!! Home run!!!"

Sumambulat ang malapot na dugo ni Marvin at nagsimulang mangisay-ngisay ang katawan sa kinatataliang upuan.

Ilang saglit na tawanan pa ng tatlong Pewrisyo Boys bago tuluyang nalagutan ng hininga ang nakataling si Marvin.

***

***

***

***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much! :) :*

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon