Salamat sa lahat ng mga nag-message, nagcomment at naghintay para sa susunod na chapter...
Every week po ay may update na...
Giyerahin ninyo po ako inbox ko,
kapag hindi ako nakapag-update sa loob ng isang linggo...
Again,
MARAMING SALAMAT... :)
Enjoy this chapter... ^_^
***
***
***
***
***
"H'wag po... H'wag po... Ayoko... Please... Paran awa ninyo na po... H'wag po..
Naalimpungatan si Marvin dahil sa mga iyak na naririnig. Mabilis siyang humarap kay Melissa na katabi niya sa matigas na katre.
Pawisan ang noo ni Melissa, panay ang iling nito at walang tigil ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi.
"Mahal... Mahal..." Tulyan nang napabangon si Marvin at ginigising si Melissa. Sinimulan niyang tampal-tamapalin ng mahina ang mga pisngi nito ng hindi pa rin agmulat ang mga mata. "Melissa... Melissa... Gising..."
Nanlalaki ang mga matang nang magising si Melissa at bumangon na sa wakas. Bahagya pa itong napasiksik sa sulok ng katre at inilibot ang paningin sa loob ng kwartong kinaroroonan. Napapalunok itong huminto ang mga tingin sa nag-aalalang mukha ni Marvin."M-mahal..." Bigla itong yumakap ng mahigpit sa binata at muling umiyak.
"M-mahal... Tahan na... Walang mangyayaring masama sa iyo hangga't kasama mo ako... Walang mananakit sa iyo..."
"N-napaginipan ko na naman sila... Nand'yan lang raw sila... Sasaktan nila ako... Sasaktan nila ako Marvin..."
Hinagod ni Marvin ang likod nang nakayakap na dalaga. Isang buntong hininga ang binitawan niya. "Tandaan mo mahal, walang sinoman ang makakapanakit sa iyo hangga't kasama mo ako... Pangako."
***
"SIR FRANCIS..."
Minulat ni Kiko ang mga mata nang marinig ang boses na iyon ni mang Potpot mula sa labas ng kwarto niya na sinundan nang mahihinang katok sa may pintuan.
"Sir Francis, nand'yan po sa ang daddy ninyo. Gusto raw po kayong makausap."
Napatiim-bagang si Kiko sa narinig kasunod ang pagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Ano na naman ba ang gusto ng daddy niya at bumalik pa ito ng resort. Ang ipahiya siya sa mga kaibigan niya?!
"Sir Francis –"
"Oo! Narinig ko!" bulyaw niya.
"P-pasensya na po sir. Sasabihin ko na lang po na lalabas na rin kayo."
Hindi na siya tumugon pa at narinig ang papalayong yabag ni mang Potpot. Ilang saglit pa siyang tumulala bago bumangon upang ayusin ang sarili. Gaano man kalaki ang kasalanan sa kanya ng mga magulang niya sinabi niya sa sarili na kahit kailan ay hindi sya dapat mawalan ng respeto sa mga ito. Pero kahit kailan ay hiding-hindi siya magkakaroon ng anumang respeto sa kerida nitong si Sandy.
Tumungo na siya sa pinakamalaking kwarto ng mansion kung nasaan ang daddy niya at ang kabit nito.
"Hon... Honey, ano ba.... Tama na... Nakikiliti na ako. Ay... Hihihi..."
Tumiim ang bagang niyang napahinto sa gagawin sanang pagkataok sa pinto ng malaking kwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya rinig niya ang malalanding tawa ni Sandy mula sa loob.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year