Chapter XLVII

15.2K 478 99
                                    

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.

THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.

***

***

***

***

***

Sorry..

Nagkasakit kasi ako.. :(

Balik na tayo sa present...

Madugong panimula para sa present chapter....

Pasintabi na rin sa mga taong nakasuot ng dental braces...

Dahil  kahit ako, ramdam ko ang sakit habang sinusulat ko ito...

Happy reading and enjoy this bloody chapter! :)

***

***

***

***

***

***

***

PRESENT TIME

Chapter XXX

29th of February

3:00 A.m.

BASANG-basa na ng magkahalong luha at pawis ang mukha ni Rency. Nagising na lamang siya na nakatali sa isang upuan na nasa loob ng isang maliit na bahay. Ang maliit na bahay na hinding-hindi niya makakalimutan.

Tanging isang maliit na kandila lamang sa may kalapit na lamesa ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kanina pa siya sumisigaw at humihingi ng tulong ngunit mga kulog at kidlat lamang ang sumasagot sa kanya.

Napalingon siya sa may sira-sirang bintana dahil sa kaluskos na narinig. Isang malabong pigura ng tao ang nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali... Kilala niya iyon. "M-marvin.. Marvin tulungan mo ako..."

Naglakad palapit si Marvin sa may liwanag na sapat lamang upang makita ito ni Rency. Malungkot na umiling. "Patawad pero hanggang dito na lang ako.... Binalaan na kita... Dapat nakinig ka sa akin... Dapat noong una pa lang ay umalis ka na..."

Lalo siyang napaiyak sa sinabing iyon ni Marvin. Mamatay na ba siya kagaya ng nakita niya sa bangungot niya?

Sabay silang napalingon sa pintuang lumalangitngit at dahan-dahang bumubukas. At sa pagluwa ng pinto sa isang babaneg nakapula na may sako sa ulo ay ang tuluyan ng paglaho ni Marvin sa hangin.

"O-oh m-my G-God! You're real!" naginginig na kahit ang boses niya. "P-please.... M-maawa k-ka s-sa a-akin."

Lumapit ang babae sa lamesa kung nasaan ang isang tool box.

"N-no... N-no... Please...." Nanginig na ang buong katawan niya ng makita ang kinuha ng babae mula sa loob ng kahon. Isang plais!

"Tsk. Tsk. Tsk. Ikaw naman kasi Rency... Sumama-sama ka pa..." Nagsimulang maglakad palapit ng babae sa kinauupuan niya.

Nanginginig na ang lahat sa kanya. Pamilyar ang boses ng babae sa kanya pero ayaw na niyang isipin kung sino ito... Mas gusto niyang isipin kung mabubuhay pa ba siya.

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon