"HINDi ko talaga feel sumama sa outing na ito," kuno't noong sabi ni Madeleine "Madz" Seva kasunod ang pagkagat sa malaking burger na hawak. Nasa isang restaurant siya kasama ang ilang kaibigan at nag-aalmusal.
"Dahil boring?" tanong ni Claudia "Claud" Ortillo.
"I know the reason, dahil kahit ako ayoko rin talaga sumama kung pwede lang," singit ni Emma Kathleen Oleo. "Dahil sa mga cheap na girls 'no!"
"Absolutely right!" maarteng tugon ni Madz. "Lalo na 'yung prostitute na girlfriend ni Kiko. Nakakadiring kasama!"
"Mukha naman siyang cool ah," sabi ni Fatima "Tims" Deguzman, ang pinsan ni Madz at lesbian na girlfriend ni Claudia.
Magkakasamang nagtapos sa isang sikat na university sina Madz, Emma at Tims. Kaya ng yayain ni Madz si Tims sa reunion ng boyfriend nila ay sinama nito si Claud. Hindi man close ni Claud ang mga makakasama ay nagpasya siyang sumama dahil hindi pa siya nakakarating sa isang private beach na balita niyang pagmamay-ari ng isa sa mga barkada ng boyfriend ni Madz.
"Hi girls! Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Joel Vendiola, ang boyfriend ni Emma.
Kasunod na dumating ni Joel si John Carlo "JC" Barrera ang boyfriend naman ni Madz. Saglit na tumingin ni JC kay Claud na katabi ni Madz. Hindi naman siya nabigo na saglit ng magsalubong ang mga tingin nila na kaagad nitong binawi.
"Eh 'di 'yung mga nakakadiring girlfriend ng mga kaibigan ninyo!" Emma rolled her eyes.
"Girl ano ka ba! You're so mean, hindi naman sila masyadong nakakdiri 'no. 'Yung isa lang talaga 'yung nakakadiri sa kanila," ani ni Madz na muling kumagat ng malaki sa nangangalahati ng burger.
"Ha? Sino do'n?" tanong ni JC.
"The prostitute girl raw," si Calud ang sumagot na kumuha ng frenchfries sa kaharap na platito.
"Ah, si Pheoebe. Penge ah!" paalam ni Jc at kumuha ng chicken nuggets sa kaharap na plato ni Emma. "Guys, wala rin naman kayong ibang choice kasi nakapag-confirm na ako kay Kiko na kumpleto tayo."
"Unless gusto ninyong maging boring ang pagtatapos ng February ninyo," singit ni Tims. Hindi siya kasama sa barkada nina JC na magrereunion pero dahil girlfriend nito ang pinsan niyang si Madz ay madalas na siyang nakakasama sa mga gimikan ng mga ito.
"Mukhang okey naman siya though hindi ko pa siya nakikita ng personal. I mean Phoebe, and you know what, nakita ko ang mga instapics niya. Hanep ang katawan mga pare!" sabi ni Joel sabay pabirong kumindat kay JC at Tims. "Oh mga pare, alam ninyo na!"
"Hoy! Ang manyakis mo ah! Idadamay mo pa ang papa bear ko!" saway ni Madz. Papa bear at mama bear ang tawagan nila sa isa't-isa ng nobyo dahil pareho sila ng pangangatawan na sabi nga ng marami ay huggable. "Kahit ganito ako kalaki, at least confident ako na malinis ako mula ulo hanggang dulo ng mga kuko ko sa paa!"
"Mama bear, alam mo naman na kahit gaano kasexy ang babaeng iharap nila sa akin, iyong-iyo lang ako..."
"Ahhh... You're so sweet!" ani Madz at niyakap ng mahigpit ang nobyo.
"Whatever," halos bulong ni Claud.
"Where are you going, bhie?" tanong ni Tims sa nobya.
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year