Chapter XVII

25K 705 51
                                    

Bakit ang bagal ng Smart Connection? :(

Natagalan tuloy ako sa pag-update...

Sorry guys... :(

Happy Monday and happy reading! :)

***

***

***

WARNING! STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.

THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.

***

***

***

"May ghost ba sa resort na ito?" kinakabahang tanong ni Rency na hindi pa rin nagsalita si Kiko. Naiinis na siya sa obvious na pambibitin nito dahil sa nakakalokong ngiti sa mga labi.

Halos nagsalubungan naman ang mga tingin nina JC, Vernon, Joel at Mon na tila nakakaramdam na hindi nila magugustuhan ang kwentong maririnig mula kay Kiko.

Saglit na nakangising iginala ni Kiko ang tingin sa mga kasama bago lumagok ng alak mula sa boteng hawak. "Acually may kwento ang resort na ito. Tugkol sa isang babaeng nakapula."

"B-babaeng nakapula?" mahinang ulit ni Gabby. Parang nagsisimulang mag-flashback sa isipan niya ang imahe ng babaeng nakikita niya noon. Isang babaeng nakasuot ng matingkad na pulang manipis nabesitida at may malabong pigura ng mukha. Possible kaya?

"Oo, isang babaeng nakapula na ni-rape ng pauli-ulit, tinorture bago pinatay..."

"Siya 'yung nagmumulto dito?" si Madz ang nagtanong.

"I don't know... I'm not sure... Dalawa raw kasi silang pinatay dito. Dalawa silang tinorture bago pinatay."

"Sino 'yung isa?" si Emma ang nagtanong. Wala naman siyang nararamdaman na kahit anong kababalaghan pero naku-curious sya sa kwento ni Kiko.

"'Yung boyfriend niya," sagot ni Kiko bago muling lumagok ng alak.

"Ang bitin mo naman magkwento Kiko eh. Buuin mo na kaya?!" reklamo ni Madz.

Lalong napangisi si Kiko. "Alam ninyo ba 'yung parang bahay kubo na malapit dito?"

"'Yun parang sira-sira na tapos mataas na ang mga talahib sa paligid?" tanong ni Phoebe.

"Yes Phibs. Ang sabi nila hindi na raw sakop ang lupang kinatatayuan ng bahay na 'yun ang pagmamay-ari ng dating may-ari ng resort na ito. At ang alam ko bahay nilang dalawa 'yun. Hindi ko alam kung ilang taon na ang nakakalipas basta ang alam ko it was also a leap year. Ang sabi sa kwento, nagtanan daw 'yung dalawa tapos 'yung gago raw na kasama ng anak ng dating may-ari ng resort na ito na parang ako lang..."

Napatingin si Vernon sa tatlong kasama. Hindi na niya talaga nagugustuhan ang kwento ni Kiko.

"Ang gago may kasama raw na mas g*go pa sa kanya. It was so us ng Perwisyo Boys hahahaha," malakas na tawa ni Kiko. "Ang mga g*agong magbabarkada pinasok 'yung bahay ng mag-dyowa. Pinatay nila 'yung lalaki at ni-rape 'yung babae. Paulit-ulit habang tino-torture. Hanggang sa manawa sila at tuluyan na nilang patayin. Exactly 29th of February raw nangg mamatay siya. Bukang liwayway... Kaya kapag ganitong leap year, nagpaparamdam siya... Nagpapakita... Naghihiganti..."

"Naghihiganti? Paano?" tanong ni Emma.

"Pumapatay. Pinapatay niya ang mga taong tumitira dito sa resort. Pinapatay niya ang mga taong nakikita at naaabutan niya kaya matagal raw bago nabebenta ang resort na ito. At dahil kuripot ang g*ago kong daddy at masabi lang na isang magandang resort ang ibinigay niya bilang graduation gift sa unico ijo niya, binili niya ito sa kabila ng kwento ng resort na ito. Binili niya para sa g*ago niyang anak."

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon