Chapter VII

29.8K 980 36
                                    

"ANG laki pala talaga ng mansion na 'to. Tapos ang ganda pa ng white beach sa labas," namamangha pa rin sabi ni Phoebe ng makapasok sila sa loob ng kwarto ni Kiko. "Pati 'tong kwarto, ang laki!"

"Sabi ko naman sa iyo eh, wala akong hindi kayang bilhin," mayabang na sabi ni Kiko bago ibinagsak ang katawan sa malaki at malambot na kama.

Naglakad naman si Phoebe sa may terrace kung saan kitang-kita niya ang maliwanag na buwan na lalog nagpapaganda sa dagat. "Ang ganda talaga..."

"Mas maganda ka pa rin sa resort ko, Phibs."

Naramdaman niya ang mga labi at nakakakiliting bigote ng nobyo sa may leeg niya kasunod ang mahigpit na yakap nito mula sa likuran.

"Cis..." ungol niya ng pumunta na si Kiko sa harapan niya at patuloy pa rin sa paghalik na ginagawa sa may leeg niya. Pataas na ang mga labi nito kasunod ang bahagyang pagkagat-kagat sa may tainga niya na nagdulot ng matinding kiliti sa kanya na dahilan upang mapapikit siya.

Nagsimula namang mamasyal ang mga kamay ni Kiko sa katawan ng nobya. Dinadama ang dibdib ng dalaga kasunod ang paglalaro ng tuktok niyon.

"Hmmm... Cis," muling ungkol niya ng dumako ang isang kamay nito sa may baywang niya. Idinidiin ng binata ang puwitan niya sa harapan nito kung saan ramdam niya ang nakabukol na nitong pagkalalaki. Bahagya niyang idinilat ang mga mata na nakatingin sa may tabi ng dagat. Tila nabuhusan ng napakalamig na tubig ang katawan niyang nagsisimula pa lamang mag-init ng makita ang babaeng nakatayo at bahagyang nakakubli sa katawan ng puno ng niyog. Medyo malayo na iyon mula sa kanila at may kadiliman sa parte ng kinatatayuan ng puno kaya hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit kita niya ng malinaw ang matingkad na kulay pulang bestida nito. Matingkad na pula iyon na tila ibinabad ng matagal sa malapot na dugo. Ramdam niyang nasa kanila ang tingin ng mga mata ng babae.

"C-cis..."

"Hmmm..." ani Kiko na patuloy sa paghalik na ginagawa.

"C-cis... M-may tao..." Hindi niya alam kung bakit nagsisimulang lukubin ng takot ang katawan niya lao na sa hindi pagkilos ng babae doon na tila naaaliw na panuorin sila.

"Hayaan mo lang rin sila mag-make out..."

"H-hindi Cis, mag-isa lang siya... Mag-isang b-babae," nauutal na sabi pa niya at bahagya ng itinutulak ang nobyo.

"Hayaan mo nga lang..."

"C-cis ang weird kasi... Francis, teka... Teka lang..." tuluyan na niyang naitulak si Kiko ng maramdaman ang kamay nitong pumasok na sa loob ng blouse niya na suot niya. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansing may kumikislap mula sa may punong pinagkukublihan ng babae.

"Ano ba kasing problema Phoebe?! Nakakabasag trip ka naman eh!"

Sinalubong na niya ang inis na mukha ng binata. "M-may babae kasi, Cis. Kanina pa nanunuod sa atin..."

"Oh eh ano naman kung may babae?! Mamaya lang maghahanap rin 'yun ng ka-s*x niya."

"Ang weird niya kasi eh. Kasi... Kasi may hawak siyang ano..."

"Ano!?"

"B-bolo..." napapalunok na sabi niya.

"B-bolo?" ulit ni Kiko. Bumakas sa mukha nito ang biglang pag-aalala at takot. "N-nasaan?" tumingin na rin ito sa baba kung nasaan ang mga tingin ng nobya.

Muli niyang ibinalik ang mga tingin kung saan nakatayo ang babae kanina. "N-nasaan na siya? N-nad'yan lang siya kanina... D-doon oh sa may puno ng niyog."

"Ewan ko sa iyo Phoebe! Naka-drugs ka yata eh!" inis na sabi muli ni Kiko bago padabog na pumasok sa loob ng kwarto.

Inilibot niya ang paningin sa madalim na paligid sa baba kung saan tanging bilog na buwan lang ang nagbibigay ng liwanag. Wala sa loob ng napayakap siya sa sarili. May kakaibang boses na humahalo sa mga kuliglig na naririnig niya. Mahinang mga bulong na nagpapatayo ng mga balahibo niya sa katawan.

'Mamatay kayong lahat...'

***

***

***

Mamamatay silang lahat?

Bakit kaya?

Paano?

***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments.

Thank you so much! :) :*

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon