Chapter X

30.7K 880 27
                                    

"I MISS you so much!" halos paungol na bulong ni JC sa tainga ni Claud habang binubuksan ang butones ng blusang suot ng dalaga. Sinimulan niyang halikan ito mula sa leeg patungo sa may dibdib.

"I miss you too JC! Sobrang na-miss talaga kita!" tugon naman ni Claud. Nakahaplos ang mga kamay nito sa likuran ng binata na nakasuot ng asul na sando. Nasa loob sila ng isang bakanteng kwarto na tila naging bodega na dahil sa tambakan ng mga gamit na halatang hindi na rin nagagamit. Nakita nila iyon kanina habang naghahanap sila ng pagpapalipasan ng init ng katawan.

Nauna silang nagkakilala ni JC kaysa kay Tims. Noong nagtatrabaho siya bilang isang salesclerk sa isang Mall. Oo, hindi siya mayaman at nagpapanggap lamang na isang sosyal. Pero alam ni JC ang lahat at nagustuhan pa rin siya ng binata. Nagkaroon sila ng relasyon na umabot ng limang buwan. Saka lang niya nalaman na may nauna pala itong girlfriend, si Madz. At bago pa lumala ang lahat ay nakipaghiwalay na siya kay JC kahit pa ayaw ni JC.

Pero sadyang napakaliit ng mundo para sa kanilang lahat. Pumunta siya sa isang party ng mga dating kaklase sa kolehiyo. Nagbihis siya ng maganda at muling nagpanggap na sosyal sa buong gabi ng party. Doon niya nakilala s Tims na una pa lang ay ramdam niyang may gusto na sa kanya. At dahil sa pambu-bully ng mga kasama ay tinaggap niya ang alak na inaalok ni Tims at ang pagpapakilala nito sa kanya na napunta sa palitan ng cellphone number. Ilang araw lang ay niligawan na rin siya ni Tims.

Hindi niya pinakilala kay Tim sang totoong sarili niya. Nagpanggap siyang anak ng mag-asawang may business sa abroad. Nagpanggap siya bilang isang namamahala ng haciendang iniwanan sa kanya. Nagpanggap siyang mayaman at sosyal. Pero ang totoo ay ulila na siya at wala ng pamilya. At hindi nga nagtagal sa kagustuhang maiahon ang sarili sa kahirapan o ang maranasan ang luho na hindi niya natamasa sa bahay ampunan ay sinagot niya si Tims. Noong una ay pera lang ang gusto niya sa lesbian pero hindi nagtagal ay unti-unti ng naging totoo na nahulog ang loob niya dito. Okey na sana ang lahat pero ng dahil sa isang party na pinagdalhan sa kanya ni Tims ay muling nagulo ang lahat. Doon niya nakilala si Madz bilang pinsan ni Tims at nobya ni JC.

Wala siyang balak na sirain ang relasyon ng dalawa kaya nga siya nakipaghiwlay noon kay JC. Pero hindi niya napigilan ang sariling damdamin na bumalik sa puso niya. Hindi nila napigilan ni JC ang muling matukso sa isa't-isa. At dahil pareho na ayaw nilang masira ang kanya-kanyang relasyon ay nagkaroon sila ng mga patakas at tagong oras ng pagmamahalan.

"I love you Claud," bulong ni JC. Binubuksan na niya ang butones ng masikip na pantalong suot.

"I love you too JC," tugon naman ni Claud at nagsimula na ring ibaba ang skater skirt kasama ang underwear.

Ikinulong ni JC sa mga palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. Kung nauna lang sana niyang nakilala si Claud kaysa kay Madz, hindi siguro sila nagnanakaw ng mga maiinit na oras ngayon.

Mabilis na sinalubong ni Claud ang papalapit na mga labi ng binata. Matagal na nagsalo ang mga labi nila sa isa't-isa hanggang sa magsimulang kumilos ang katawan ni JC upang tuluyan ng marating ang sukdulan ng init. Naramdaman na ni Claud ang pagpasok ni JC sa kanynag kaselanan. Nagsisimula na mas lalong mag-init ang katawan niya dahil sa ginagawa ng binata. Ngunti bigla siyang napaptilag at muntik ng mapasigaw dahil sa ingay na umalingawngaw sa loob ng kwarto. Mabuti na lamang at maagap na natakpan ni JC ang bibig niya. Saglit silang tila naging estatwa na magkadikit ang mga katawan sa kinatatayuan.

Nagsimula namang mamuo ang pawis sa noo ni Claud sa kabila ng lamig na narramdaman. Sinimulan na niyang ayusin g pasimple ang sarili. Tuluyan ng nalukob ng lamig ang kanina lang ay nag-iinit niyang katawan. Paano kung si Tims ang nakakita sa kanila? Oh kung hindi man si Tims paano kung isa sa mga barkada ni JC? Hindi pwedeng malamn ni Tims ng relasyon nila ni JC. Hindi niya pwedeng masaktan si Tims. "M-mukhang wala namang tao..."

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon