Chapter XVI

26.2K 793 34
                                    

Happy Friday! :)

At dahil dadaan ang medyo mahaba-habang weekends,

eto po ang pabaon ko na mahaba-haba ring UD para sa inyo. :)

Happy reading everyone! :)

Salamat sa lahat ng matyagang naghihintay at nagbabasa ng UD ng Story na ito... :)

God bless... :)

***

***

***

***

SAGLIT na napahinto si Janine sa pagpasok sa kusina na mabuksan ang switch ng ilaw. Nagsimula kasing kumurap-kurap ang liwanag na dulot niyon. Ramdam niya pa rin ang lamig na dala mula sa labas kahit nakapatong na ang malaking tuwalya sa katawan niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa malaking ref kung saan kukunin ang mga pagkain na iihawin ng barkada. At bago pa siya tuluyang makalapit ay bigla ng namatay ang ilaw sa kusina.

"Paranoid na anman ako." Binuksan niya ang celphone na hawak upang gawing pang-ilaw. Ngunti hindi na niya nagawang ituloy ang paglalakad ng mailawan ang tiles na sahig na may mga bakas ng dugo. Napapalunok na sinundan niya ang mga bakas na iyon hanggang sa mailawan ang pares ng mga paa na ilang hakbang lamang ang layo mula sa kanya. Nagkalat ang dugo sa kinatatayuan nitong sahig. Naghahalo naman ang putik at dugo sa mga paa nito. Nanginginig ang kamay na dahan-dahan niyang itinaas ang liwanag ng cellphone na hawak sa mga binti nito na kababakasan ng mga sugat at dugo. Dahan-dahang muling tumaas ang liwanag sa katawan niyon. Isang babae na nakatalikod sa kanya at nakasuot ng matingkad na pulang bestida. May makapl itog buhok na nanlalagkit na rin dahil sa dugo. Gumapang na ang kilabot sa katawan niya ng marinig ang mga hikbi nito. Mga hikbi na aakalain mong mga tawa na nagpapanginig sa katawan niya.

"S-sino ka?"

"Hihihi.... Hihihi... Hihihi..."

Masakit sa tainga ang maliliit na tawang ginagawa nito. Ilang saglit pa bago unti-unting gumalaw ang ulo ng babae. Dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan niya habang ang katawan ay tila estatawa na nakatayo lamang.

Hindi pa man niya tuluyang nakikita ang mukha ng babae pakiramdam niya ay hihimatayin na siya. Kung pwede lang sana... Sana mahimatay na siya... "Oh my God..." Tuluyan ng nakaikot ang mukha ng babae sa kanya na hindi na halos maaninag dahil sa makapal na dugong bumabalot dito.

"Hihihi... Mamamatay kayong lahat... Hihihi... Papatayin ko kayong lahat..." Bumubulwak ang mas maraming dugo sa pagbuka ng nagnanaknak nitong mga labi kung saan umalingasaw ang magkahalong lansa at amoy ng tila nabubulok na karne. "Papatayin ko kayong lahat..."

Isang kamay ang naramdaman ni Janine na kumapit sa braso niya na muntik ng magpsigaw sa kanya. Kasabay ng paglingon niya sa nagmamay-ari ng kamay ay ang pagbalik ng liwanag sa kusina.

"Janine, are you okey?" nag-aalalang tanong ni Phoebe ng makitang tila namumutla ang kausap.

Mabilis na ibinalik ni Janine ang tingin sa likuran. Wala na ang babae.

"Heto, uminom ka muna ng tubig," alok ni Gabby na may hawak na baso ng tubig.

Kaagad naang inabot ni Janine ang baso at ininom ang tubig. Tuluyan na rin siyang napaupo sa kalapit na upuan.

"What happened?" muling tanong ni Phoebe.

"N-nakita ko na naman 'yung babae..."

"B-babae?" biglang kianabhan si Gabby sa narinig mula sa namumutlang si Janine.

Ipinilig ni Janine ang ulo bago inihilamos sa mukha ang mga palad. "Paranoia.... Napa-paranoid na naman ako..."

"May nakikita rin akong babae... Sa bahay pa lang bago kami pumunta ni sweety sa bahay ni Kiko..."

29th of February (Published under VIVA Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon