Sobrang nakakatuwa nang makita ko ang RATING ng
"29TH OF FEBRUARY"
sa Horror List! :)
Maraming salamat po... :)
Kahit matagal-tagal ako na nawala,
nand'yan pa rin kayo para sa akin.. :)
Heto na po ulit ang isang "Pabitin" na chapter... :)
Enjoy this chapter...
Happy Thursday! :)
***
***
***
***
***
"FRANCIS..."
Bahagyang nasilaw si Kiko nang itaas ang mga tingin. Tinataman kasi ng sinag ng araw ang magandang mukha ni Melissa na nakatayo sa may tabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Kiko at pinunasan ang mga luha bago muling tumingin sa dagat. Nakita niya pa lamang si Melissa at wala pa itong kahit na anong ginagawa ngunit nagsisimula ng gumaan ang pakiramdam niya.
Hindi naman sumagot si Melissa at umupo sa ay tabi ni Kiko na bahagyang naabot ng asul na tubig.
"Hindi ko kailangan ng kahit na sino kaya pwede ka nang – Aw!" Hindi na nakaiwas pa si Kiko ng biglang ilapat ni Melissa ang bulak na amy alcohol sa labi niyang may sugat.
"Hindi ko alam kung anong nangyari o kahit pa ang kwento ng buhay mo. Pero sigurado ako na mas maswerte ka pa rin sa akin," nakangiting sabi ni Melissa habang patuloy sa ginagawa.
Napalunok si Kiko nang mapansing napakalapit na ng mukha nila sa isa't isa. Bumibilis ang tibok ng puso niya at nagsisimulang dumaloy ang magakaholong init at kuryente sa katawan niya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo. Wala na talaga sigurong mamalas pa sa akin."
"Lumaki ako ng hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang. Lumaki ako sa mag-asawang hindi ko naman kaanu-ano. Mabuti na lang naging mabait ang nanay-nanayan ko. Pero ang tatay-tatayan ko? Palagi akong bibugbog," may mapait na ngiti sa mga labing pagsisimula ng kwento ni Melissa sa sariling buhay. Kumuha siya ng pinabagong bulak na may alcohol pamalit sa hawak. "Ng minsang muli niya akong pinagtangkaang gahasain, hindi na ako nag-dalawang isip pa na maglayas at sumama kay Marvin. Si nanay Lilia na rin ang tumulong upang makatakas ako kaysa mapatay pa raw ako ng asawa niya." Inabot nito ang maliit at bilog na band-aid bago inilagay sa may pumtok na labi ni Kiko. "Ayan, tapos na," anitong may ngiti sa mga labi. Inayos saglit ang medicine kit bago humarap sa may dagat. Makulimlim ang panahon at makapal ang mga ulap sa kalangitan.
"I'm sorry hear yur story."
"Okey lang. Okey naman na ako kaya h'wag kang mag-alala. Heto nga 'di ba? Kahit paano masaya na ako."
"Masaya ka ba kay Marvin?"
"Ha?" napakunot noong bumalik ang tingin ni Melissa kay Kiko.
"I-I mean, sa buhay mo ngayon. Masaya ka ba talaga?" Iniiwas naman ni Kiko ang sariling tingin. "Nakatira kayo sa isang maliit at masikip na bahay sa gitna ng gubat. Mangangahoy lang ang asawa mo at paulit-ulit lang ang pagkain na kinakain ninyo."
Bumalik ang inosenteng ngiti sa mga labi ni Melissa na muling tumingin sa dagat. "Oo naman, masaya ako kahit ganito lang kami. Alam mo, si Marvin ang kauna-unahang lalaking pinagkatiwalaan ko. Sa kanya ko napagtanto na hindi lahat ng lalaki ay kayang manakit ng babae. Sa kanya ko kauna-unahang naramdaman ang totong pag-aalaga at pagmamahal."
BINABASA MO ANG
29th of February (Published under VIVA Books)
HorrorWARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year