“The past is behind, learn from it. The future is ahead, prepare for it. The present is here, live it.”
----------------------
[59]
Past to Present
“Ano ba? Carlo, nasasaktan na ko!” But he is still ignoring me.
“Carlo! Bitawan mo na ko!” But he is still dragging me.
“I said let go of me!”
Finally, nagawa ko nang hatakin ang kamay ko mula sa kanya. Napapula niya ‘to at ang sakit sakit na dahil sa higpit ng hawak niya. Hinila niya ko at nandito na kami sa backstage, di ko alam kung saan niya ko dadalhin kung hindi ko pa hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Napahinto na rin siya sa paglalakad at nilingon ako. I looked at him, hindi naman ako galit kaya nakatitig lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Napahinga siya ng malalim at bigla na lamang sumigaw—
“Can everyone leave first?!” I kept on blinking. Kasali ba ko sa sinasabihan niya? Pero bago pa ko makakilos ay halos nawala na ang mga tao sa paligid namin. Si Carlo ay nakaupo na sa isang couch habang nakapatong ang siko sa tuhod at nakahilamos ang mga palad sa kanyang mukha. He looks frustrated.
“Babe—“ Bago pa man din ako makabuo ng isang salita ay may nauna na sa’kin.
“Uy!”
“Pre!”
“Deng!”
“Ayos lang kayo?”
“Hey!”
And the rest follows. Sumugod ang mga kaibigan namin, hinawakan ako at niyakap ng mga babae samantalang ang mga lalaki ay kay Carlo lumapit. But the both of us remained silent.
“Tagal rin niyang nawala. Anong binabalak ni Kiah?” Sa sinabi ni Kim ay lahat kami napatingin sa kanya.
“Kim.” Gulat na tono ni Carlo.
“Wait, Kiah? Kilala mo si Kiah, Kim?” Hindi ko na naiwasang magtanong. He nodded.
“Yes, we know him. Ikaw rin kilala mo siya? Nakita mo na siya bago pa ang gabing ‘to?
“Oo, nakausap ko na siya. I think this is the third time we saw each other.” Napahinga ako ng malalim at nilingon si Carlo. “Nakita mo na rin naman siya sa park dati diba? Kilala mo na rin ba siya bago pa ang araw na yon?” He looked at me bago tumayo.
“Hindi ko siya nakilala nung araw na yon.”
“You mean, you really know him personally?” Hindi siya sumagot, imbis ay si Kim na lang.
“Oo, Deng. Kilala namin siya. Kilalang kilala ng EL-8 si Kiah, miski sa buong Van Fort ay kilala siya.”
“Shut your mouth, Kim.”
“How? Paano niyo siya nakilala?” And my curiosity starts.

YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...