[22] Goodbye, Babies

695 14 2
                                    

"Someday, everything will make perfect sense. So, for now, laugh at the confusion, smile through the tears and keep reminding yourself that everything happens for a reason."

______________________

[22]

Goodbye, Babies

She is like a young flower that blooms little by little each day. Drix, why did you stop blooming this day?

She is covered with blood. Lying on the street helplessly. I can't say if she's still breathing. Why her? She is an angel, she is young, she needs to grow up and know what life is. I'm still looking at her intently. I want to burst into tears but I feel dumb. I can't even move.

"ANO BA! TULUNGAN NIYO KAMI! Tulong..." I heard Nikka's shout. Full of fear, worriedness and sadness.

"Kim! Kunin mo yung van dali!"

Dun lang din natauhan si Carlo. Tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin si Kim. Hindi naman malayo ang ampunan dito. Yumuko si Carlo at lumapit kay Drix.

"She is... still breathing."

Lumaki ang mga mata ko. Lumalaban pa si Drix. That's the only time I felt my tears. Ilang minuto pa ay dumating na ang van. Kahit ayaw muna naming galawin si Drix dahil baka kung anong mangyari pa ay wala na kaming ibang pagpipilian kaya dahan dahan na lamang siyang binuhat ni Carlo sa loob ng van tsaka kami nagsisakay. Sinabihan na rin ni Jea ang mga tao na nandoon na bantayan ang lugar para sa imbestigasyon. Carlo then insisted to drive, I'm in the passenger's seat while the others are on the back seat.

"Sandali lang, Drix. Please don't give up baby girl." Jea said between her nonstop crying.

Pati ako ay nagsimula ng umiyak ng umiyak. Napapasabunot na lang din ako sa buhok ko.

"CARLO! BILISAN MO PA!" Sigaw ni Nikka.

"Fuck! Where the hell is the hospital?!" Frustrated na sagot ni Carlo.

“Diretso lang. Sa dulo, kumaliwa ka na…” Nahanap ko na rin ang boses ko.

Dahil na rin sa sitwasyon ay mabilis kaming nakarating ng ospital. Pero dahil sa itsura namin na hindi ko alam kung anong meron, siguro ay dahil mukha pa nga kaming bata, ay hindi kami inintindi ng mga nurse. Nakakagalit! Kitang kita naman nila ang itsura ni Drix, pero bakit wala silang pakialam? Ayaw nilang ipasok sa emergency room si Drix!

“Sandali lang, maghintay kayo diyan! Marami rin kaming ibang pasyente.” Saad ng isang lalaking nurse na nairita pa yata sa’min.

We’re all full of blood dahil sa pagbuhat kay Drix kanina sa van. Hindi ba nila nakikita ang sitwasyon na ‘to? Kung gaano kalala ang kalagayan ng batang ito? SHIT! Bago pa man makahakbang ang nurse paalis ay nahablot na ni Kim ang damit nito. Nilapitan niya at pinandilatan ang lalaking nurse. I can feel anger in him. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Galit na galit. Kung gaano siya kasayang tignan kapag nakangiti ay ganun naman siya katakot tignan kapag galit.

“Hindi mo ba nakikita na malala ang sitwasyon ng bata? Kapag namatay siya, hindi pa sapat ang buhay mo bilang kabayaran. Hindi niyo siya ipapasok sa ER? Gusto mo bang igaya kita sa kalagayan niya? O ano bang akala mo? Wala kaming pambayad dito sa ospital niyo? G*GO KA BA?! Gusto mo bang bilhin ko pa ‘to ngayon?!”

“O-oo na. T-tara na---“ Mautal utal sa kabang saad ng nurse.

Dahan dahang ibinaba muli si Drix at inilagay sa stretcher. Mabilis na siyang ipinasok sa ER habang kaming lima ay naiwan lamang sa labas.

Nakaupo si Jea sa hilera ng mga upuan at patuloy sa pag-iyak habang inaalo siya ni Kim na tumabi sa kanya. Si Nikka ay paikot ikot sa paglalakad. Si Carlo ay nakasandal sa pader at nakayuko. Habang ako ay napaupo na lamang sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko at patuloy rin sa pagluha.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now