A/N: First time na iibahin ko ang POV. Wala e, napilitan ako dahil kailangan ang POV niya. At sorry po, eto lang ang nakayanan ko. So yeah~
_____________________
[27]
Carlo
Carlo’s POV
Tang*na! Ano na naman bang kalokohan ang naisipan nila? Magkakatuluyan kapag sabay nakalabas dito kahit patay ang ilaw? Mga loko pala sila e! Kapag nalaman ko talaga kung sinong may pakana nito, babangasan ko! Lintek naman o!
Iniwan ko muna si Lady para kunin ang bag niya. Bait ko diba? Di ko alam, naiinis kasi ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi nila pero paano kung totoo? Ayoko. Hindi ko gusto si Lady. Hindi kami ang pwedeng magkatuluyan. Pero anong magagawa ko? Siya ang partner ko nung namatay ang ilaw.
Ang pagkuha ng bag niya, naisip ko lang yon para hindi kami sabay lumabas, para makatakas ako. Oo na. Ang sama ko na nga siguro. E ano naman ba kasing magagawa ko? Ayokong maniwala pero paano kung totoo nga? Ang gusto kong makatuluyan ay ang babaeng mahal ko.
Pero lintek! Nagkakagulo ang mga tao. Ang ingay ng mga babae, kung makasigaw akala mo may bomba o ano. Nakakarindi! Mga over-acting!
Hindi naman ako bumalik sa table namin dahil wala naman talaga kong balak kunin yung bag ni Lady. Ayoko na sa lugar na ‘to, gusto ko ng lumabas. Mag-isa.
“Sandali lang, si Nikka!”
Napahinto ako sa paglalakad kahit marami na ang bumabangga sa’kin. Kahit nagkakasigawan, malinaw ang narinig ko. Alam kong si Led yon. Isa pa ‘to e! At isa pa si Nikka na dapat kong isipin. Pucha. Nasaan na ba yung pinsan kong yun? Pero buti na lang din at hindi sila magkasama ni Led dahil ayoko silang magkatuluyan. Mandiri kayo.
“Led, ano ba!?!! Lumabas na tayo! Tara na! Baka nakalabas na din siya!”
“Monica, no! Kailangan ko siyang hanapin.”
“Bakit pa? Marunong na yon! Ano ba?!! Sabi mo naman hindi mo siya gusto diba? Then why do you care about her? LED!”
Kung alam ko lang at nakikita ko ang dalawang ‘to, nasuntok ko na sila. Tae o. Bakit dito pa sila nagdadramahan? Nakakaleche diba?
Naglakad na lang ulit ako para hanapin si Nikka. Wala akong balak makarinig ng drama ng dalawang yon. Baka kapag nagkailaw ay pag-untugin ko sila. Peste naman kasi Nikka, nasaan ka ba? Isang rason ‘to kaya ayaw kita pag-aralin sa Van Fort e, dadagdag ka sa iisipin ko. Hindi naman kasi pwedeng hindi ako mag-alala sa’yo, pinsan kita at baka wala na kong mauwian kapag nalaman ng pamilya nating may nangyari sa’yo. Tragis!
Pero ano ba?! Niloloko ko na lang yata sarili ko e. Pano ko siya hahanapin sa isang lugar na madilim, puro sigawan at nagkakagulo? Hindi naman maingay na tao yon. Pero kilala ko siya, hindi naman siya magpapanic sa ganito. Lalabas na lang siguro mag-isa yon.
Bahala na nga. Lalabas na lang muna ko at tatawagan siya. Kung wala pa edi babalik na lang ulit ako dito at magdadala ng ilaw. Ayoko na makipaglokohan sa nagpauso nito.
“TANG*NA!!”
Napamura ako ng malakas nang matisod ako. Ang tanga diba? Nakaluhod pa rin ako dahil gusto kong magtimpi. Madilim at mamaya ay walang kasalanan ang mabanatan ko.
Pero patayo na sana ko ng may mahulog sa braso ko. Hindi bagay kundi tao. Oo, tao. Nahimatay siguro at siya siguro ang dahilan kung bakit ako natisod. Tss. Ang engot naman nito. Nahimatay? Siguro nagpanic kaya ganito.
Nahawakan ko ang buhok niya. Hindi naman siya mabigat kaya sigurado akong babae ‘to. Yumuko ako para sana isandal na lang ulit siya pero... pero naamoy ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa tagal naming magkayakap kanina, alam ko na ang amoy niya. Si Lady ‘to?!!

YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...