[9] Stay Away

803 12 0
                                    

[9]

Stay Away

Kakababa ko lang mula sa kwarto ko. Alam kong tulalang tulala ako habang naglalakad at nagmumukha ng robot. Naabutan ko si Kuya na nakaupo na at nag-aalmusal. Umupo na rin ako sa tapat na silya.

"Problema mo?" Tanong agad ni Kuya habang nakain.

"Huh? Wala naman."

He shrugged at kumain na ulit siya ng tahimik. Habang kumakain, napatingin naman ako kay Kuya at may naalala bigla.

"Kuya, anong pangalan ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo?" Napahinto naman siya sa pagkain. Alam kong nagulat siya sa tanong ko.

"Hades." Sabay titig niya sa'kin. "Bakit mo natanong?"

Hades? Ano yun? God of the Underworld si Hades sa Greek Mythology diba? Ano namang konek nun? Mga walang maisip? Tsk.

"Eh anong pangalan ng boss mo?" Tanong ko ulit imbis na sagutin ang tanong niya.

"Mr. Ocampo."

Napaawang ang bibig ko. Sina Carlo nga ang boss ni Kuya. Pero bakit siya kilala ni Carlo? Sigurado namang malaki ang kompanya nun at maraming empleyado.

"Sikat ka ba sa kompanya nila?"

"Oo naman. Ako ang pinakagwapo eh. Teka nga, bakit ka ba tanong ng tanong tungkol sa trabaho ko?"

"Ah wala naman." Nginitian ko siya at tumayo na. "Sige una na ko Kuya. Bye bye! Ingat ka! Your beautiful sister loves you. Bye!"

"Hindi ka pa kumakain hoy!" Sigaw niya pero tumakbo na ko. Winagayway ko na lang ang kamay ko.

"Hi, Deng!"

Nagulat naman ako sa bati ng mga blockmates kong lalaki. Tinaasan ko sila ng kilay pero ngumiti pa rin naman ako. Nakain ng mga yan at binati pa ko?

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now