[50] Longing For You

273 13 0
                                    

[50]

Longing For You

Kim's POV

Ayoko na. Tama na. Bakit ba hanggang salita lang ako? Tangina, mahal ko pa rin si Jea. Halos ipamukha ko na sa kanya kanina na ayoko na sa kanya pero alam kong niloloko ko lang din ang sarili ko.

Paglabas ko ng room ay may lumapit na lang na babae. I don't know her pero nginitian niya na lamang ako bigla. Ako, dahil sa kabaliwan na natutunan ko para mawala si Jea sa isip ko ay nginitian ko rin nang nakakaloko ang babae. She wrapped her hands around my arms at sinimulan na kong hilahin hanggang sa nakarating kami sa mga locker. Suddenly, she kissed me. Sa pagkakahalik niya ay naalala ko ang ginawa ko kay Jea. I pushed her on the wall and kissed her aggressively. Nang tumigil ako ay naghabol siya ng hininga.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Dumating si Jea at nagsinungaling na naman ako, hindi lang sa kanya kundi sa sarili ko rin. Nang makalabas na kami sa Van Fort kasama ang babaeng 'to ay pumara ako ng taxi. Binuksan ko ang likod nito at pinasakay na siya.

"You better go home and don't ever come back here." Saad ko pagkasakay niya pero nakasilip lamang ako. Tumaas ang kilay niya.

"What?! I thought we're going--"

"I'm saving your ass here, Miss.". She just gave me a shocked look and I shut the door. Binayaran ko na yung taxi driver bago ito pinaalis.

Napabuntong hininga na lamang ako. All I said to Jea is not true. How can I play with other girls if she's stili in my mind? Whenever I kiss someone, I think of her. Look what effect she has on me? Tapos wala rin pala, hindi niya naman ako mahal at hindi niya ko mamahalin.

Nakarating na ko sa parking lot pero bago pa ko makasakay sa kotse ko ay tumunog ang phone ko. Wala naman akong magawa kundi sagutin lalo na at si Deng ang tumatawag.

Hindi ko alam pero nang sabihin niyang nawawala si Jea ay nagpanic na ko. Paanong nawawala? Bakit siya mawawala? Saan siya nagpunta? Tumakbo na ko papuntang school lobby pero pagdating ko dun ay naabutan ko si Jea na mag-isa at tahimik na nakaupo sa sofa. Nakayuko siya, magkahawak ang dalawang kamay, magkadikit ang mga hita. Napalunok ako. Gustung gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahan dahan akong naglakad at huminto sa tapat niya. Napaangat siya ng ulo. She smiled and hugged me.

"Kim..." I stand still, preventing myself to hug her back. "Please, let's talk."

"Is there something we need to talk about?" Inilayo ko siya sakin dahil miss na miss ko na ang amoy niya at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"A lot, there's a lot we need to talk about." Her eyes became teary. Gusto ko 'tong punasan at patahanin siya. Fuck this feeling.

"Like what?" I tried to act cold. I need to be cold to her.

"You... and me." Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit parang may nag-iba sa kanya? At ano naman ang meron samin para pag-usapan pa? Wala naman diba?

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now