[51] Luigi, Monica, Dennis

277 11 0
                                    

"It takes a strong heart to love but it takes an even stronger heart to love after it's been broken."

_____________________

[51]

Luigi, Monica, Dennis

Luigi's POV

Kupal. Kung ikaw tatawaging kupal, maaasar ka diba? Kahit close mo pa yung nagsabi o kahit joke lang yun, nakakaasar pa rin. Alam ba niya ang ibig sabihin nun? Bakit kailangan niya kong tawagin ng ganun sa harap ng mga kaibigan namin? At akala ko ba dapat sweet kami sa harap ni Led pero bakit niya ko ginaganun? Hindi naman ako nagagalit agad at alam kong ang babaw lang nun pero ewan ko ba dito sa sarili ko.

"Kups!" Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Nakakaasar na 'tong babaeng 'to. "Oy, anong drama yun? Bakit ka naman nagwalkout?" Tanong niya nang makalapit na siya sakin. I looked at her seriously.

"Matalinong bobo ka pala?" Nanlaki ang mga mata niya. Pati ako ay nagulat sa nasabi ko. "No, I mean-- ano..." Shit. Kitang kita ko na ang galit sa mga mata niya. Halos lagi na kaming magkasama kaya nakakabisado ko na siya.

"Nice. Ako? Matalinong bobo? Wow, ganda ng ganti mo sakin. Patas na ba tayo niyan?" Nawala bigla ang inis ko sa kanya. Naguilty ako sa sinabi ko. "Pero gusto ko pa rin magsorry, Luigi. I didn't mean that, it's just that I want to joke around pero maling joke pala ang naibato ko. You should know me now, lagi na tayong magkasama e." Lumambot na ulit ang ekspresyon ng mukha niya.

"Sorry din." Ang tanging nasabi ko. May gusto pa kong sabihin pero ayaw ilabas ng bibig ko. Anong nangyayari sakin?

"Yaan mo na, lagi nga kitang inaaway kaya ako lang dapat ang magsorry. Don't worry, I'm quitting already." Kumunot ang noo ko.

"Quitting? Saan?"

"Sa deal natin. Tama na siguro, wala rin naman yatang mangyayari at nakakatakot na rin. Tsaka natatali ka sakin e, ang akala ng lahat ay tayo na kaya hindi ka na nakakakilos. Mamaya may gusto ka na palang iba pero di mo mapormahan dahil sakin. I realized this is becoming difficult for your part so I'm quitting. Bumalik na lang tayo sa dati, hindi laging magkasama at nakakagalaw ng libre. Sorry talaga sa walang kwentang naisip ko na 'to."

"No!" Naiinis ako! Hindi ko siya maintindihan. Ayokong tumigil kami! "Ikaw ang nag-isip nito kaya panindigan mo. Kung may aayaw satin, ako lang ang may karapatan na gawin yon. Naiitindihan mo ba?"

"Then quit now, Luigi! Alam kong ayaw mo na rin naman 'to e."

"What if I told you that I'm enjoying it now?" Natahimik siya at nakita ko ang paglunok niya. "Sinanay mo na ko sa presensiya mo at hindi naman ako nahihirapan e. Itutuloy natin 'to."

"No. Please naman, Luigi. Itigil na natin, natatakot ako."

"Ano bang kinatatakutan mo?" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at tinitigan.

"Ikaw, ako...tayo." Yumuko siya at nilaro ang mga daliri. "Pano kung mahulog ako sayo? Ayokong mangyari yon."

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now