Jea's birthday! HAPPY BIRTHDAY, JESSICA ANGELINE MAGNO! Dahil wala namang pasok ngayon, bukas mo na lang kami ilibre ha. Milk Tea! Haha! I love youuu! :* #121713
__________________________
[25]
General Assembly
“O, bakit ganyan ang itsura ng maganda kong anak?”
“Nag-away kasi sila ng boyfriend niya.”
“KUYA!”
“Tignan mo, Mommy. Guilty siya!”
“Hindi kaya! Pauso ka kasi.”
“Weh? Totoo kaya! May boyfriend ka na!”
“Tse wala! Baka ikaw diyan, may girlfriend na!”
“E ano na---“
“Kayo talaga, ang aga-aga nag-aaway kayo! Tigilan niyo nga yang girlfriend at boyfriend issue niyo. Kumain na kayo.”
Binelatan naman ako ni Kuya na nakaupo sa tapat na silya kaya inirapan ko lang siya. Minsan talaga para siyang bata. Ugh! Trip na naman niyang mang-asar, ganito talaga siya kapag walang pasok. Pero okay lang dahil tuwing weekend lang naman at kapag weekday ay napakaseryoso naman niya. Kumuha na ko ng hotdog at pinalaman ko sa pandesal.
“Pero anak, bakit parang ang lungkot mo? May problema ba?” Muling tanong ni Mommy.
“Wala po…” Tipid kong sagot habang nakain.
“Umayos ka nga! Halata na, dinedeny mo pa.” Singit na naman ni Kuya.
“Oo nga. Sige na, sabihin mo na sa’min.” Malumanay at nag-aalalang tanong ni Mommy.
“Eh kasi po--- general assembly namin mamayang 8 pero di ako makakapunta.” I paused. Hindi naman sila umimik kaya nagpatuloy ako. “Wala naman kasi akong masusuot e. Alam niyo naman dun, mga sosyal ang tao.”
“Ano bang dapat na suot niyo?”
“Black casual dresses for girls.” I pout. Wala akong itim na dress!
Hindi sila umimik makalipas ang ilang minuto. Dapat talaga hindi ko na lang sinabi. Ayoko rin naman sila pagastusin para lang sa isang dress at isang gabi ko lang naman gagamitin e. Hindi rin naman importante kung makakasama ako sa general assembly.
“Magbihis ka, aalis tayo.”
Nagpoprocess pa sa utak ko ang sinabi ni Kuya ay nakalakad na siya palayo. Napataas ang kilay ko. Agad-agad aalis kami? Saan naman kami pupunta? Biglaan naman yata?
“Di ka talaga kayang tiisin ng Kuya mo. Sige na, magbihis ka na.”
“Hanggang anong oras ‘tong event niyo?” Tanong ni Kuya habang nasa loob pa rin kami ng kotse niya pero nasa tapat na kami ng venue.
“Hindi ko alam e.”
“Umuwi ka na lang agad. Kung gabihin kayo masyado, itxt mo ko para masundo ka. Wag na wag kang uuwi mag-isa. Naintindihan mo?”
“Roger that! Thank you talaga, Kuya!” I tried to hug him pero hinarang niya ang mga kamay niya. Arte talaga!
“Okay na okay na! Sige na bumaba ka na!” Pagtataboy niya sa’kin.
“Bye! Thank you ulit. Go na, sunduin mo na si sister-in-law.”
I gave him a teasing smile pero binelatan niya lang ako. Bumaba na ko sa passenger’s seat at sinarado din naman agad. I waved my hands hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse.

YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...