[57] Swimming, Cooking, Programming & Mind

262 10 3
                                    

[57]

Swimming, Cooking, Programming & Mind

“Go, Chimby! Wooo!”

“Bilisan mo! Go, Chimby! Go! Go! Go!”

“Wooo! Chimby!”

“Go, Chimby! Go! Go! Go!”

Napatingin naman ako bigla sa gilid ko dahil sa patuloy na pagsabay ng isang babae sa pagchecheer ko kay Chimby. Nagulat naman ako nang makita si Monica. She’s holding a banner at todo cheer siya, sumisigaw at natalon pa. I kept looking at her, di niya ko napapansin dahil sobrang focus siya kay Chimby.

“Deng! Why did you stop cheering? Magcheer ka pa dali!” Halos mapaurong naman ako nang kausapin niya ko. Alam niyang katabi niya ko?

“Ah, teka. Anong ginagawa mo dito, Monica? Diba on-going ang contest niyo?” Kunot noo kong tanong sa kanya. Napahinto naman siya kakasigaw at nilingon na ko.

“Yep but I already finished the first part. Tinapos ko na talaga para makanood dito.” Tumaas naman ang kilay ko sa sagot niya.

“Mamaya naman minadali mo yun ha! Nako, Monica!”

“Of course not.” And she winked at me.

“I’ll ask something. Anong meron sa inyo ni Chimby? I mean, kasi napapansin ko na lagi na kayong magkasama then now nag-effort ka pa para makanood dito.” I asked straightforward. Di ko rin alam kung bakit ko ito natanong bigla.

“Deng, we’re just friends. Hindi naman porke magkasama kami palagi, may something na. Tsaka, dahil close friend ko siya I want to make an effort to watch him.” At alam ko pinipilit niyang hindi mautal.

“E bakit—“

“Monica,” Naputol ako at sabay kaming napatingin kay Carlo na sa laro nakatingin. “Get the towel and give it to Chimby.” Kumunot ang noo ko at nang walang nagsalita sa’min ay umikot ang mata niya. “There’s only one lap left and he’s done.” At nilingon na niya si Monica. “Salubungin mo na siya kapag umahon na siya para di masayang ang effort mo na pumunta dito.”

“Pero—“ Magsasalita pa lang si Monica ay pinutol na niya ulit.

“Bilisan mo na or else, other girls will do it.” At mabilis pa sa isang minuto nawala si Monica sa tabi ko. Kinuha nga niya ang isang tuwalya na may pangalan ni Chimby at pumwesto na sa pinakadulo. I looked at Carlo na nilingon din naman ako. “What?”

“Weird mo, Babe.” Tumaas naman ang kilay niya na ikinatawa ko.

“I’m not. Ikaw naman kasi e.” And he pinched my nose. “Stop asking when it’s already obvious. You’re just making it hard for her, let her say it herself.”

“Di mo kailangan pisilin ilong ko. Naman e! Ano bang tinutukoy mo?” And he just rolled his eyes, as always.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now