"Expectation leads to disappointment."
_______________
[28]
Disappointment
“Anong episode ka na ba kasi?”
“5 pa nga lang e. Wag kang spoiler!”
“5 ka pa lang? Ang bagal mo naman, apat na episodes na lang ako e. Buong magdamag kahapon yun lang pinanood ko. Ang ganda! Shet ang gwapo ni Lee Shin!”
“Oo nga e! Pati yung drummer nung banda nila, sino nga ulit yon?”
“Joon Hee! Kulit nga nun e. Ang cute!”
“Pero si Lee Shin talaga e! Masearch nga siya mamaya.”
“Oy Deng, anong pangalan ni Lee Shin sa totoong buhay? Yung bidang lalaki dun sa heartstrings.”
“...”
“Deng? UY DENG!”
Muntikan na kong mahulog sa upuan dahil sa pagtulak nila. Tinignan ko sila ng masama at inirapan. Wala kasi ako sa sarili ko. Naririnig ko ang daldalan nila but I don’t give any attention to them. Iba ang nasa isip ko. Iba ang laman nito at sobrang naiinis ako. Hindi ko alam ang gagawin kapag nakita ko siya.
Napayuko ako at sinubsob ang ulo sa lamesa. Nasa cafeteria kami pero sila lang ang kumain dahil wala akong gana. Hindi na sila nagtanong pa kung anong nangyayari sa’kin, siguro ramdam nilang wala akong balak magkwento. Basta, sobrang naiinis ako.
“Hi, girls!”
I gasped when I heard a guy’s voice. I’m sure si Kim yon. Isa lang ang ibig sabihin, their group is already here. Sabi ko na nga ba dapat umalis na lang ako e!
Naramdaman ko ang pag-upo nila. I didn’t bother to raise my head to see them. Ayoko. Ayokong magtagpo ang mga mata namin. Naiinis ako sa kanya. Galit ako. Wala akong balak pansinin siya though I know it’s a childish act.
“Anong nangyari dito kay Deng? Tulog ba siya?”
“May problema yata yan e, kanina pa kasi tahimik tapos hindi pa kumain.”
“Deng...”
“Deng... Hey wake up!”
Niyugyog nila ako. Alam kong sina Kim at Chimby yon at alam kong kasama na rin namin sa table si Jea dahil narinig ko ang pag-’tsk’ niya. Dahil naiinis ako, ang bilis kong nairita kaya inangat ko na ang ulo ko ng dahan dahan to make sure na dadapo ang mga mata ko sa tamang tao lamang.
“O? Bakit?” Walang ganang tanong ko habang nakatingin kina Chimby at Kim.
“May problema ka ba?” Sabay hawak ni Chimby sa balikat ko, looking so worried.
“Bakit hindi ka kumakain? O hinihintay mo talaga kami?” I gave Kim a half smile, kahit kelan talaga ‘to.
“Hindi. Wala. Wala lang talaga kong gana.”
They both shrugged at ramdam kong sa’kin nakatingin ang lahat. Maya maya lang din ay nagyaya na silang bumili ng pagkain nila kaya naiwan ulit kaming mga babae.
I just played with my fingers. Gano pa ba kami katagal dito? Hihintayin pa ba namin silang matapos? Ayoko na dito. Nasusuffocate ako. Hindi naman kasi ako sanay na may iniiwasan. Napakaawkward. At alam kong it’s an immature act but I can’t do anything. Wala akong balak pansinin siya dahil naiinis ako sa kanya.
Wala sa sarili akong napalingon ng marinig ang pagpatong ng tray sa lamesa. But damn! It’s a wrong move. Paglingon ko ay nagtama ang mga mata namin. What’s with his eyes? Why is he looking at me intently? My eyes seem glued on him. Nagtititigan pa rin kami kahit paupo na siya. This guy is really good in hiding his expressions. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. At bakit ba ang sarap niyang titigan?
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...