[34] He's Sick

520 12 5
                                    

[34]

He's Sick

Habang naglalakad na kami pauwi ay napapakunot na lang ang noo ko. Walang nag-iimikan sa'min. Ang tahimik ni Carlo habang nauuna ng naglalakad sa'kin. Binatawan na niya ang kamay ko kanina kaya nahuhuli na ko sa kanya. Ang bilis niya naman kasing maglakad kumpara sa'kin. Di naman ako nagbalak na abutan siya dahil mas gusto kong titigan ang likod niya. May mali talaga sa kanya o hindi lang kasi ako sanay na tahimik siya kapag magkasama kami?

Nakarating na kami ng bahay nina Monica na wala pa ring imikan. Pagpasok namin ay huminto ako sa sala pero siya ay nagpatuloy sa paglalakad. Parang ang tahimik ng bahay. Inaasahan ko pa namang madatnan ay ang kaingayan ng mga kaibigan ko. Hapon na at sa oras na 'to dapat mga nagmemeryenda na sila diba?

"Take a bath and change. Baka magkasakit ka."

Napalingon ako kay Carlo ng magsalita siya. Paakyat siya ng hagdan ng lingunin ako para sabihin yon. Ang tamlay ng itsura niya, di niya ko sinusungitan kaya napatango na lang ako bago siya tuluyang umakyat. Anong nangyari dun?

Umakyat na rin naman ako sa kwarto. Wala silang lahat, siguro mga naggala. Hindi talaga kami hinintay. Pagkaligo ko at pagkapalit ng damit ay tumapat ako sa electric fan para patuyuin ang buhok ko. Kinuha ko rin ang phone ko para tawagan si Nikka.

 ["Hello?"]

"Huy, nasaan kayo? Di niyo talaga kami inantay, duga ninyo!" Sinubukan kong tampuhan ang tono ng boses ko.

 ["Deng, hindi naman nila ko kasama."] Napalayo ako sa electric fan. Parang walang gana ang tono niya at ano ang sinasabi niya?

"What do you mean"

 ["Napalayas ako e. Sabi ko na nga ba hindi magandang ideya ang pagpunta diyan."] Humigpit ang hawak ko sa phone.

"What? What happened? Nasaan ka? Gusto mo puntahan kita? Okay ka lang ba?"

["Ano ka ba? Okay lang ako. Mas okay pa nga sa okay e. Wag kang mag-alala, I'm on my way home. Ikaw? So sinong kasama mo diyan?"]

"Kami lang ng pinsan mo pero nasa mga kwarto na namin kami. Siguro naliligo pa yun. Alam mo ang baliw nun! Dinamay pa kong maligo sa ulan." Kumuha ako ng suklay at tumapat muli sa electric fan.

 ["Ano? Nagpaulan kayo?!"]

"Yeah. E siya kasi---" She cut me off.

["Pasaway! Puntahan mo siya, Deng. Baka may sakit na yun. Madali kasi siyang magkasakit kapag naulanan. Ikaw ng bahala sa kanya, ikaw lang ang nandyan para sa kanya."]

"Huh? S-sige, ako ng bahala sa kanya. Salamat. Mag-iingat ka."

Tumayo ako agad, pinatay ang electric fan, sinampay ang tuwalya at ibinalik ang suklay. Dumiretso ako sa kwaro kung nasaan si Carlo,

"Shit!" Halos mapamura ako dahil nilock pa niya ang pintuan. "Carlo, open the door!" Pero walang sumasagot mula sa loob.

Bumaba ako para hingin ang duplicate key kina Manang na buti na lang ay ipinagkatiwala sa'kin. Nagpainit na rin ako ng tubig at nagpaluto ng lugaw o kaya mainit na sabaw. Pag-akyat ko ay binuksan ko agad ang pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakapamaluktot siya sa kama habang yakap yakap ang mga tuhod. Ganun pa rin ang suot niya, halos natuyuan na siya. Lumapit ako at sinapo ang ulo niya. Napakainit niya!

Pinakialamanan ko na ang gamit niya at kumuha ng shirt, shorts at brief. Di ko na alam kung ano ang mga nadukot ko sa damitan niya dahil sa pagkaaligaga ko. Saktong dumating sina Manang na dala ang mainit na tubig sa palanggana at ang lugaw. Nagpakuha na rin ako ng tubig, gamot at pinatawag si Manong guard.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now